Chapter 18

71 6 1
                                    


Chapter 18

It was already a first week of December when our teacher announced about our finals before the first semester end. Naging busy ulit ako sa school at isang linggo ring hindi nakapunta sa practice dahil panay ang uwi ko ng maaga upang makapag-review.

Gusto ko sanang manood ng practice pero ang sabi ni Kuya Amos ay mag focus daw muna ako sa pag-aaral dahil January pa naman ang tournament, nag-early practice lang sila para mas maging maganda ang performance nila sa season na ito, Lalo na at may Christmas break pa, mababawasan ang oras ng practice nila dahil lahat ay magiging busy sa oras na iyon.

"Nandito ka na naman." Sambit ko ng maabutan si Kasper na nakaupo sa living room namin. Sabado ngayon at sa pagkakaalam ko ay whole day ang practice nila, ngunit sa halip na maagang pumunta sa gym ay andito siya sa bahay.

"Good morning," he sarcastically greeted.

I rolled my eyes before settling beside him.

"Ang aga mo naman." Puna ko.

"Napadaan lang ako, ilang araw rin tayong hindi nagkita." Ngisi niya.

"Anong ilang araw? You always fetch me on my room and have a lunch with me everyday, Kasper. don't give me that crap!"

Tumawa siya. Sa mga nagdaang araw, simula noong hindi na ako nakakapunta sa practice nila ay palagi na akong sinusundo ni Kasper sa classroom namin para sabay kaming magtanghalian, pagkahapon naman ay susunduin niya ulit ako sa classroom para ihatid sa parking area bago siya dumeritso sa practice nila. Hindi ko maiintindihan ang mga ginagawa niya, most of them are not really necessary for a friend. Kaya ko naman maglunch na kasama sila Alona at kaya ko ring pumunta sa parking area na kasabay sila Khai at Alona.

I've always told Kasper about it but he'll just tell me that if I can, he can't. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin no'n, all just I feel is that the way he treat me is not friendly anymore, it's more than friendship. Kung ano iyon, ay hindi ko mawari.

"Kumain ka na ba?" Marahan kong tanong kalaunan.

Napangisi agad siya, ang mga mata niyang mapaglaro ay tumitig sa akin.

"Concern ka?" He tease.

Hinampas ko agad siya ng throw pillow.

"Hindi ako concern sa 'yo, ang kapal mo, ha!" Singhal ko.

"Hindi pa ako kumain." Saad niya.

"Wala akong pake!"

Tuluyan na siyang humalakhak.

Bahagya akong napatitig sa mukha niya, it was so bright, malayo keysa noong una ko siyang nakilala, he is always been a jolly guy around me, but whenever we're with someone else, he is usually timid and serious like he always had a grudges to the world.

Ipinilig ko ang aking ulo upang mas lalo siyang matitigan, Kasper then stop laughing, he bit his lips when he notice me staring at him.

"What?"

Ngumisi ako,  Hindi pa rin tinatanggal ang tingin sa kanya.

"You're so handsome and approachable when you laughed, it's a petty you're not like this when you're with a bunch of people."

Nawala ang ngisi niya, pero bakas pa rin ang aliwalas ng kanyang mukha.

"Those bunch of people doesn't amuse me, babe. Those bunch of people doesn't make me happy as much as you do." Sagot niya.

"Ang dami mong alam, Kasper."

Tumayo ako at bahagyang tumawa para mawala ang malakas na kabog ng dibdib ko, the words he just spill was like a horse feet kicking my heart and make it beat faster than usual.

Building Bridges.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon