Chapter 10
I’ll give you up instead.
Ilang beses kong naririnig sa isipan ko ang sinabi noon saakin ni Zydn. Iniwan niya ako. He’s a Ruazol. Bakit hindi ko maalala kung bakit ayaw ni daddy ko sa mga Ruazol? Hindi ko lang talaga maintindihan ang sitwasyon kong ito.
“Ma bakit ayaw ni daddy sa mga Ruazol?” Nakaupo ako ngayon sa kusina namin habang nagluluto siya. Pinapa-ikot ko rin ang nakapatay kong cellphone.
Tinitigan niya ako na para bang nagtataka kung bakit ganun ang tanong ko sakanya.
“Hindi naman talaga magkaaway ang ang ama mo at ang mga Ruazol. Kung bago sa mga magkakaibigan ay nagkaroon lang ng tampuhan.”
“Bakit? Magkaibigan ba sila noon?” Umupo siya sa harapan ko at huminga nang malalim. She’s so easy to read. Magkaibigan nga sila.
“Alam mo naman siguro na ang mga Ruazol ay isang pamilya ng mga doctor?” Maliban kay Zydn na ayaw sundin ang yapak ng mga kamag-anak niya. “Magagaling sila kaya lang nagkataon lang siguro na hindi matanggap ng daddy mo na namatay ang lola mo sa hospital na pagmamay-ari nila.”
“Hindi naman nila kasalanan, diba?”
“Walang may kasalanan. Wala lang talagang masisi ang ama mo at naiintindihan naman iyon ng mga Ruazol. Huwag kang mag-aalala sa---“
“Hindi naman ako nag-aaalala kung magkaaway man ang tatay ko at ang pamilya ni Zydn. As if I care.”
“Well, you do.” Nakangiti pa rin saakin si mama. Hindi naman ako naiinis dahil totoo naman ang sinabi niya. I do. The fact na nagtanong ako ay ibig sabihin ay I do care. “Naaalala ko pa noong unang nagsabi ka saakin nang tungkol kay Zydn. Excited kang ipakilala siya sa papa mo dahil mabait naman siya at oo mabait nga siya at karapat-dapat lang na ipakilala mo siya saamin.”
Natatandaan ko na.
Gustong-gusto ko si Zydn noon. Gustong-gusto ko siyang ipakilala kay papa kaya lang noong naipakilala ko na siya sakanila ay parang naging disappointed sakin si papa.
Disappointed siya saakin kahit na hindi niya alam na noong panahong nag-uumpisa na akong magrebelde ay nandoon si Zydn para saakin. Na kahit ang gulo ng pamilyang mayroon ako ay sinusubukan ko pa rin intindihin sila. Hindi sila kasal ni mama at may ibang babaeng kinakasama si papa. Ang legal niyang pamilya. Noong una ay iniintindi ko naman yun pero noong pinapalayo niya ako kay Zydn doon talaga ako napikon sa papa ko.
Lalo pa akong nainis kay papa noong umalis si Zydn. Sinisisi siya sa pag-alis ni Zydn noon. Alam kong katulad ko ay magulo din ang pamilya ni Zydn. Hindi siya matanggap ng papa niya dahil sa mga desisyon niya. Ayaw niyang maging doctor katulad nila. Ayaw niyang maging sunud-sunuran sa papa niya. Kaya naman noong sinabi nilang papayagan na siyang gawin ang gusto niya basta lang sumama siya sakanila ay sinunggaban na niya. Kahit papaano ay gusto niyang mapalapit sa papa niya. Sino nga ba naman ako noon. Katulad niya ay disaster din naman ang buhay ko. Kung pagsasamahin kaming dalawa ay baka wala rin naman kaming mapapala sa isa’t-isa.