Chapter 36

66 7 0
                                    


Chapter 36

Pagod akong bumangon mula sa aking pagkakahiga. Magulo ang aking buhok at mabigat ang katawan ko. It was already 2 in the morning and I still haven't get a sleep.

Paulit-ulit na nagr-replay sa utak ko ang boses ni Kasper mula sa earphone ni Khai kanina.

His baritone and bossy voice won't just stop lingering in my mind. Kahit ano pa yata ang gawin kong pagtanggal nito sa utak ko ay ayaw pa rin ako nitong tantanan. His voice was like a permanent tattoo glued in my head and no matter what I do it won't just go away.

"Darn. It's just his voice, El." I mess up my hair due to so much frustration.

Nakakainis! Boses niya palang nga ang naririnig ko ay tila nababaliw na ako sa kai-isip. Hindi ko alam kung anong ginawa ni Kasper sa akin upang maapektuhan ako ng ganito na kahit isang taon na ang lumipas ay nagawa niya pa ring payanigin ang mundo ko.

I was like a walking zombie the next day. Buti na lamang at wala kaming pasok dahil sabado kaya ginugol ko ang aking oras upang bumawi ng tulog.

"Miss ko na 'yung kulay ng buhok mo." Ate Russia said.

Pareho kaming nakaupo sa leather seat, sa harap namin ay isang malapad na salamin na siyang daan upang makita namin kung ano ang ginagawa ng hairstylist sa buhok namin.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng parlor. It was already 3 pm, kagigising ko lamang no'ng inaya ako ni ate Russia na magpa-parlor and since I don't have anything to do, sumama nalang ako sa kanya.

"Bawal sa school namin magpakulay, e." I answered.

Sumimangot si ate Russia, "oo nga pala."

"Above the shoulder length talaga ma'am?" Tila nag-aalangan pa ang manggugupit na putulin ang buhok ko.

"Yes, please." Walang pag-dadalawang isip kong sagot.

"Sayang naman nito,"

I just smiled at the mirror but didn't say anything.

Napapikit ako nang maramdaman ko ang marahan na pagputol ng barbero sa buhok ko. Medyo napamahal na rin ako sa mahaba kong buhok, hindi ko na kasi ito napaputulan pa sa mga lumipas na taon, it has almost reach my waist but I have to cut it out, bumibigat na kasi ito at nakadagdag din sa init ng katawan.

"Ay viola! Bagay naman pala sa inyo ang short hair!"

Iminulat ko ang aking mata upang tingnan ang sarili. My almost waist length hair was gone now and it was replace with above the shoulder length.

I tried to move my head and my hair followed my moves, that scenario eventually makes me smile.

"Ganda!" Ate Russia commented.

"Ikaw rin." Sambit ko.

I love her new look, too. Lalo na ang curtain bangs niya bumagay sa kanyang maliit na mukha.

"In love na naman si Kuya Amos niyan." Tudyo ko.

"Matagal na 'yung in love sa akin no!" She flip her hair.

I chuckled because of her reaction.

After we finish our business in that parlor we immediately go to the nearest restaurant. Tinawagan na rin ni Ate Russia si Kuya Amos upang sunduin kami, hindi kasi nito hinayaan na magdrive si Ate Russia, masyado itong protective. Hinatid niya kami kanina at susunduin naman niya kami pagkatapos.

"Order nalang tayo habang wala pa si Amos para pagdating niya kakain nalang." Sumang-ayon lamang ako sa sinabi niya.

We settle on the table near the entrance. No'ng makaupo na kami ay agad na dumalo sa amin ang isang waiter upang itanong kung ano ang order namin.

Building Bridges.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon