Chapter 1

88 6 0
                                    


Chapter 1

Today is our first day of school, maaga akong nagising dahil sa lakas ng tunog ng alarm clock ko, sinadya ko rin na i-set 'yon ng maaga upang magkaroon pa ako ng malaking oras para mag handa sa pagpasok.

Tapos na akong naligo at nagbihis, I was currently blowing my hair now, ayaw ko kasing basa ang buhok ko dahil nababasa rin ang damit ko. I stared at my own reflection as I continue to blow my mahogany hair, lagpas lang sa balikat ang haba no'n, sinadya ko, para hindi ako mainitan masyado. Mainit pa naman dito sa Pilipinas, hindi ako masyadong sanay.

Inilapag ko ang blower sa mesa nang matapos ko na itong gamitin, I look at my reflection once again and purse my lips, I put a thin red lip tint on it, sakto lang na mawala ang pagka putla, aside from wearing lip tint, ay wala na akong inilagay pang ibang kolorete sa aking mukha, I just want to look natural, and another thing is. I don't wanna hide my true beauty through wearing cosmetic.

Hindi talaga ako fond sa paglalagay ng make-up sa mukha, except kung kailangan talaga.

Bumaba na agad ako pagka-tapos kong mag-ayos, dumiretso ako sa kusina para kumain, naabutan ko pa sila mommy at Daddy ro'n, nakaharap si Daddy sa stove habang si mommy naman ay nakasandal sa counter, pinapanood si Daddy na nagluluto.

It's always like this, kahit no'ng nasa Canada pa kami nakatira ay palaging si Daddy ang nag luluto para sa amin, marunong namang mag luto si mommy, pero gusto lang talaga ni Daddy na siya Ang gagawa sa bagay na 'yon, he really like serving my mom.

"Good morning, love birds." Nakangisi kong bati sa kanilang dalawa.

Sabay silang napalingon sa akin at agad na bumati pabalik.

Lumapit ako kay Mommy at hinalikan siya sa pisngi, ganoon rin kay Daddy.

" may hinanda na akong vegetable sandwich para sa'yo, nasa mesa." Dad kiss me on my forehead before getting back to what he was cooking.

Agad kong nilapitan ang sinabi ni daddy sa akin, marami ang ginawa niyang vegetable sandwich, nakakatuwa.
Favorite ko kasing kainin 'yon tuwing umaga, 'yun na rin kasi ang nakasanayan kong kainin tuwing breakfast, Lalo na dahil sa Canada ako lumaki, people don't often eat rice and heavy meal for breakfast.

"Still the best, Dad." I complimented with an approve sign.

"Ako lang 'to," mayabang nitong saad na ikinatawa ko, lalo na noong sinapak siya ni mommy sa balikat dahil sa kayabangan.

"Bye guys," pagpapaalam ko kina mommy at Daddy at agad na nagpahatid sa driver namin patungo sa skwelahan.

Medyo kinakabahan ako, first day of school ko ngayon, marami ring adjustment ang kailangan kong gawin dahil bagong environment itong papasukan ko.

Nakarating na kami sa skwelahan ko pero hindi pa rin ako bumababa, nakatingin lang ako aa labas ng bintana, pinapanood ang ibang studyante na dumadaan dito sa parking lot.

"Hindi ka pa ba bababa, ma'am?" Tanong ng Driver na naghatid sa akin.

Napalunok ako " kinakabahan ako manong," I confess

Tumawa agad si manong nang marinig ang sagot ko.

"Bakit ka naman kinakabahan ma'am? Hindi naman nangangain ng tao ang mga studyante dito..." He said.

"Bago lang ako rito manong," I told him.

"Unang araw ng pasukan ngayon ma'am, sigurado akong hindi lang ikaw ang bago, Kaya wag kang masyadong kabahan." napatingin ako sa rear mirror, nakita kong nakatingin rin si manong sa akin habang nakangiti.

Building Bridges.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon