Chapter 6
“ANDIE! FINALLY! Akala ko hindi kita makikita.” Hindi pa kami nakakalayo ni Zydn kaya naman narinig ko ang pagtawag ng isang babae sa pangalan ni Andie. I pulled my hand from Zydn’s. I know what I did was wrong but I can’t help it.
“Babe. Sorry hindi kita natawagan kaagad.” Their endearment made me look at their way. Are they dating?
Hindi naman sila nakatingin sa akin and I do not care kung makita nila akong nakatingin sa kanila. Andie is cupping her face sweetly. Like he used to do to me. This is frustrating! Bakit parang nanghihina ako sa nakikita ko?
“Andrea.” Seryoso ang boses ni Zydn nang tawagin niya ako kaya naman hinarap ko siya kahit na hindi ko alam kung ano ngayon ang hitsura ko. Kung sobrang halata ba na naaapektuhan ako sa ginagawa ni Andie.
“You love him that much?” He asked me as if he’s talking to a child.
“No.” Sagot ko at saka umiling. Alam ko sa sarili kong nagsisinungaling ako. I fell too deep. And I hate the fact that I’m admitting it to myself.
“Let’s go babe?” Their endearment is creeping the hell out of me!
“Kung gusto mo pa rin siya, huwag ka masyadong nagpapakaobvious.” Doon lang ako natauhan sa sinabi ni Zydn. “Huwag mong ipapakita sa kanyang naapektuhan ka dahil paniguradong gugustuhin niyang makita ka ulit na nagkakaganyan.”
“Then what should I do?”
“It’s up to you Andrea.”
“Bakit nandito pa kayo? Akala ko ba umalis na kayo?” Alam kong nanghuhuli lang naman si Andie. Nang-aasar. Kaya naman nginitian ko nalang siya.
“Pinag-uusapan namin kung anong kulay ng nail polish ang ilalagay niya sa akin. Is she your girlfriend?” Tiningnan ko ang babae. Hindi naman siya pangit. Hindi rin naman siya gaanong maganda. Sexy lang. Tamang tipo ni Andie bago ko siya nakilala sa bar noon.
“Uhm yeah. The name’s Sarah.” Inabot niya ang kamay niya kaya naman inabot ko rin ang kamay ko para hindi siya mapahiya.
“And you are?”
“Andrea. His sister.” Saka ko binawi ako kamay ko sakanya.
“Oh I thought Shiela ang pangalan ng kapatid mo?”
“Oh so ngayon alam mo nang dalawa ang kapatid niya. Anyway, bye.” Nauna na akong maglakad kay Zydn. Alam kong nag-usap pa sila sandali bago niya ako hinabol. Hindi ko na rin naman tinanong kung anong napag-usapan nila. Mukhang wala rin namang kwenta.
“Ang ginawa mong iyon kanina…”
“Ano?”
“Ginawa mo na rin kasi iyon dati. Sa isang tao. Sa taong hindi mo na maalala ngayon.”