CHAPTER 27

108 16 0
                                    

Warning: No proof reading.

Kindly vote, that matters to me a lot. Khapun krab/kha.

Gulf POV

" Grace, lumaban ka. Kaya mo to" Pagpapagaan ng loob ko rito.

Pag-bungad ko pa lang sa pinto ay ito agad ang bumungad sa akin, ang nahihirapang paghinga ng aking kapatid. Mahigpit ang hawak nito sa aking mga kamay habang pilit na hinahabol ang hininga.

" Kuya, hindi ko na kaya. Gusto ko ng magpahinga" mahinang usal nito.

" Shhhh......lumaban ka, huwag kang magsalita ng ganyan. Paano naman kami, iiwanan mo nalang ba ako at si Mama" Hilam sa luha ko pang pakiusap rito habang hinahaplos ang ulo nito.

Si mama sa gilid ay lihim lamang humihikbi, napailing-iling ito na parang may nais itong sasabihin sa akin. Mariing nakatitig Kay Grace.

" Di ba mahal mo si Mew? Magpakatatag ka para sa kanya, saksi ako sa kasiyahan mo sa tuwing kasama mo siya." Pagpipilit ko pa upang mas labanan niya ang lumukob na sakit na nararamdaman nito ngayon.

Pag-iling lamang ang naging sagot nito, hinayaang bumaybay ng tahimik ang luha sa mga mata nito.

" Kuya........" Tanging anas nito.

" GRACE, NO....NO...NO...." Mariing yugyug ko na lamang ng makitang tumamlay Ang katawan nito animo'y tinakasan ng hininga.

" Mew, tulungan mo ang kapatid ko. Dok, magawan mo pa to ng paraan, di ba?" Naiiyak ko pang pakiusap sa mga ito. Pero tanging awa lamang ang naging sagot ng mga ito habang nakatitig sa akin.

" Mew! " Anas ko lamang.

Walang nagawa ang mga ito. Tanging pagtitig lang ang nakuha ko lamang na sagot.

" Grace........." Palahaw ko lamang dahil tinakasan na ako ng pag-asa na maisalba ang buhay ng aking kapatid.

" Hindi, Hindi" patuloy ko pang palahaw sapagkat hindi ko matanggap ang nangyari sa kapatid ko ngayon.

Bumigat bigla ang aking dibdib. Nararamdam ko rin na parang tinakasan ako ng hininga. Diko halos mararamdamn ang aking sarili, parang ang bigat ng aking katawan. Gusto  kong kumilos pero bigo ko itong magawa. Pero pinilit ko ito, maging ang pagsalita upang humingi ng tulong ay diko magawa. Parang naparalisa ang buo kong katawan maging ang pagbuhat ng aking braso ay diko magawa.

Nawalan na ako ng lakas upang labanan ang sariling nahihirapan, pero ilang saglit lamang ay parang nilamon ako ng kadiliman at unti-unting nahulog ang aking katawan sa madilim na bangin. Tanging pagsigaw lamang ang aking nagawa hanggang sa..........

" Dios mio, anak buksan mo ang mga mata mo, binangungut ka!" Boses ng aking ina ang sumalubong sa aking pandinig. Puno ng pagkabahala ang boses nito.

Of all this time, binangungut lamang ako.

" Nasaan si Grace Ma" bungad ko agad.

Puting kisame ang bumungad sa aking mga mata. Malimit ko pa ring hinahabol ang hininga buhat ng nakakasakal na bangungut.

" Anak, ayos lang ang kapatid mo. Mahabaging panginoon, di ko na alam kong anong gagawin ko sa inyo. Napahamak ka pa anak" Anya ni Mama na nagpagulo sa utak ko.

" Ma, may nais akong sasabihin at sana hindi mo itakwil kahit kastiguhin mo lamang ako ay kaya kong tiisin huwag mo lang akong itakwil Ma" Puno ng pakiusap ko pang anya.

" Iisipin mo muna ang kalagayan mo ngayon saka mo na yan sasabihin. May masakit ba sayo? Tatawagin ko ang doktor kong may nararamdaman  ka ngayon?" Pag-iling lamang ang naging sagot ko. Pero puno ng pakiusap ang mga mata.

Temptations Of My Sister's Boyfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon