Chapter 24

69 4 0
                                    

Chapter 24

Kasper and I decided to go for a morning drive, nagpaalam na rin kami kay mommy na kami nalang ang maggo-grocery. We go to the nearest grocery store outside our village.

Si Kasper ang nagtutulak ng pushcart.  Habang ako ay busy sa pamimili ng mga kakailanganin namin, we have a long list of everything we needed and I'm sure that it will take a lot of time to find them all.

"How about we'll separate? Hahatiin din natin itong list para hindi tayo matagalan." I suggested at Kasper who's lazily following me wherever I go.

"Going together is fine," Saad niya.

Nagkibit ako ng balikat bago tiningnan ang listahan at hinanap agad ang mga nakalista roon, most of them are food supply and some are kitchen needs and toiletries. Mabilis akong dumampot ng ilang malalaking fresh milk ng madaanan na namin ang  section na iyon.

"You're getting too much, El." Reklamo ni Kasper ng makita ang ilang gatas na inilagay ko sa loob ng pushcarts.

Kunot noo ko lamang siyang tiningnan.

"Too much? Kulang pa nga 'yan, e." Sagot ko at nagpatuloy sa paghahanap ng mga produktong nakalista sa papel na ipinadala ni mommy.

Hindi naman masyadong marami katulad ng nakasanayan namin ang ipinag-grocery ni mommy ngayon, although marami pa rin ito ngunit mas maliit lang kumpara sa usual na grocery namin, marahil ay alam naman ni mommy na maggo-grocery ulit sila bago sumapit ang pasko, ilang araw nalang din 'yun mula ngayon.

"Anong plano niyo this Christmas?" I ask Kasper as we stood patiently together on the line waiting for our turn to pay.

"Matutulog, I guess." He answered and shrugged his shoulder off like it's nothing big deal.

"Matutulog? Why? Don't you celebrate Christmas?" I ask curiously, ipinatong ko rin ang aking kamay sa hawakan ng pushcart habang nakatingin sa kanya, I was observing his expression, it was grim and stoic like he didn't really want to talk about it.

"Wala naman akong kasama." He answered.

"How about your fam--" napatigil ako sa pagsasalita ng maalala ang sitwasyon niya. Oo nga pala, his parents has already another family.

He push the pushcart on the counter when it's already our turn to pay.
Pinanood ko siyang kunin ang laman ng pushcart at ilagay 'yon sa counter.
He look so serious at parang nawala rin sa mood. Napalunok ako, mukhang ako ata ang rason kung bakita siya nawala sa mood.

"I'm sorry." I whispered as I stood beside him. He quickly glance at me and continue to do what he's doing.

"Don't mention it." He said.

Tumango-tango ako feeling bad for making him bad.

Matagal natapos ang cashier sa pag-scan ng mga pinamili namin kaya no'ng makita kong isinilid na ng packaging man ang fresh milk sa isang cellophane ay mabilis akong lumapit dito, I ask him if I could drink the milk dahil kanina pa talaga ako nauuhaw, the man hesitated at first, siguro ay takot siya na baka scammer ako, na baka pagkatapos kong inumin ang gatas ay basta nalang ako aalis ng hindi nagbabayad.

"We'll not shop this much unless we are capable of paying all of them, kuya. Babayaran ko naman 'to, e. I assure you." Pamimilit ko.

Napakamot ng ulo pa ang lalaki at nag-aalangang sumulyap sa kahera, tila nag-uusap sila gamit ang kanilang mga mata tungkol sa gusto kong mangyari.

"Just let her, Miss. Don't worry I have a money to pay." Kasper said in a brute manner.

Napangiwi ako, Ang control freak naman nito.

Building Bridges.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon