YEOJI DALE
Sana hindi napansin ni Ardyne na napapatingin ako sakanya. I don't even understand why I keep on doing that! I am aware I guess but just like a reflex, I can't help it. Bakit nga ba?
"Ah! Kelangan bang marunong akong sumakay ng motor?" baling niya sa akin. Agad kong ibinaling sa bintana ang atensyon ko. Shit, what the heck is wrong with me!?
"H-huh?" lingon ko. Nagkunwari ako na hindi ko siya narinig. Pagkatapos naming kumain kanina, bumalik ako sa kuwarto ko para maligo at magpalit. Siya naman, nagpaiwan sa sala para simulan na ang pagbabasa. Hindi ko rin naman siya papayagang bumalik sa kabilang unit let alone leave her out of my sight--
What did I just think?
"Hoy, ano na!?" She kept on waving her hand in front of me. Tinapik ko ang kamay niya bago tumayo at naglakad hanggang sa kusina. Kumuha ako ng tubig at dire-diretso itong ininom. Ngayon naman, parang bumilis ang pagtibok ng puso ko.
Mukhang may sakit ako kaya ako ganito ngayon. Kung anu-ano nga kasi ang pumapasok sa isip ko sa mga nakaraang minutong kasama ko si Ardyne nang malapitan.
Bukas na ang recruitment at parang mas kinakabahan pa ako kaysa sa amasona na 'to. Ah, yeah, I should start calling her Ardyne. Pero amasona naman talaga 'to, tsk!
"Ano 'yung tanong mo?" sabi ko agad nang balikan ko siya.
"Kung kailangan bang marunong akong magmotor."
"Marunong ka bang mag-scooter?"
"Not really. So, kailangan nga?" parang nag-aala kaunting sagot niya. May nabanggit nga silang isa itong requirement. Ano nga ba talaga ang gagawin nain sa recruitment at bakit kailangan pa kasing public ang announcement na ginawa namin? We could've just done it our way-privately.
"Tuturuan kita. Nasa garahe pa naman yata 'yung scooter ni Ellen," wala sa isip na sabi ko. Napatitig siya ng husto sa akin.
"Ellen?" agad na tanong niya sabay, "Ah! Nevermind!"
Teka nga, bakit parang namumula ang pisngi niya? Kahit anong gawin niyang pagtatago, nakikita ko parin ang kabuoan ng mukha niya.
So, it isn't just me? Just what is this exactly?
"Lalabas muna ako. Itetext nalang kita kapag nakabalik na ako. Bumaba ka agad sa garahe," sabi ko sabay labas ng susi ng motor ko.
"Iiwan mo ako mag-isa dito sa unit mo?" tumayo siya at tumapat sa akin bago pa ako makalapit sa pintuan.
"Babalik din ako agad. May bibilhin lang ako," sagot ko habang kinakapa ang mga bulsa ko para i-check kong dala ko ang aking wallet.
"Hold it right there," aniya ulit nang tinalikuran ko siya.
"Problem?" medyo naiirita na ako.
"Bakit sobrang pinagkakatiwalaan mo ako agad? I mean, letting me live next door is one thing pero itong iiwan mo ako sa unit mo?" mabilis na sabi niya.
BINABASA MO ANG
HEARTSTRUCK
Teen FictionDahil sa mga hindi inaasahang pangyayari ay napilitan si Ardyne na sumama sa Anarchs, isang motorcycle club na laging pinagkakamalang gang. Because of them, everything Ardyne believed in changed. And the worse part? She fell in love with one of them...