CHAPTER 5

357 40 1
                                    

Gulf POV

Unang araw

Unang araw na pagpapanggap ni Mew na inlove sa kapatid ko.

Pinagkasunduan na naming dalawa kong ano ang maging estado ng unang meet up encounter. We need to begin again as an stranger and first myself find hard to accept their comeback relationship.

Tumunog ang doorbell. Ayon sa kasunduan namin, ako na ang nagboluntaryong nagbukas ng pinto bago pa man makatayo si Mama sa kinauupuan habang nagbabasa ng diyaryo.

Weekends kaya, pahinga si Mama ngayon sa trabaho.

" Hi sweetheart" Bungad agad sa akin nito ng halik, hindi na ako nakaiwas sa sobrang bilis nito.

Sinilip ko ang likod nito, motorbike ang dala nito.

"Umayos ka Mew nasa bahay ka namin, 'wag kang umasta ng nakakahinala" Saway ko rito at nilakihan ang pagbukas ng gate para padaanin nito, itinago ko naman ang pamumula sa mukha.

" Kong ikaw na lang si Grace hindi na to mahirap sa akin at pakasalan agad kita na walang pagdadalawang isip" Nakangiting imporma nito, he slip his fingers over his hair combing his usual messy hairdo.

He simply wore a plain white shirt and black leather jacker pairing it with loose jeans, but he's sporting it like a casual model.

" Marinig ka ng kapatid ko Mew" Saway ko ulit rito, pinasadahan ng titig ang bitbit nitong bulaklak.

I informed him to act accordingly. Nauna na akong pumasok sa loob hinayaan na lamang na sumunod ito. Sakto namang pagbungad ko sa sala nandoon ang kapatid ko, nakaupo habang nanonood ng palabas sa TV.

" You have a visitor Grace. Your EX" Entrada ko sa malamig na boses. Ganoon na lamang pag-asta kong mainit ang ulo.

Gulat na gulat ang mukha ni Grace ng makita Si Mew. Si Mew hindi alam kong ano ang gagawin kaya sinenyasan ko ito na ibigay ang bulaklak na dala.

" We have a matter line..... este it's nice to see you Grace" Malumanay na bati nitong hinalikan ang pisngi ni Grace.

Nagtagis naman ang bagang nitong nakatitig sa akin pagkatapos hinalikan si Grace, paniguradong hindi ito sanay na makipagbalikan sa EX kaya ganon nalang ang reaksiyon nito.

" What are you doing here? after what you did to my daughter. May gana ka pa talagang magpakita at kumustahin siya" Si Mama. Bitbit nito ang baso ng juice habang galit na nakatingin kay Mew.

" Why did you let the stranger enter our house, Gulf. You'll disdain him too!" Kastigo pa ni Mama sa akin.

I heaved a sigh, hindi dahil peke akong umacting kundi naghihinayang ako sa ipinakitang kasiyahan sa mukha ni Grace habang nakatitig kay Mew.

Sa maling lalaki pa niya nahanap ang pag-ibig. Nakakahabag.

" Ma just let him talk to Grace. Simula't-sapol hindi ako pabor sa kanya pero hayaan mo nang mag-usap silang dalawa" Walang gana ko pang tugon kay Mama.

Nakakawalang gana ang ipinakita ngayon ni Grace. Pero kakayanin kong matiim ito alang-alang sa kasiyahan niya.

" Tita, I wanted to make up my mistakes and my sudden decision of letting her go that so easy" Ani Mew. He seems sincere but I knew he was just faking it.

Umalis na ako sa senaryo at pumatungo sa kusina. Kudlit ng isang ligaw na pakiramdam ang nag-udyok sa akin na umexit sa eksena.

Nasasaktan ako sa hindi mawari na dahilan. Basta't halo-halo ang emosyon ko ngayon na hindi ko matimbang kong ano ang mga iyon.

Temptations Of My Sister's Boyfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon