CHAPTER 3

379 34 0
                                    

Gulf POV

Mariing kong kinagat ang aking mga labi nang sa gayo'y mapigilan ang sarili na bumigay ng iyak habang naglalakad animo'y walang patutunguhan.

Gustuhin ko man na isang hamak na bangungot lamang ang mga pahayag ng doktor pero totoong-totoo ang mga isiniwalat nito.

" You had a stage 3 brain cancer iha. The series of diagnostic test we undergo the other night include MIR and brain tissue biopsy revealed the disease you bare and as per showed by the test result" nakakalungkot na pahayag ng doktor.

Pasan ko ang buong mundo sa sinabi ng doktor. Umiiling-iling lamang ako at hindi nakapagsalita animo'y nabikig sa sariling laway dahil sa sama ng rebelasyon ng nito.

" How about the cure Doc? And the percentage for the possible remedy? " Pumiyok ang aking boses at buong tapang na nilunok ang pait at pag-asa ng aking mga katanungan sa doktor. Kahit magwala ako at baliin ang sinabi ng doktor sa huli'y manaig pa rin ang katotohanan at mas lalong masasaktan lamang ako.

" Stage 3 were severe enough and the percentage must matter for the possible treatment. And the kind of treatment matter to the biopsy result, it can be surgery, radio therapy or chemotherapy. But the chances were too low, we could laid upon miracles and hope" paglalahad na sagot ng doktor.

Si Mama ay dinaluhan si Grace na umiiyak, nagyakapan ang mga ito parehong hilam ang mga mata sa luha.

The doctor sighed.

" 6 month ang napipintong taning. Masakit man na sabihin ko ito pero ayaw kong umasa kayo na ikinalungkot niyo sa huli" ani.

Mas lalong bumagsak ang aking mundo sa narinig. Hinayaan na lamang ang mga luha na nagsiunahan sa pagbagsak sa aking mga mata saksi sa sakit at hinagpis na aking nararamdaman.
Nanghihinang lumabas ako sa kwarto ng hospital, hindi ko kayang matiim ang impit na iyak ng aking kapatid maging ang mahinang pag-iyak ni Mama. Gusto kong mapag-isa at iwasang saksihan ang nakakahabag na sitwasyon ng kapatid ko.

Sa isang iglap lamang nagbago bigla ang lahat. Natupad man ang inaasam niyang kaarawan, nabigo sa pag-ibig at ang masama ay ang rebelasyon ng isang bangungut na sakit. Kaya kong manipulahin ang aspeto pagdating sa pag-ibig na isyu ng aking kapatid pero ang isang sakit, maging ako'y vulnerable ay di ko kayang tumbasan sa ano mang paraan na gusto ko.

Ang katotohanan ay di ko kayang baliin harapin ko na lamang ito kahit masakit man sa kalooban ko. Buong tapang ko na lang hinimok ang sarili na tanggapin ang rebelasyon na maaring magbago sa takbo ng buhay ng pamilya namin.

Sa dalawang araw na paghimlay ni Grace sa Ospital, saksi ko ang pagbabago nito, di man siya pumayat pero ang pangingitim ng kanyang mga mata ay nahihinuha ko na may nagbago sa kalusugan niya.

Kinasusuklaman ko si Mew dahil sa ginawa nito sa kapatid ko pero wala na akong magawa gayong palaging bukambibig ni Grace si Mew. Mahal na mahal niya si Mew at nahihinuha ko yon sa mga salita niya, lihim ko na lamang na nilunok ang pait taliwas sa papuri niya kay Mew atsaka napagpasyahang, kong ang lalaking iyon ay kasiyahan niya pagbibigyan ko siya sa panandaliang panahon para lang mapunan ang kasiyahan na kanyang hinahangad.

Kaya tinutumbok ko ngayon ang Hide out ni Mew sa likod ng UNI, ito ang tambayan ng mga grupo nila sa sports.

Hindi ko na mabilang kong ilang ulit akong humihinga ng malalim, nagtatalo ang isipan kong itutuloy ko ba ito o hindi at hayaan na lamang magsenti ang kapatid ko patungkol kay Mew.

Nangangatal na ang labi ko sa sobrang pagpigil na hindi bumigay ng iyak sa tuwing maiisip ko ang aking kapatid na iniinda ang nakakamatay na sakit.

" kaya ko to" pikit matang paghihimok ko sa sarili.

Temptations Of My Sister's Boyfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon