Chapter 12
Nagising ako dahil naririnig ko ang pagtawa nang malakas ni Shin sa ibaba. Hindi ko natatandaan kung paano ako nakauwi. Ang alam ko lang ay buhat-buhat ako ni Zydn.
Dahan-dahan akong umupo at iginala ang mga mata ko sa buong kwarto ko. Mukhang hindi naman siya nangialam ng mga gamit ko.
Muli ko nanaman narinig ang pagtawa ni Shin mula sa ibaba kaya naman tuluyan na akong tumayo at tiningnan kung ano man ang tinatawanan ni Shin.
Kaya naman pala siya tawa nang tawa ay dahil nakikipaglaro sakanya si Zydn. Pinanood ko muna sila mula sa itaas bago lumipat ang mga paningin ko sa isa pang lalaki na nakaupo ngayon malapit sakanila. Si Andie.
“Mukhang ikaw na talaga ang tumayong ama ni Shin.”
Kung sakali ay ngayon ko lang sila makikitang nag-uusap talaga nang matino.
“Oo. Noong una hindi ko alam kung magagalit ba si Andrea o kung magugustuhan ba ako ni Shin. Hindi ko nga rin alam kung bakit ba ako nagpapaka-ama sakanya. Hindi ko naman girlfriend si Andrea at lalong hindi ko naman anak si Shin. Basta ang alam ko lang mahal ko si Andrea at basta bigla nalang napamahal saakin ang batang ‘to.” Hindi ako umaalis sa kinatatayuan ko. Hindi rin naman nila ako napapansing dalawa. “Ikaw, mahal mo pa rin naman siya. Hindi mo naman kami susundan ngayon dito kung hindi mo na siya mahal. Imposibleng wala na.”
Napakamot lang si Andie sa ulo niya at ngumiti. “kung ako lang ang papipiliin, baka nga hanggang ngayon ay hahabulin ko pa rin siya. Pero iba na kasi ang sitwasyon namin. Kung ako lang, wala naman akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao saakin at alam kong wala rin naman magiging pakialam si Andrea sa sasabihin nila tungkol saamin. Pero kasi iba. Mabuti na yung sinaktan namin ang isa’t-isa at least ngayon hindi na nila masasabihan ng kung anu-ano si Andrea. Hindi ko gustong makarinig ng masasakit na salita na ibabato nila kay Andrea. She’s too precious for me. I’ll play the jerk’s role for her to be happy. That’s who I am. Iyon lang ang alam ko para maprotektahan siya. Baka kung itinuloy namin ang relasyon namin noon, baka nasasaktan lang siya ngayon. Pamilya, iyan ang dapat kong ibigay sakanya. I’m still his big brother. Kasal pa rin ang nanay ko sa tatay niya. Kahit na magkaiba ang apelyido namin, sa mata ng iba ay magkapatid pa rin kami.” Huminga ako nang malalim. Tama naman siya at kahit papaano ay ayaw ko na rin masaktan ang nanay ko sa mga ginagawa ko.
Masyado lang ako noon nagpapadala sa emosyon ko. Masyado lang magulo ang lahat at mapapagulo pa lalo kung ipinagpatuloy namin ang relasyon namin. Marespetong tao si Andie kaya alam kong kapag umayaw na ako ay irerespeto niya ang desisyon ko at hindi naman ako nagkamali.
“MA!” Ngiting-ngiti si Shin at patakbong pumunta sa hagdanan.
“Wait! Huwag kang tatakbo paakyat.” Halos sumigaw na ako dahil sa kaba. Agad din akong bumaba dahil kay Shin.
“Hindi ka na sick?” Hinalikan ko siya sa pisngi at saka sinagot ko siya.
“Hindi na. Kumain ka na ba?”
“Ma look! Bigay saakin ni dada.” Masama kong tinignan si Zydn dahil sa bagong laruan na ibinigay niya kay Shin. “Sabi ni tito Andie, bibigyan din daw niya ako ng maraming toys kapag bumalik siya!” Ngayon naman si Andie ang tinignan ko nang masama. Magiging spoiled lang si Shin dahil sakanila.
“Zydn! Ilang beses ko bang sasabihin na---“
“Huwag ko siyang bigyan ng laruan dahil marami na siya nun. Nasira na yung iba kaya binilhan ko siya ng bago. Gusto mo na bang kumain? Naghanda kanina si tita ng kakainin mo para daw kapag nagising ka ay makakain ka na kaagad. Umalis nga pala siya sandali.”
Hindi ko muna pinansin si Zydn at napatingin lang ako kay Andie.
“Bakit?” Tanong niya saakin.
“Ako dapat ang nagtatanong. Bakit ka nandito?”
“Nag-alala lang ako kanina kaya ako nandito ngayon.”
“I’m fine now Andie.”
“You’re dismissing me.” Ngumiti siya. “okay, okay.” Tumayo siya. “I guess I’m off now. Take care, okay?” tumango lang ako bilang sagot. “And Zydn, I’m watching you.”
“tss. Umalis ka nalang.” Sagot naman nitong isa.
“Zydn, you too. Umuwi ka na.” I said. Kahit na dinala niya ako dito hindi ko pa rin nakalimutan ang away namin kanina. Kung away man iyon na matatawag.
“Andrea naman. Hindi pwede!” Pagtanggi niya saakin. “Hindi ako pwedeng umalis, pagagalitan ako ni tita.” Nakangiti pa siya ngayon. Palibhasa ay gusto na siya ng nanay ko.
“Aalis na ako.” Paalam ni Andie at hinatid naman siya ni Zydn hanggang sa pintuan.
“Fine. Kung ayaw mong umalis, pakainin mo si Shin. Pero pag dumating na si mama, umuwi ka na.”
“Hindi sleep si Dada dito?”
“Oo nga, hindi ba ako pwedeng matulog nalang dito?” ang pilyo pa ng ngiti niya nang tanungin niya ako kaya naman tiningnan ko lang siya nang masama.
“Umuwi ka pag dumating na si mama. I’m going back to sleep.” I started walking when he asked me if I want to eat. “No. I’m not even hungry.”
“Hindi gutom si mommy. Dada tayo nalang kain.” Masaya niyang pahayag kay Zydn at tumakbo na papunta sa kusina.
“Make sure na magtoothbrush siya bago matulog.” Bilin ko pa.
“Opo ma’am.” Nakangiti niyang sagot saakin. Tuluyan na akong umakyat sa kwarto at nagpahinga. Dapat pinauwi ko nalang talaga siya.
I’m hungry. I can’t even face Zydn properly. Paano ako kakain kung nandyan siya? Hindi ko nalang dapat pinauwi si Andie. Nagugutom tuloy ako ngayon. Kahit kailan nakakainis talaga si Zydn.