Chapter 29

67 5 0
                                    


Chapter 29

Ilang buwan na rin ang nakalilipas ngunit sariwa pa rin sa isipan ko ang my day ni Kasper no'ng gabi matapos ang tournament. I didn't confront him nor I didn't say something about it.

Sa katunayan ay natatakot ako, baka mali ang interpretasyon ko at naga-assume lang ako.

Alam kong magkaibigan lang kami at hindi dapat ako mag-isip ng kung anu-ano ngunit sa bawat araw na magkasama kami ni Kasper ay hindi ko maiwasang hindi bigyan ng kahulugan ang mga ginagawa niya. Lalo na dahil may iba akong nararamdaman sa mga pinapakita niya sa akin. It was so sick, halos iuntog ko na ang sariling ulo sa pader upang paalalahanan ang sarili kung ano talaga ang tunay na katayuan ko sa buhay ni Kasper.

I'm his Best friend! I shouldn't feel something about him because there will be a possibility that it could ruin us.

Maraming mga bagay na tumatakbo sa isipan ko, pero nawawala naman ang lahat ng iyon sa tuwing magkasama kami. I don't know why it feels so right when we're together but so wrong when we're apart!

I just couldn't understand! This situation was just too hard to grasp. Matagal ko ng pinipigilan ang sarili kong mga-isip ng kung anu-ano. Ngunit ngayong nararamdaman at hindi ko na rin maiwasang bigyan ng malisya ang mga kilos ni Kasper ay hindi ko na rin alam kung pa'no ba mag-isip. Iyong mas tama at walang masasaktan.

Class has finally ended. It's already vacation time and our family was planning to have a trip. Hindi ko alam kung saan ngunit may balak kaming magpunta sa beach one of this days.

Sa kasalukuyan ay rito lang muna ako sa pool namin nagpapalamig, may aayusin pa rin kasi sila Daddy sa company before we push through our vacation, para pagdating namin do'n ay wala na silang ibang iisipin pa kundi ang mag-relax at mag-enjoy na lang.

It was a monday morning nang sinabi ni Daddy sa amin na tuloy na ang bakasyon namin patungong El Nido palawan. Halos hindi ako makatulog kinagabihan dahil sa sobrang excitement. Before I go to bed I double checked my luggage to make sure that I'm not forgetting something. I was really excited because this is my first time traveling outside the town.

Halos madaling araw na rin no'ng makatulog ako at saktong alas kwatro ng umaga ay nagising din ako agad takot na baka bigla nila akong iiwan. Maagang akong nag-ayos. Buti nalang at may hot temperature ang shower ko kaya hindi masyadong maginaw no'ng naligo ako.

I take my time making myself comfortable with whatever I'm wearing. I wore a V-neck Vandana top. It was a color white and was made of silk, I paired it with ripped denim shorts and the high cat converse that Kasper gave to me last Christmas. Ilang beses ko na ring nagamit 'to, but for some reason this shoe has become my favorite.

I leave a thin tendrils in front and the rest of my hair was already gathered to the back and put a golden butterfly hair clip on it. Bago ako tuluyang lumabas ng kwarto ay kumuha muna ako ng isang oversize white button down long sleeve to complete my look.

At exactly 5:15 am ay bumaba ako sa sala namin. Nandoon na sila Daddy at mommy no'ng bumaba ako. Ready na rin ang maleta nila at iba pang mga dadalhin.

"Good morning." I greeted them with so much enthusiasm.

Agad rin nila akong binati pabalik.

"You're too early." Puna ni Daddy no'ng maupo ako sa tabi niya.

"Mas early kayo." Sagot ko.

They laughed because of what I said.

Ilang sandali lang ay tinawag na kami ng aming kasambahay upang kumain ng agahan. Kaunti lang ang kinain ko dahil ayaw kong maging mabigat ang tiyan ko mamaya sa byahe.

Building Bridges.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon