Gulf POV
Parang natauhan ako sa aking alter ego na pilit na ipinadepensa ko kanina sa mainit na konbersasyon namin ni Puifah.
She's right, my alone time makes me realized how hurt it is. Napakasakit, animo'y tinupok ang buo kong pagkatao sa magiging desisyon ko.
Alam ko sa sarili na ang sakit na lumukob sa aking dibdib ay hindi lamang sa unang rason na pilit kong ipinagmukha kay Puifah, ang masaktan sa huli ang kapatid ko kundi malaking bahagi na rin ang nararamdaman ko kay Mew. Ang unti-unti kong pagkahulog rito.
Mas lalo kong pinalala ang atraso sa aking kapatid sa naging pahayag ng aking damdamin. Lininlang ko pa nga ito tapos ito pang lintek kong damdamin ay ayaw pang magpaawat.
Para saan pa 'tong pag-iyak ko kong sa huli ang kagustuhan ni Puifah ang masunod.
" Maghunos-dili ka Gulf. Napasubo ka na" Nangangalaiting saway pa sa sarili.
Walang pagdadalawang isip na isinubo ko ang problema at ngayon napasubo na naman ako dahil sa magiging desisyon ko.
" Fuck that girl" Mura ko pa kay Puifah sapagkat sapol ang damdamin ko sa mga patama nito.
She's right! Isang malaking haka-haka para sa kanya ang pumatol si Mew isang tulad ko lamang. Over protective na kapatid at selfless. Pero kasalanan ko bang maging maganda at maengkanto si Mew sa alindog ko? Malaking issue ba talaga ang pagkalalaki ko para tadtarin niya ako ng pagka-judgmental niya?" Kesyo may pop cherry, pero sa ganda kong 'to nasisiguro kong malulunod siya" Nagtagis bagang kong usal.
At ang lintek na alas na panlaban niya upang kastiguhin ang ego ko ay lalong nagpabalisa ko ngayon.
Hindi ko na alam kong ano ang gagawin ko sa sarili na ngayo'y naka-upo sa bleacher. Pasimpleng itinago ang mukha sa guard na nakakunot noong nakatanaw sa akin.
Pero ang totoong nararamdaman ko ngayon ay gusto ko nang tumakbo kay Manong guard at bumigay ng iyak sa mga bisig rito. Mahirap palang walang kaibigan sa tabi sa oras ng paghihinagpis, animo'y ikaw na siguro ang pinakamiserableng tao sa mundo.
Hindi pa nakikiayon ang pagkakataon, walang Dean na masandalan ko ngayon. Bukod tanging sinarili ko lamang na kinimkim ang sobrang bigat ng pakiramdam.
" I need to talk to you Mew! " Nanginginig kong tipa sa aking cellphone atsaka walang pag-alinlangang pinindot ang send button.
Lumipas ang ilang minuto pero wala pa ring sagot mula kay Mew. Humingos ako at saka tumayo sa kinauupuan.
Pumatungo sa lugar na unang lumitaw sa aking isipan pero napaurong ako ng mapagtantong wrong timing ang kalkulasyon ng utak ko.
" Arghh! Kanina pa tapos ang rehearsal" Galit ko pa sa sarili.
Atsaka lumabas sa gate na 'di na pinansin pa ang mukhang naguguluhang guard sa inasta ko ngayon.
Binaybay ko naman ang kalyeng stop N' ride na ng karamihang commuters.
" Fuck! Di pala home visit ng mokong ngayon. Wala ito ngayong sa bahay" Atungal ko lalo sa sarili dahil sa katangahan ko na naman.
Naisip ko na naman bigla ang kapatid ko at ang pag-iwan ko sa mga ito kahapon sa loob ng Mall.
Sa kasanayan konsensiya ang inabot ko dahil sa halikan namin ni Mew na nagustuhan ko pa. Buong akala ko'y magagalit ito dahil sa biglaang pang-iiwan ko sa mga ito pero masayang awra ang bumungad sa akin taliwas sa iniisip ko. Ang kasiyahan ng kapatid ko ay katumbas sa pagmamahal nito kay Mew. Kudlit ng ligaw na pakiramdam ang nag-udyok sa akin upang magselos.
BINABASA MO ANG
Temptations Of My Sister's Boyfriend
FanfictionSynopsis Gulf Kanawut believes that love comes to its life in a right time and places. Mew Suppasit believes that loves never once existed only flings and playful affairs existed that comes from sexual attraction to fulfills man's need. Mew add ca...