Simula

364 13 0
                                    


Simula

Tamad na nakasunod lang ako kay Mommy at Daddy, sukbit ang aking black LV backpack, magkahalong pagod at hilo ang nararamdaman ko habang naglalakad palabas sa NAIA airport.

It was already past 8 in the evening when we arrive to the Philippines from Canada. Maya't-maya ay napapahikab ako dahil sa kakulangan ng tulog. Hindi ako masyadong nakatulog sa eroplano dahil hindi ako komportable. I massage the bridge of my nose and yawn once again. Hinagod ko ang aking mga mata para tanggalin ang luha doon dahil sa paghikab.

Dahil doon ay nawala ang focus ko sa daanan dahilan upang  mabunggo ako ng isang lalaking nakasuot ng itim na hoodie.

Hindi ako agad naka react dahil sa gulat. Napahawak ako sa balikat kong natamaan rin ng balikat niya,  hindi masyadong malakas ang pagkabangga naming dalawa, pero medyo sumakit pa rin ang parte ng 'yon.

"Sorry," mabilis niyang sabi sa akin. Wala akong naramdaman na sinseridad sa boses niya, it feels like he was just apologizing because he need to, not because he feel apologetic, gayun pa man ay pinalagpas ko nalang.

"It's fine," I answered at saka inayos ang pagka sukbit ng bag ko sa aking balikat.

After that ay mabilis siyang naglakad palayo sa akin na tila ba walang nangyari, napailing na lamang ako habang tinatanaw siyang naglalakad palayo.

Nakakainis ang mga taong ganoon,  arogante at antipatiko kahit paghingi ng tawad ay labas sa ilong, tsk. Pasalamat siya at hindi ako masyadong maldita!

Sa kalayuan ay nakita kong binaba niya ang kanyang hoodie kaya nagkaroon ako ng chansa na makita ang kulay golden yellow niyang buhok, na tila ka kulay ng golden leaves sa Canada.

Napasimangot ako, it feels like I just bump with a bad boy.

Pagdating namin sa bahay namin ay hindi na ako nag aksaya pa ng panahon, agad akong umakyat sa kwarto ko at natulog.

Umaga na ng magising ako, medyo masakit na ang tiyan dahil sa ka walang laman nito simula pa kahapon, mabilis lang akong nag hilamos at nag sipilyo, nag palit na rin ako ng damit dahil hindi ko na nagawang palitan ang damit ko kagabi dahil sa pagod.

Matapos kong gawin ang lahat ng dapat kong gawin ay bumaba na ako para maghanap ng pagkain.

Isang maingay na sala  ang narinig ko habang pababa ng hagdan, malamang ay maagang bumisita ngayon ang mga kaibigan nila mommy, hindi ko nalang muna sila pinansin at dumiretso na ako sa kusina, Hindi naman nila ako mapapansin dahil magkaiba naman ang hallway patungo sa kusina.

Walang tao noong dumating ako sa kusina, kaya malaya akong nakagalaw. Agad akong naghanap ng makakain sa ref pero nasurpresa ako nang pagbukas ko nito ay sumalubong sa akin ang walang ka laman-laman na loob nito.

"Mom, Wala na bang pagkain?" I ask in a loud voice, sinigurado ko talaga na maririnig ni mommy ang boses ko.

"Nasa mesa," she answered, shouting.

Agad kong isinara ang pintuan ng ref at nilapitan ang sinasabi ni mommy na pagkain sa mesa. Tinanggal ko ang stainless na nakatakip sa pagkain, limang egg sandwich at gatas ang nakita ko. Gusto kong sumimangot, dahil sa tingin ko ay hindi sapat ang sandwich lang upang matanggal ang gutom na nararamdaman ko.

Gusto ko ng kanin, pero mukhang wala pa kaming stock ngayon, siguro ay inutusan pa ni mommy ang katulong namin para mamili ngayon.

Sa halip na magpatuloy sa pag rereklamo ay; umupo ako sa mesa at nag simula ng kumain, inubos ko rin ang isang basong gatas. Hindi ako masyadong nabusog pero nawala na rin naman ang gutom ko kaya ayos na rin.

Building Bridges.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon