Chapter 5
“Ayos ka lang? Hindi mo pa sinasabi saakin kung anong nangyari kagabi. Inapi ka nanaman ba nila r’on? Sabihin mo lang saakin susugudin ko na ang pamilya mong iyon!”
“As if you can do anything.”
“Ah! Sinusubukan mo ako. Susugurin ko talaga sila.”
“Then fine go. Kaladkarin ka sana ng guards ni papa.” Umupo naman kaagad si Zydn pagkatapos ko siyang hindi pigilan. Alam ko namang nagbibiro lang siya para kahit papaano naman ay may malaman siya sa nangyari kagabi.
“Ano bang nangyari? Pwede mo bang sabihin saakin?
”Hindi naman siya big deal Zydn.”
“Okay. Pero big deal kaya kapag sinabi ko na sayo ang nakita ko?” Tumayo na siya at saka naglakad kaya naman sinundan ko siya. Kahit papaano ay interesado rin ako sa sasabihin niya.
“Hello Zy! Hi Andrea.” Bati ng hindi ko kilala. Madalas namang may bumabati saamin na kung sinu-sino. Nadadamay lang naman ako sa kasikatan ni Zydn dito sa university na pinapasukan namin.
“Nginitian niya ako! Ang gwapo niya talaga.” Kahit papaano ay natawa nalang ako sa dalawang babae na iyon. Gwapo pala si Zydn? Kailan pa? Hindi ko yata napapansin.
“Kerengkeng ka! Kitang kasama niya ang girlfriend e!”
Humarap ako kay Zydn at saka hinawakan ang magkabilang pisngi niya.
“Saan banda ang gwapo dyan? Parang hindi naman yata?” Ngumiti lang siya at saka hinawakan ang magkabilang kamay ko.
“Ikaw lang naman ang hindi nagagwapuhan saakin. Kahit dati pa.” Binawi ko ang mga kamay ko at saka naunang naglakad. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng awkwardness. Kahapon lang hindi ako ganito.
“Aren’t you interested?” Napatigil ako dahil sa tanong niya. Oo nga pala, may sasabihin siya. “Ano ba ‘yong nakita mo?” Humarap akong nakahalukipkip sakanya.
“Nakita ko si Andie kanina. Mukhang dito siya mag-aaral for graduate school.”
“oh. Bakit daw dito?”
“Hindi naman kami nag-usap. Narinig ko lang siyang nakikipag-usap sa kasama niya. Apektado ka pa rin ba kapag nakikita mo siya? Kagabi ba naapektuhan ka nang makita mo siya?” Ilang beses akong napalunok ng laway dahil sa tanong niya. Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin.
Kapag sinagot ko ba ang tanong nya posibleng masaktan siya?
Kapag ba hindi ko sinagot, maghihinala ba siya?
Kailan pa ba ako nagkaroon ng pakialam sakanya?
“Si Ivy, hindi ba siya papasok ngayon?”
“Tinatanong kita Dee.”
“S-Si Ivy? Wala pa ba siya?” Nauna na akong naglakad para makaiwas sa tanong niyang hindi ko masagot. Hindi ko alam kung bakit ayaw kong sagutin. Dahil ba sa apektado nga ako o dahil ba ayaw kong malaman lang ni Zydn?
“Kung apektado ka dahil sakanya dapat sinasabi mo saakin.”
“Bakit ko naman sasabihin saiyo ang lahat?”
“Because I care Andrea. I care for you.”
“Sinasabi mo iyan dahil may feelings ka saakin o dahil ba natatakot ka sa pwedeng mangyari dahil nandito si Andie?” Nakasunod lang siya saakin habang naglalakad kami. There’s this awkward silence between us. Pero nagulat nalang ako nang bigla siyang humalakhak at niyakap ako mula sa likuran ko.
“Galit ka na ba?” I hate to admit it but yes. I am.
“Oo.”
“Sorry na. Hindi na kita pipilitin. Ako na maglalagay ng nail polish mo mamaya.” Natatawa pa niyang sabi saakin.
“Lalagyan mo talaga ako ng nail polish mamaya?” Nakahawak lang ako sa braso niyang nakayakap saakin.
“Oo nga. Peace offering ko sayo kahit na ayaw na ayaw kong ginagawa iyon kapag inuutusan mo ako.”
“Then braid my hair instead.” Hindi ko alam pero hindi ko mapigilang ngumiti ngayon. Zydn is really something. Pakiramdam ko talaga ang tagal na naming magkakilala.
“Siguro sa nail polish nalang. Hindi ako marunong magbraid ng buhok Andrea.”
“Kahit fishtail lang?”
“Ano nanaman iyon?” Hindi pa rin siya bumibitaw sa pagkayakap saakin. Nakahinto lang kami sa isang lugar. Madalas naman kaming ganito kapag nalalaman niyang nakukulitan na ako. Bigla-bigla nalang siyang nagiging sweet. Pakiramdam ko tuloy gustong-gusto lang niya ako inisin.
Sanay na rin naman ang mga estudyante rito na ganitong eksena lagi ang nakikita nila saamin.
“Kung magyayakapan kayo huwag sa open area.” Kumalas nalang sa yakap si Zydn nang marinig niya ang boses ni Andie. Ni minsan hindi siya kumalas ng yakap saakin kapag may sumusuway saamin. Wala naman kaming ginagawang masama. Iyon ang lagi niyang rason.
“Bakit naman? Masama na ba ngayon ang ginagawa namin ni Dee?” Hinawakan niya bigla ang kamay ko at napansin ko rin ang pagbaba ng tingin ni Andie sa mga kamay naming ni Zydn.
“Kapatid ko ‘yang niyayakap mo in public. Ngayon tinatanong mo kung masama ba iyon? Oo. Dahil kuya niya ako.”
“Ah ganun ba kuya? Sige hindi ko nap o yayakapin ang kapatid mo kapag maraming nakakakitang tao. Sige po kuya mauna na kami ni Andrea.” Hindi na ako nakapagreact pa dahil sa mabilis na kaganapan. Kuya?
“Ipapakita ko saiyo yung bagong laruan na binili ko para kay Shin.” Hindi ko alam kung ano ang naganap. Kanina lang parang bigla akong kinabahan dahil sa pagdating ni Andie pero thanks to Zydn dahil agad naman itong nawala.
-----------------------------
Zydn! Ako rin lagyan mo ng nail polish! XD
sarreh maikling UD again.love love