ARDYNE IAN
Maaga akong nagising at lumabas. Una akong dumiretso sa ospital na kung saan naka-confine si Mama. Wala pa akong lakas na loob para harapin siya pero gusto ko lang talaga muna siyang makita. Dahil sa sinabi ni Drake kahapon ay nakabuo na rin ako ng plan—not exactly a concrete one but at least I know where to start.
Magsisimula na ang visiting hours nang makarating ako sa ospital. Pinakitaan ko ng I.D. ang nurse na nakausap ko at pinayagan naman niya akong makita si Mama sa malayuan. Pinigilan ko ang sarili kong maiyak nang malaman ko na halos sampung taon na siya rito.
How did that happen? Is it somehow my fault that they locked her here for too long? Do they even visit her? Ngayo't nalaman ko na ganito na pala siya katagal rito, alam ko narin na sila rin ang tumutustos sa bills niya. Private hospital ito na medyo malayo sa siyudad at sigurado akong mahal ang bills dito.
Kung totoo man ang hinala ko, hindi nagkataon na sinabi ni Tito sa akin ang patungkol sa mga magulang ko at business nila ngayong malapit na akong mag-eighteen. They want something from me and I'll make sure not to give it to them.
"Ma, sa susunod, dadalawin ulit kita kasama ni Honeybear," mahinang sabi ko bago ako umalis ng ospital. Habang naghihintay ng bus ay tinawagan ko si Tito. Halatang hinihintay nga niya na tawagan ko siya.
After an hour, kasama ko na si Tito at Tita sa restaurant na minamanage nila. This was once owned by my parents at gagawin ko ang lahat para mabawi ang mga dapat ay sa akin.
"Hindi na po ako magpapaliguy-ligoy. Sa oras na mag-eighteen ako, gusto ko ng legal emancipation mula sa inyo bilang legal guardians," simula ko. Namutla si Tita at napapikit naman si Tito.
"Ikaw...wala kang utang na loob! Pinalaki at pinakain ka namin at ito ang ibabalik mo sa amin? Kami ang nagbayad sa bills ni Mariane ng ilang taon! Kung hindi dahil sa amin, baka patay ka na!" frustrated na sabi ni Tita. Hindi ko inasahan na maluluha pa siya. Nice touch.
"Margaret, ako na muna ang kakausap sa bata," mahinahong sabi ni Tito. Lumalim ang paghinga ni Tita at sa huli ay iniwan niya kaming dalawa ni Tito sa office.
Kinakabahan ako. Hindi ko alam na ganito rin kahirap ang confrontation na ito. Lumaki ako sa pag-aakalang kakampi ko si Tito. Oo, pinakain nila ako't lahat pero tama ba na ganoon ang tratong nakuha ko? Tama ba na itinago nila ang tungkol sa nanay ko?
Humigpit ang hawak ko sa aking bag.
"Ardyne, alam ko na galit ka sa amin ngayon kaya't sana ay huwag kang magpadalos-dalos sa pagdedesisyon. Oo, itinago ko ang tungkol kay Mariane pero para rin iyon sa ikakabuti mo. Ayaw ko sanang malaman mo ilang beses ka nang kamuntikang mamatay dahil sa napapabayaan ka niya. Naiintindihan mo ba ang sinabi ko? Hindi mo hiningi na palakihin ka namin pero pamilya tayo. Oo, may pagkukulang kami pero sinubukan namin at gusto kong pag-isipan mo kung sinubukan mo rin ba kaming intindihin, iha," lintanya ni Tito.
Hindi ako nakapagsalita.Wala akong maibalik sa mga sinabi niya.
Dahil totoo.
Dahil sa tingin ko, sarili ko lang ang inisip ko sa oras na umapak ako sa bahay na 'yun.
Dahil simula noon, natakot na ako na iwan ako ng mga taong mahahalaga sa akin.
Dahil ultimong ang malayo lang sa akin ang stuffed toy ko at natatakot na ako. Paano pa ang mga taong mahal ko?
At least ngayon, ayaw ko nang tumakbo.
"Pero Tito, sana intindihin niyo na naging mahirap din ang lahat sa akin. Sa ngayon, gusto ko lang munang mailayo sa inyo dahil ang sama talaga ng loob ko," nasabi ko rin sa wakas. I wanted to rage but that might not result to what I want.
"Then, let's talk about what we should do for now," aniya.
Halos isang oras naming pinag-usapan ni Tito ang plano ko at nagulat ako na ganoon din ang nasa isip niya. Bibigyan niya ako ng sapat na pera para ngayong summer at aasikasuhin din niya agad ang enrollment ko sa Sta. Caterina. Sinabi niya rin sa akin na may account akong ginawa ng mga magulang ko bilang college fund. Ayon sakanya, ni isang sentimo ay hindi niya ginalaw. Ang pakiusap niya sa huli ay na sana, ibigay ko ang management ng mga restaurants sa kanila. Sinabi ko nalang na saka na namin iyon pag-usapan.
As for a place for me to stay, hahanapan daw niya ako ng apartment with good security. Noong una ay gusto ko na ready na ang plano niya pero ayaw ko naman na masubaybayan nila ang bawat galaw ko sa ngayon.
I just want to be free from them for the meantime.
Sinamahan ko siya sa banko at nagpagawa kami ng bagong account ko. I'll really save up every peny I have right now because I really want to be on my own—even if it means using them. I'm still not convinced that we are really family.
---
BINABASA MO ANG
HEARTSTRUCK
Teen FictionDahil sa mga hindi inaasahang pangyayari ay napilitan si Ardyne na sumama sa Anarchs, isang motorcycle club na laging pinagkakamalang gang. Because of them, everything Ardyne believed in changed. And the worse part? She fell in love with one of them...