Chapter 3

37.7K 682 79
                                    

waaaaaaaah!!! Sarreh sa super duper late na UD! Super busy kasi and sorry na rin sa maiksing UD TToTT

Baka iniwan na ako ng readers ko hahahahhaa

Chapter 3

 

Andrea’s POV

 

“Andrea! Nandito ka lang pala… Zydn.”

“Ma naman e! Wrong timing ka! Kung kalian may itinatanong pa ako kay Zydn.” Nakita kong napangiti si mama dahil sa pagrereklamo ko. Hindi naman ako madalas magreklamo sakanya kaya alam kong natutuwa siya sa mga pinapakita kong asal ngayon. Siguro nga malaki na ang pinagbago ko. Zydn helped me a lot. There’s no doubt about that.

“Zdyn, nagsimula yun noong?” Umiling nalang siya at saka tumingin kay mama.

“Saka na kayo magkwentuhang dalawa. Tumawag kasi ang daddy mo. Hindi ka ba pupunta sa party ni Andie?”

“Ma kahit naman baliktarin mo ang mundo hindi pa rin ako accepted sa pamilya nila. Kahit pa sabihin niyong gusto ako ng asawa at anak ni daddy hindi pa rin maiiwasan ang masamang tingin saakin ng kamag-anak nila.”

Dapat pala hindi nalang kami bumalik sa park. Hindi man lang ako nasagot ni Zydn. Kung saan kami unang nagkita at kung ano ang nagustuhan niya saakin. Gusto ko talagang malaman ang lahat. Gusto kong alamin ang mga nalalaman niya tungkol saakin. Kung kinukumusta ba ako ng pinsan niya.

“Dee.” Alam kong nakikiusap na si mama saakin. Sa tutuusin hindi naman talaga ako ang anak sa labas. Kami ang unang pamilya kaya bakit nga naman ako mahihiyang makihalubilo?

“Fine. But in one condition.” Tumingin ako sakanilang dalawa ni Zydn bago nagpatuloy sa pagsasalita. “I want Zydn to sleep in our house. Paano nalang kapag hinanap ako ni Shin at wala ako? Maliban saakin, si Zydn lang ang sinusunod niya.”

“hay! Kaya kayo napagkakamalang mag-asawa kung minsan e.” Umiling-iling nalang si mama at saka naunang umalis”

“Ang mommy Andrea talaga sobra kung mag-alala sa anak kong si Shin!” Inirapan ko nalang siya at saka naglakad na rin.

“Galing ka na kanina doon pero pinapapabalik ka nanaman. Hindi ka ba nagsasawa sa ugali ng pamilya nila?”

“Wala naman akong magagawa. Isa pa sila naman ang hindi nakakatiis sa ugaling pinapakita ko sakanila.” Nakangiti kong sagot sakanya kaya naman natawa nalang siya. Alam niya kasing hindi naman ako umaarte lang dahil iyon talaga ang ugaling pinapakita ko sa kahit sino.

“Andie will be there.”

“Natatakot ka bang bigla ko siyang halikan kapag nagkita kami ulit? Natatakot ka ban a kapag sinabi niyang gusto pa niya ako ay sasabihin ko rin sakanyang gusto ko rin siya?”

Tahimik kaming naglalakad ngayon pabalik sa bahay. Hindi ko tuloy alam kung mali ba ang nasabi ko. Kung dapat na ba akong mag-ingat  sa mga salitang binibitawan ko?

Narinig kong ilang beses siyang huminga ng malalim. Para bang may gusto siyang sabihin pero hindi naman niya masabi-sabi saakin.

“Tinatanong mo kanina kung paano kita nakilala at kung anong nagustuhan ko sayo.”

“Oo. Pero kung ayaw mong sabihin ayos lang naman saakin.” Pagsisinungaling ko. Hindi ko alam kung bakit malamig ngayong gabi. Hindi ko rin tuloy alam kung dapat pa akong tumuloy sa bahay nila daddy.

“Basta paggising ko isang araw gusto nalang kita bigla. Kapag nakikita kita noon parang nababalewala ang lahat ng problema ko.” Hinawakan ko ang kamay niya. Hindi naman niya ito tinanggal bagkus ay hinigpitan pa niya ang hawak dito. Malaki ang kamay niya at mainit. Gusto ko ang pakiramdam ng palad niya sa palad ko. Hindi ko mapigilan ang pagngiti.

“Tingin mo kapag nagpagupit ako, bagay saakin?” Humarap siya saakin at saka hinawi ang buhok ko.

“It’s better this way. Nakita na kitang maiksi ang buhok mo. Ayokong may makakita pa non.”

“Maganda ba ako kapag maiuksi ang buhok ko?” Doon palang nagsink-in ang sinabi niya saakin dahil hindi ko naman maalalang nagpagupit ako ng buhok. Hindi ko maalalang maiksi ang buhok ko.

“Okay ka lang?” Nag-aalala niyang tanong saakin dahil sa biglang paghinto ko sa paglalakad. Matagal ko siyang tinignan. Hindi ko talaga maalala.

“Kailan ako nagpaiksi ng buhok?” Bakas sa mukha niya ang pagkabigla. Binitiwan din niya ang kamay ko at saka nagkamot ng ulo.

“Zydn, bakit hindi ko maalala?”

“An---“ Pumikit siya at saka bigla nalang ngumiti. “Inisip ko lang. Tingin ko bagay talaga sayo kaya naman ayaw kong magpagupit ka.”

“Ayaw ko ng pumunta sa party.” Humalukipkip ako at saka tinignan lang siya. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang ako nawala sa mood. “Huwag ka na rin matulog sa bahay.” Pagmamaktol ko.

Nasa tapat na rin kami ng bahay at nariring ko na ang pagtawa ni Shin mula sa labas. Malamang ay naglalaro nanaman sila ng anak nung kapitbahay namin.

“Galit ka ba saakin?” Iniharap niya ako sakanya at saka hinawakan ang magkabila kong pisngi. “Straightforward kang tao pero bakit ngayon ay ayaw mong sabihin?”

“Weird ba kapag sinabi kong ramdam ko na parang nag-iingat ka sa mga sinasabi mo?”

“Hindi naman.”

“Weird ba kapag sinabi ko sayong kapag hinahawakan mo ako katulad ngayon ay bumibilis ang tibok ng puso ko?” Dahil sa sinabi kong iyon ay ngumiti siya na kulang nalang ay mapunit ang pisngi niya. “Ngiti-ngiti ka pa dyan! Papasok na ako sa loob.” Inalis na niya ang mga kamay niya sa pisngi ko.

“Bibigyan kita ng hint Andrea.” Tahimik ko lang na hinintay ang mga susunod pa niyang sasabihin.

“We used to be friends.” He said then stole a kiss from me and left.

PMW Book 2 : I was wrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon