Chapter 11

18.4K 569 56
                                        

Author's Note:

Dahil ang dami na nag-pm saakin na mag-update na raw ako. Heto na po ang UD ko. O siya mga ilang buwan ulit siguro bago ako mag-UD. charot. Pero seryoso, nahihirapan kasi talaga ako gawin ang story na ito. Ayaw kong maka-offend. Pinag-aaralan kong mabuti si Andrea. Yung mga tao sa paligid niya. At pati na rin babasahin ko pa ulit kasi mejj foggy na ulit siya saakin dahil naging busy ako. Naging sobrang busy ako T__T. Gustong-gusto ko itong i-update pero hindi kasi siya basta-basta. Sana maunawaan niyo po. Pero dahil gusto ko nga siya i-update, heto na ang update. Medyo binasa ko pa yung apat na chapters bago ulit nag-update XDDD

Dedicated nga pala itong chapter sa lahat ng nag-pm saakin mula kahapon. Hindi ko alam kung bakit ako dinagsa ng PM patungkol sa PMW. Siguro kasi nakita niyo ang sipag ko mag-update dun sa dalawa. Pero sa totoo lang pinapahaba ko lang ang A/N ko para mambwisit. Nainis ko ba kayo? O siya sige, magbasa na kayo! HAHA

AY! Wait! There's more! Kapag may mga nakita kayong error, i-comment niyo lang kasi hindi ko na binabasa ulit kapag nag-uupdate ako o kaya naman sadyang 'di ko lang talaga napansin. Alam niyo naman, hindi talaga mapapansin ang sariling pagkakamali. huehuehue.

Chapter 11

 

“So…” Bungad ni Zydn saakin pagkaalis na pagkaalis palang ng prof namin. Inaayos ko ang mga gamit kong nakalapag sa desk ko ngayon.

“So?” I asked without looking at him.

“Pinapansin mo na ako.” He said. At alam kong kahit hindi ako nakatingin sakanya ay nakangiti siya. “Kung may gusto kang malaman, pwede mo akong tanungin kahit kailan mo gusto. Hindi ko nga lang alam kung masasagot ko lahat dahil hindi ko naman alam ang lahat ng nangyari.”

Huminga nalang ako nang malalim bago tumayo. Iniisip ko ring mabuti kung ano ba ang pinakadapat kong itanong sakanya.

“Hey, iniiwan mo nanaman ako.” He’s now walking beside me. Nakapamulsa pa siya ngayon. “Ako na ang magdadala ng bag mo.”

“Ayoko.” Simpleng sagot ko. “Baka mapagkamalan pa nilang may relasyon tayo.”

“Wala ka naman dating pakialam kung mapagkamalan nila tayo.” Naging seryoso na ang boses niya ngayon. “In fact, ang alam nilang lahat ay boyfriend mo ako at may anak tayo.” Tama siya. Yun naman talaga ang alam ng karamihan tungkol saamin. Hindi naman ako sumasama sa iba. Hindi naman ako nakikipagkaibigan sa iba at sa tuwing tinatanong nila si Zydn ay lagi lang naman niyang nginingitian ang mga iyon at kung minsan pa ay sinasagot pa niya na akala mo siya talaga ang ama ni Shin.

“Siguro panahon na para malaman nilang hindi naman talaga tayo.” Matagal bago siya sumagot sa sinabi ko. Ang totoo niyan ay wala naman akong pakialam kung anong tingin nila saamin. Hindi naman kasi kailangan na malaman pa nila kung may boyfriend ba ako o wala. Kung may ama ba si Shin o wala na.

“Paano si Shin? Anong sasabihin mo sa mga nag-aakalang ako ang ama ni Shin?”

Hindi naman ako nagpaliguy-ligoy pa. “Nothing. Wala naman dapat silang malaman. Isipin nila ang gusto nilang isipin.”

PMW Book 2 : I was wrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon