YEOJI DALE
Gusto ko pang matulog pero hindi talaga matigil-tigil sa pag-ring ang aking phone. Kinapa ko ito sa kama. Ayaw ko pang buksan ang mata ko pero nakakairita na talaga!
"Hello?" iritadong sagot ko. Ni hindi ko pa tiningnan kung sino ang tumawag.
"Sunduhin mo ako dito sa amin. Pagkauwi natin, pag-uusapan natin ang deal," pautos na sabi ng nasa kabilang linya. Teka!
"What the fuck? Umuwi ka nalang dito! May sundo-sundo ka pang nalalaman?!" sigaw ko kay amasona. Umayos ako ng upo at kinumos ang aking mga mata. Ang hapdi, shit.
"Bakit ka sumisigaw?!" balik niya.
"Shit, stop screaming this early!"
"Ikaw kaya ang nauna. At anong this early? Pasado alas-dos na ng hapon," mahinahong sabi niya. Tiningnan ko ang wall clock—damn, she's right. Napapasarap na ang tulog ko nitong huli. I blame the hot weather.
"Tsk. Ano na ang kailangan mo?" tanong ko habang naglalakad pa patungo sa kusina. Uhaw na uhaw ako.
"Pasundo ako. Marami akong dala."
"Mag-taxi ka. Imposibleng wala kang pera e labas ka nang labas," sagot ko. Inilapag ko sa kitchen island ang phone at ini-loudspeaker ito para makakuha ako ng tubig at makainom.
"Kailangan ko rin ng magbubuhat," sagot niya.
"At ako pa ang tinawagan mo? Ano naman ang bubuhatin?"
"Basta, daanan mo nalang ako sa amin!"
"Amin? Bumalik ka sa inyo?" naalerto ako bigla nang maaalala ko ang mga pasa niya noong oras na unang nakita ko siya rito sa complex.
"Kung susunduhin mo ako rito, ipapaliwanag ko. Dalian mo, ang init!" sabi niya bago baba ng tawag. Napa-iling ako. She thinks she can manipulate me? That's not what's supposed to happen. But then...
Minutes later, I'm driving real fast just to reach her. Could it be that she wanted to go back there and got hurt all over again?
Nag-aalala ako konti.
Pagkaparada ko ng sasakyan sa tapat ng bahay na pinaghatidan ko sakanya dati ay nakita ko siyang nakaupo sa harap ng gate. Maraming bagahe sa tabi niya. Agad kong tiningnan ang mukha niya—good, walang pasa.
"Anong nangyari?" tanong ko agad. Inangatan niya ako ng tingin saka sinara ang hawak niyang libro.
"Lilipat na ako sa apartment mo. I'm taking your deal," casual na sagot niya.
"Where's the explanation as to why I should drive here this instant?" medyo iritado na ang boses ko. Akala ko naman kasi ay emergency!
"Puwede bang sa complex nalang? Isakay na natin 'tong mga gamit ko sa kotse mo," nakangising sabi niya. Napatingala ako sa sobrang frustration, sabay hinga ng malalim.
BINABASA MO ANG
HEARTSTRUCK
Teen FictionDahil sa mga hindi inaasahang pangyayari ay napilitan si Ardyne na sumama sa Anarchs, isang motorcycle club na laging pinagkakamalang gang. Because of them, everything Ardyne believed in changed. And the worse part? She fell in love with one of them...