Chapter 4

6.3K 179 3
                                    

ARDYNE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ARDYNE

I wish you would step back
From that ledge my friend
You could cut ties with all the lies
That you've been living in
And if you do not want to see me again
I would understand, I would understand...

Kagabi ko pa paulit-ulit na pinapakinggan ang kantang Jumper ng Third Eye Blind. Siguro ay epekto narin iyon nang nangyari kagabi—ang personal na makitang may nakasabit sa may tulay. Natatawa nga lang ako kapag naririnig ko na 'yung linyang 'And if you do not want to see me again, I would understand.'

May practice ang kami ngayon ng buong araw at buti nalang, hindi kailangang mag-uniform. Dumaan ako sa backgate ng school para mas malapit sa classroom namin. Siguro naman ay magprapractice na kami ng matino ngayon.

'Yun nga lang, si Hannah lang ang nadatnan ko sa classroom.

"Hindi nanaman ba dito ang practice?" tanong ko sakanya nang makalapit ako. Tiningala niya ako. Nasa kalagitnaan siya nang paggugupit ng letterings para sa banner namin.

"Nandito silang lahat kanina pero narinig ko na nasa labas daw ang mga Anarchs kaya't naglabasan sila," sagot niya. Kumunot ang noo ko pero hindi ako naalarma. Imposible namang ako ang ipinunta nila dito.

"Ah. Tapusin na nga natin 'to," sabi ko nalang.

"Oo nga pala, ano ba ang tinatakbuhan natin kahapon sa may labas ng gym? Multo?" alanganing tanong niya.

"Anong multo? Mas masahol pa yata sa multo!" sagot ko agad.

"Ha? Anong ibig mong sabihin? Huwag mo nga akong tinatakot!" tinampal niya ang braso ko. Doon ko lang narealize na nakikipagbiruhan at kuwentuhan ako sakanya. Hmm, it's not that bad?

Naglakad ako hanggang sa bintana ng room para tanawin ang gate. Kitang-kita ko ang kumpulang mga estyudante sa labas. Aba, committed talaga sila sa pagiging fan ng mga basagulero na 'yun ha!

"Ardyne, pupunta muna ako sa faculty room. Kukunin ko lang 'yung class list para sa summer. Baka intersted ka pala para kuhanan din kita ng kopya?" lapit ni Hannah sa akin.

"Anong mga klase?"

"Music, arts, literature, sports and the like."

"No, thanks," sagot ko agad. Sigurado akong napangiwi siya dahil sa paraan ng pagsagot ko. Parang sinabi ko narin kasi sa kanya na 'so lame'. "Magkukulong lang ako sa bahay buong summer," dagdag ko nalang.

"Ah. Hindi pa naman ako sure if kukuha talaga ako ng lessons. Pero interesting kasi. Okay, babalik ako." Kumaway siya at tumungo na para lumabas ng classroom.

Itutuloy ko sana ang ginagawa ni Hannah pero baka masira ko 'yun. Hihintayin ko nalang siya. Medyo inaantok pa ako kaya umupo muna ako at humilig sa desk. Inilabas ko narin ulit ang phone at earphones ko. Mapakinggan nga ulit 'yung Jumper.

HEARTSTRUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon