Chapter 10

53 7 0
                                    


Chapter 10

"For our fourth runner up, we may call in...drums rolls naman diyan!"

Agad na tumalima ang DJ at mabilis na nagpatugtog ng isang malakas na drum rolls.

"Candidate number 19 from GAS department." Sigaw ng host.

Nagpalakpakan kaming lahat nang masuotan na ng sash si candidate number 19.

"Next will be the third runner up." Sambit ng host, "Sino Kaya ito?"
Pamisteryoso pa nitong tanong.

"Wanna guess?" Nagsigawan agad ang mga tao.

Karamihan sa sinagot nila ay candidate number 10 and 16.

The host laughed, "our third runner up, Miss Candidate number 16!"

Nagpalakan ulit kami, pinilit kong huminga ng malalim, medyo kinakabahan na ako, at gusto ko na rin na matapos ito. Medyo inaantok na ako 't sumasakit na rin yung mga binti ko, kanina pa kami nakatayo rito at wala man lang kahit ilang minutong pahinga.

Narinig ko pang nag in-announce ng ang second runner up, it was candidate number 10, napapalakpak nalang ulit kami.

"Candidate number 12 and 13, please step forward." Agad naming ginawa iyon.

Sabay kaming pumunta ni Ella sa gitna, she give me a wide smile, inilahad ko ang aking dalawang kamay sa kanyang harapan, agad niya naman itong tinanggap at mahigpit na hinawakan.

"Hindi ako makapaniwala na makaa-abot ako rito." She said.

"Me too," we giggled.

"Kahit anong maging resulta wala akong pakialam, manalo man ako o matalo, Wala akong pake. Basta after nito magkaibigan pa rin tayo, ah." Saad niya.

I nodded and squeeze her hands lightly.

"Of course, and I don't care if I will win or lose, too. Being friends with someone like you is already an enough to be proud of."

"Ang sweet mo naman," tudyo niya.

"Our first runner up, Ang hindi tatawagin ay siyang bagong Miss Intramurals." Saad ng host.

"Who's your bet?" Malakas na tanong ng host sa madla.

"STEM, STEM, STEM."

"13, 13, 13."

Ayan nanaman ang mga kaklase ko.

"Go ABM!"

"12, 12,12."

"Wow, ang energetic niyo pa, ah." Galak na saad ng host, "Sana all."

"So for our first runner up," tumunog agad ang pangmalakasang drum rolls na kasing lakas ng tibok ng puso ko sobrang kaba ko ngayon. Honestly I don't really care if I will win or lose in this competition, but Kasper's words won't just stop playing in my mind.

Bagay raw sa akin ang may korona. I wanna see myself having one if it really did suit me.
Tsk, naging ambisyosa na tuloy ako.

"Our first runner up, candidate number..."

"13, 13, 13."

"12, 12, 12."

Kanya-kanyang boto ang mga tao, sobrang ingay na nila ngayon habang isinisigaw ang numero ng gusto nilang makakuha sa p'westo.

"Candidate number..."

"Bakit ang tagal, kinakabahan na ako rito!" Reklamo ni Ella.

Tumawa ako, "ako nga pagod na, e, gusto ko na talagang umuwi." Sambit ko.

Building Bridges.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon