Chapter 17

65 6 0
                                    


Chapter 17

"Class dismissed."

Agad na naghiyawan ang mga kaklase ko ng sabihin iyon ng guro namin, ito ang huli naming subject para sa araw na ito kaya halos magdiwang na sila ng malamang uwian na.

I immediately keep my things in my bag before getting up, medyo nagmamadali rin ako dahil kailangan kong manood ng practice katulad ng deal namin ni Kasper.

"Pupunta ka mamaya sa party?" Khai ask.

"Hindi ko sure, hindi rin ako intresado." Pagtatapat ko.

"Ako nga rin, e. 'wag na tayong pumunta. Alona, 'wag kang pupunta ro'n, ha. Kasi wala ako ro'n." Pabirong saad ni Khai.

"Kahit pumunta ka pa, Hindi pa rin ako pupunta. Bakit, sino ka ba?"

Napahalakhak ako, nakita kong napahawak si Khai sa bandang dibdib niya at umaaktong nasasaktan sa mga binitawang salita ni Alona.

"Ang sakit talagang magsalita nitong kaibigan natin, may pinagdadaanan ka ba?" Tanong ni Khai kay Alona.

Alona just rolled her eyes as a response.

Ang hilig talagang mang-asar ng isang 'to, kaya hindi nakakapagtaka na kahit sa mukha niya palang ay nawawala na sa mood si Alona.

"Hindi pa ba kayo uuwi?" I ask.

"Uuwi na," si Alona ang sumagot.

Tumabi ito sa akin, humawak siya sa braso ko at hinila ako palabas ng pintuan, ni hindi man lang niya inaya si Khai.

"Grabe, desidido talagang iwan ako." Reklamo ni Khai habang nakasunod sa amin.

Nasa labas na kami ng pinto ng mapansin kong may tao na nakasandal sa gilid nun, tiningnan ko ito at agad na nagkasalubong ang mga tingin namin.

"Anong ginagawa mo rito?" Iyon agad ang unang mga salita na namutawi sa labi ko.

Umayos ng tayo si Kasper, tumingin siya sa mga kasama ko bago ibinalik ang tingin sa akin.

"Sinusundo ka." Sagot niya.

Ngumisi ako, "bakit, Anong meron? Pinapatawag na naman ba ako ng sport's president council?" Tanong ko rito.

"No, I just want to fetch you." He answered.

"So totoo pala na kayo na, Pres?" Usisa ni Khai.

"Hindi, we're just best friend." I answered.

"So let's go?" Nanatili ang tingin ko kay Kasper.

He sighed, "let's go."

Sabay kaming apat na bumaba nagkahiwalay lang no'ng nasa parking area na, nag-aabang na kasi do'n Ang mga sundo ni Khai at Alona. I figured they are neighbor kaya nagsasabay na lang din sila pauwi.

"May sasakyan ka?" Tanong ko kay Kasper na tahimik lang sa tabi ko, he seems to be thinking something deeper, nasa malayo ang tingin niya at tila ba promblemado.

"Yeah," Wala sa sarili niyang sagot.

I dodged his waist, "are you alright?"

Bumaba ang tingin niya sa akin, umiling siya saka ngumisi.

"Pupunta ka ba sa party no'ng kaklase mo mamaya?" Tanong niya, completely ignoring my question. I guess he's okay.

"Hindi, bakit?" Balik tanong ko.

"Nothing, just wanna know."

"Gusto mong pumunta? Punta ka, tapos sabihin mo nalang na substitute kita." I chuckled.

Building Bridges.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon