PMW Book 2 : I was wrong

197K 1.6K 186
                                    

Chapter 1

“ZYDN!!! BUMALIK KA DITO!” Tss! Hindi ko na pinansin si tita dahil male-late na ako. Ilang araw na akong napapagalitan nung panot naming teacher. Lagi din akong napapagalitan dahil hindi daw ako gumagawa ng assignments. Lagi din daw akong hindi pumapasok.

“PINSAN! Sira ulo ka talaga! Bakit mo tinakbuhan si mommy? Mamaya niyan magalit nanaman sayo! Nakaw ka kasi ng nakaw nang kung anu-anong gamit na makita mo sa bahay.” Matawa-tawa pa niyang sabi saakin.

“Alam mo Celine bata ka pa talaga! Natural kailangan ko ng pera! Kaya magbebenta ako ng gamit! Buti sana kung nagpadala na sila mama kaso mukhang nakalimutan na nila ako dito.”

“DUH! Same age lang tayo! Bata bata ka dyan! Dyan ka na nga!”

“Hoy! Yung kinakaibigan mong bago! Hwag mong pagmalditahan a! Hwag mo din gagawan nang masama! Lokong bata ‘to!”

“TSE! Gagawin ko gusto ko! Pati hindi naman ako masamang tao! Ang bait ko kaya!”

Hindi muna ako dumiretso sa school. Tinatamad pa akong pumasok e. Ano namang gagawin ko dun? Late na ako tapos papasok lang naman ako para pagalitan nang teacher. Katamad.

“Zydn! Ano? May bagong chicks ka nu?”

“Tigil-tigilan mo ako Patrick a. Wala akong pera para sa mga babaeng yan. Bakit hindi ka pumasok?”

“Anong gagawin ko dun? Wala naman ang bestfriend ko! nakanang!”

“Oh.” Hinagis ko sakanya ang mga nakuha kong damit kanina sa bahay nila Celine. Mga bago pa yun kaya pwede pang ibenta! Pera din yan pagnagkataon.

“Ayos tol! Professional magna ka talaga kapag nakapagtapos na tayo ng college. Hindi bale, mga anim na taon at anim na buwan pa naman bago ka mapasok sa tunay mong bahay. Ang bahay na may malamig na rehas. HAHA!”

Kanina pa ako tinatawagan ng pinsan ko pero hindi ko sinasagot. Alam ko namang magtatanong lang yan kung nasaan ako.

“TOL! AYOS TONG MGA DAMIT! ARBOR NALANG!” Binato ko si Patrick ng kung ano man ang nahawakan kong pambato sakanya. Sapul naman ang ulo niya. Good shooter pa din ako hanggang ngayon kahit walang practice!

“Leche!” Umilag ako nang makita kong babatuhin niya ako bote ng mineral water.

“Ibenta mo nalang yan sa kapatid mo. Ibigay mo nalang sakin yung bayad mamaya.” Nakakasiguro akong hindi magpapadala sila mama ng pera kaya mas lalong kailangan ko ng pera. Cut pa din ang allowance ko at wala akong makuhaan ng pera. Grounded pa din ako dahil sa mga offense ko sa school.

“Magtransfer nalang kasi tayo next school year pare. Wanted na wanted ka na dyan sa campus dahil sa mga kalokohan natin.”

“Kalokohan mo kamo. Nandadamay ka pa kasi.” Sisi ko sakanya. Totoo naman kung hindi siya nakipag-away edi hindi sana ako rumesbak. Huling taon ko na ngayon dito sa campus at hindi pa rin alam ni Patrick ang balak ng mga magulang ko. Kukunin na nila ako at pag-aaralin sa ibang bansa para magtanda. Tss. Ayoko doon. Wala naman akong mapapala sa ibang bansa.

“Pare tingin mo si Celine magugustuhan ako?”

“Pinsan ko yun. Huwag kang magkakamali.”

“Sus! Hindi naman kayo magpinsan. Ampon si Celine pare. Kaya nga hindi niya sinasabi sa campus na pinsan ka niya. May gusto ang tinuturing mong pinsan sayo. Tanga nalang ang hindi makahalata. Buti nalang at pinsan talaga turing mo dun kundi isa ka sa magiging karabal ko kapag nagkataon.”

“Hindi ko siya papatulan.” Pinsan ko si Celine kaya bakit naman nila nasasabi yan? Isa pa sagabal lang ang babae.

“Pero ayos din yung kaibigan nung pinsan mo. Maganda din. Parang yun yata yung sinasabi nung iba?” Si Dee. Schoolmate ko na siya dati pa kaya kilala ko siya at malamang hindi niya ako kilala.

“Huwag ka na ngang umasang makikilala ka pa nun. Kaklase nga niya hindi niya natatandaan. Ikaw pa kaya.”

Alam ko namang hindi ako kilala ni Dee at hindi din pwedeng magpakilala sakanya. Kung hindi lang sana niya kilala si Celine.

“Speaking, ayan na siya.” Agad kong tinignan ang tinutukoy ni Patrick. Marami talagang napapalingon kapag siya na ang naglalakad. Late na siya pero bakit hindi pa siya nagmamadali?

“Hoy umiiyak yata. Baka naman may boyfriend na yang si Dee. Baka nakipaghiwalay! Pagkakataon ko na.”

“Akala ko ba yung pinsan ko ang gusto mo?”

“Kung mas maganda naman si Dee bakit hindi nalang siya? Pero sige na nga dahil mukhang interesado ka sakanya, Walang talo talo kaya iyo na yan.”

Maganda naman talaga siya at mabait. Hindi ko lang talaga alam kung ano ang kinaiinisan ng pinsan ko sakanya.

Kailan man hindi ko talaga maintindihan ang iniisip ng mga babae.

PMW Book 2 : I was wrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon