YEOJI DALE
Halos buong araw kong kasama sina Mama at Tito Ferd. Nagsimula kami sa opening ng isang restaurant hanggang sa amusement park—Ma likes the rides. Mas gusto ni Ma ng ganitong 'quality time' with family sa tuwing may day off siya.
Sa huli nga lang ay hindi talaga buong araw ang off nila. Pagkatapos ng mga lakad namin, humiwalay si Tito Ferd dahil pupunta pa siyang Singapore para sa isang business deal. With Ma, well, inihatid ko naman siya sa office niya sa ospital.
"Diretso uwi, Yeoji Dale Co," untag ni Ma habang naglalakad kami sa mahabang hallway.
"Oho," sagot ko lang. Huminto si Ma sa paglalakad para harapin ako. Tumingin pa siya sa paligid para siguraduhing kami lang ang nag-uusap.
"I was wondering, anak, kung bakit hanggang ngayon ay Tito parin ang tawag mo kay Ferd. He's been your 'dad' since you were eight," mahinang sabi ni Ma pero ramdam ko ang frustration sa boses niya.
"Alam ko ho 'yan. I don't call him Dad...as a sign of respect," alanganing sagot ko. Shit, hindi ko naman kasi alam kung paano ipapaliwanag e. I just thought that I'm just not worth it yet—calling him Dad that is.
"Look, anak, you can't keep on thinking na you have all the time in the world to—" huminto si Ma at pagkaraan ng ilang segundo ay nagpatuloy, "Nevermind. Next time, we'll talk about your plans for college. Say hi to the other kids for me and please, stay out of trouble."
She looked worried.
"Thanks, Ma. Bye," simpleng sabi ko bago naglakad pabalik sa elevator.
Komplikado ang buhay namin ni Ma at siguro, ayaw ko lang na bigyan pa si Tito Ferd ng proproblemahin. I'll just leave it at that. I don't want to fucking stress about it.
Pagkarating ko sa labas ng ospital ay inilabas ko agad ang phone ko para tawagan si Ardyne. I have made up my mind—I'm going to give her a deal where we can both benefit. She has her circumstances and she needs a place to stay. I, on the other hand, want to hurt that fucking Lawrence in a way he'll never expect.
Pagkaraan ng ilang ring ay sinagot na niya ang tawag.
"Nasaan ka?" tanong ko agad. Nagulat ako dahil mababang boses ang sumagot sa akin.
"Sino ka naman daw?" tanong ko agad.
"Staff nurse po ako dito sa St. Mark's Medical Center. Kasalukuyan pong walang malay ang may-ari nitong phone—" simula niya pero sumingit ako agad bago pa niya matapos ang kanyang paliwanag.
"Room number?"
"PR 302 po," sagot nito. Mukhang alam ko pa kung sinong staff itong kausap ko. Ibinaba ko agad ang tawag at nagtatakbo sa hagdanana paakyat sa third floor.
Nakita ko si Duncan sa may Nurse's Station na nakahawak parin sa cellphone ni Ardyne at guhit sa mukha niya ang inis.
"Duncan, long time no see," bati ko sakanya nang makalapit na ako. Napatingin at ngumiti agad ang mga staff na nasa station. Hindi naman kasi sikreto na ako ang anak ng nagmamanage sa buong ospital na ito.
BINABASA MO ANG
HEARTSTRUCK
Fiksi RemajaDahil sa mga hindi inaasahang pangyayari ay napilitan si Ardyne na sumama sa Anarchs, isang motorcycle club na laging pinagkakamalang gang. Because of them, everything Ardyne believed in changed. And the worse part? She fell in love with one of them...