CHAPTER 15

9.1K 245 171
                                    


CHAPTER 15

Hindi mawala sa isip ko ang boses ni Celine. Kahit na ilang araw na ang nakalipas ay siya pa rin ang nasa isipan ko. Kahit tuwing kasama ko si Zydn ay si Celine pa rin ang naiisip ko.

Napabuntong hininga na lang ako nang hawakan ni Zydn ang kamay ko. Alam kong alam niya ang nasa isip ko kaya sinusubukan niyang maging supportive sa kahit anong ginagawa ko. Lagi niya akong sinasamahan, lagi rin niya akong inaalagaan ngayon.

"Okay ka lang?" Tanong nito sa akin dahil hindi ko na naman siya kinakausap. "Hindi ka kumain ng marami kanina, gutom ka na ba?"

I shook my head as an answer.

"Mag-aaral ka ba ulit ngayon sa library?" Muli na lang akong umiling. Natapos ko na ang part ko sa term paper namin kaya naman wala akong masyadong ginagawa ngayon.

"Zydn,"

"Uhm?" Umupo kaming dalawa sa bench sa may walkway. Wala masyadong mga estudyanteng naglalakad dito ngayon dahil mainit pa at dahil na rin marami pang ongoing na klase.

"Hindi ko alam kung galit pa rin ako kay Celine."

Nanatili siyang tahimik kahit pa binanggit ko na ang pangalan ng pinsan niya.

"Zydn,"

"Gusto mo ba siyang makausap, Dee?"

Tumingin ako sa kanya dahil sa tanong niya sa akin. Seryoso siya. "Sa tingin ko kasi ay mas makakabuting makausap mo talaga siya." Sabi pa niya. "Hindi naman kita minamadaling kausapin siya. Hindi ko rin naman ipipilit na patawarin mo siya kung hindi mo pa talaga kaya." He said.

Tumingin siya sa malayo kaya maski ako ay tumingin din sa tinitignan nito. May dalawang tumatakbo ngayon sa palibot ng field.

"Tignan mo sila." Ani Zydn. "Hindi naman mabilis ang takbo nilang dalawa." Aniya bago siya nakangiting tumingin sa akin. "Pero makakarating din naman sila sa paroroonan nila.Syempre ganyan din tayo sa lahat ng gagawin natin. Kahit mabagal ang usad, mararating pa rin natin ang gusto nating puntahan. Parang kayo ni Celine, ibig sabihin nasa umpisa na kayo. Pwede naman kayong magpahinga sa kalagitnaan kung dam among pagod ka na. Pero hindi naman ibig sabihin na kung pagod ka na ay titigil ka na. Kapag may lakas ka na ulit, tumakbo ka ulit."

Muli akong tumingin sa mga tumatakbo. Nagpapahinga na yung isa, tumigil din ang kasama niya at nakangiti itong nakatingin sa nagpapahinga. Naghihintayan sila.

"Hinihintay ka naman ni Celine, Dee. Kaya huwag kang mag-alala. Kung kaya mo na siyang harapin talaga, ikaw na mismo ang maglakad palapit sa kanya. Best friends kayom, diba?"

Tumango ako. Kaya nga kahit alam kong sinisiraan ako ni Celine noon, tinanggap ko pa rin siya. Kasi inamin niya. Kasi hindi siya nagsinungaling noong kinompronta ko siya, kaya tanggap ko siya noon pa. Kasi ganun ang magkaibigan.

"Zydn..."

"Bakit?"

Ngumiti ako sa kanya. "Ituloy mo yung kwento mo noong bago tayo naging magkaibigan."

"Nakwento ko na sa'yo, ah." Nakangiti nitong sabi sa akin. "Sige na nga. Saan na ba ako?"

"Noong sinisiraan ako nI Celine sa lahat."



**

LOL AFTER 9999 years. Quick update lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PMW Book 2 : I was wrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon