Chapter 16

66 7 0
                                    


Chapter 16

I yawned exasperatedly as I watch my classmates scattered around our classroom as soon as our teacher go out.

Lumabas lang ito sandali dahil may kukunin sa opisina, she ask us to keep quiet while she's not around and as the usual everyone said yes, pero heto sila, kalalabas lang ng guro namin at panay na agad ang k'wentuhan ng ilan, may mga lumipat pa ng upuan upang tumabi sa paboritong kausap.

"Guys, may party mamaya sa amin, invited kayong lahat, special mention president, Elly Jane Salvador." Sigaw ni Alford. Ito ang kaklase kong lalaki na masyadong maingay.

Mas lalo pang nag-ingay noong humiyaw ang iba kong kaklase dahil sa excitement.

"President, punta ka, ha?" Lumapit si Alford sa upuan ko upang makausap ako ng personal.

Bahagya akong umiling.

"I'm not sure." My Daddy is strict, hindi ako basta-bastang papayagan no'n, lalo na at mukhang hindi formal party ang magaganap.

"Subukan mo lang, Pres. Ipapakilala kita sa mommy ko." Ngumiti ito sa akin.

Narinig kong kumantyaw ang ibang mga kaklase kong nakarinig.

"Ship! Ship!" They shouted in unison.

Ngumisi ako at umiling sa kanila, habang si Alford naman ay natatawang sumulyap sa kanila, itinaas pa ang mga kamay upang hikayatin silang magpatuloy.

"I'm not really sure, but I'll try."

Umingay ang buong classroom namin dahil sa naging sagot ko, it leaves me confuse for a moment, binalikan ko ang sariling sinabi, I figured that there's nothing wrong with it, pero kung makapag-react sila ay parang sinagot ko si Alford sa panliligaw.

"Aasahan ko 'yan, pres." He give me a playful salute.

"Pres, may naghahanap sa 'yo."

Naagaw ang atensyon sa isa kong kaklase na kagagaling lang sa labas, may hawak itong pizza at buko juice na naka silid sa isang plastic bottle. Hindi naman halatang galing sa canteen ang isang 'to.

"Sino?" I ask.

"Boyfriend mo raw..." Sagot nito ng may ngisi sa labi.

Natahimik ang mga kaklase ko dahil sa sinabi nito, on the other hand it leaves me confused.

Wala akong boyfriend!

"May boyfriend na pala..." Pang-aasar ni Khai, tahimik lang ito kanina at hindi nakisali sa pang-aasar nila ngunit mukhang nakahanap na ito ng rason na mang-asar ngayon.

" 'yon ba 'yong nasa my day mo last week?" Some of our classmate interfere.

"Ah, waley. May boyfriend na pala si Pres. Wala ka ng pag-asa, Alford!" Asar ng kaibigan ni Alford.

"Hindi pa lumalayag, lubog na agad."

"Sino raw 'yung boyfriend niya?"

Hindi ko na pinagtuonan ng pansin ang mga nangungusisa, tumayo ako at dumiretso sa may pintuan. Binuksan ko ang pintoat agad akong nakita si Kasper na naka-uniform pa ng pang-engineering, nakasandal ito sa pader malapit sa pintuan namin habang nakapamulsa.

"What was that?" Pertaining to what he said to my classmate.

"Boy friend, lalaking kaibigan, El. " Malamig nitong sagot.

Dahan-dahan kong isinara ang pinto.

"Yeah? Iba ang pagkakaintindi ng mga kaklase ko, Kasper."

"Their problem, not mine."

Building Bridges.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon