Chapter 30

87 4 0
                                    


Chapter 30

"El, ayos na ba 'to?"  my eyes darted to the gown designer. Nasa harapan ko siya, hawak niya ang kanyang tablet habang pinapakita sa akin ang mga gown na pinili ko.

Marahan akong tumango bilang tugon. "Gusto ko po 'yong minimal na design lang sana." Sambit ko.

"Okay, Miss. Your wish is our command!" Pabirong sagot nang designer. Hindi siya nag-iisa. She's actually with her one assistant. Ito ang taga bitbit ng gamit niya.

After kong mamili ng dress ay kinunan nila ako ng sukat, ilang minuto rin ang itinagal bago iyon natapos saka sila tuluyang nagpaalam. When the two visitor left, malaya na akong humiga sa malapad naming sofa. Ako lang mag-isa ngayon sa bahay aside from our house helps. Sila Mommy at Daddt may inaasikaso pa.

I check my IG. Wala na akong bagong upload pictures. 'yong latest upload ko ay iyong nakasampa kami sa airplane kasama 'yung pamilya ko isang buwan na rin ang nakalilipas.

No'ng wala akong makitang interesadong bagay sa Instagram ay in-exit ko na ang apps. I go to my gallery instead. I absentmindedly scroll through my gallery. Halos picture naming dalawa ni Kasper ang laman.

Ngayon ko lang din narealize ang dami ko palang picture kanya. I click those picture one by one. We look so close and sweet in every photo we take. Nakita ko rin ang picture naming dalawa no'ng minsan na pumunta ako sa kanila. He was lying on top of me with his face buried on the hollow of my neck. Tinitigan kong mabuti ang litrato lalo na 'yong naka side view na siya sa harap ng camera.

Napalunok ako habang nakatitig sa mukha niya. Hindi ko 'to napansin no'ng mismong araw na kinuha ko ang litratong ito. Ngayon lang! Kasper was smiling at the camera. Hindi iyon malawak, halatang pinipigilan at kung hindi mo titigang mabuti ay hindi mo mahahalata. Sa pagkakatanda ko ay nakatulog siya no'n sa balikat ko. Did he pretend to be asleep all of those times? But what's his main purpose?

I off my phone because of those thoughts. Bumalik din sa isipan ko ang sinabi niya roon sa Palawan.
I was so nervous when he said he still want to ruin our friendship...and I'm not that dumb to know what he was trying to say. Mayroong takot na namumuo sa puso ko. Ayaw kong isipin...ayaw kong mag-isip ng kung ano. Hindi niya direktang sinabi, ngunit may pakiramdam ako.

And I'm so afraid because there was a tendency that I feel the same, too.

Sa oras na ito ay kalmado ako dahil wala siya sa paligid ko. He told me that he was flying to Canada. Last week lang 'yon. Wala na akong balita sa kanya, I actually miss him ngunit mas pinili kong 'wag munang makipag connect sa kanya. Not this time that I still have a lot of thoughts about us.

Naging busy ako sa mga sumunod na araw. Kahit sina mommy ay ganoon din. Lahat ay aligagang naghahanda para sa aking paparating na kaarawan. It was my eighteenth birthday that is why my parents was really putting their big effort to prepared it for me.

'yung mga magulang ko mismo ang nagplano ng birthday ko, lalo na sa venue. They are both engineer so that is why magkasundo sila sa kung ano ang gagawin sa venue. Everyone wants it grand. Ayos lang naman sa akin na kahit ano, basta kasama ko ang buong pamilya at mga mahal sa buhay sa mismong araw na iyon.

I spend most of my time practicing for the dance. Kasama ko ring mag-ensayo ang eighteenth roses na napili ko. Karamihan ay galing sa basketball team, I even ask kuya Amos for suggestions at mukhang ayos lang naman sa kanya na buong basketball team ang kasali sa eighteen roses, may mga kaklase rin akong kasali, lalo na si Khai na kusa pang nagpresenta ng kanyang sarili upang maging isa sa mga eighteen roses ko.

My best friend from Canada which is Lance also make his effort to reach me. Sinadya niya ring pumunta dito sa Pilipinas upang maging isa sa eighteen roses ko. I felt so special. However, kahit nakikita kong lahat ay gustong gawing mas espesyal ang araw ng debut ko. Palagay ko ay meron pa ring kulang.

Building Bridges.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon