Chapter 1

33.6K 449 62
                                    

ARDYNE IAN

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ARDYNE IAN

Paika-ika akong naglalakad sa hallway dahil nababaklas ang takong ng kanang sapatos ko. Natalisod kasi ako sa labas ng school kanina. Nakakainis! Kung kailan ba naman patapos na ang school year? Uniform pamandin ang gagamitin namin para sa nalalapit na closing ceremony.

"Grabe ka Nicky, akala ko nagbibiro ka! Ikaw na talaga ang bagong girlfriend ni Drake Alyanez ngayon? 'Yung president ng Anarchs?" narinig kong sabi ng classmate ko na dumaan.

"Yes! Marami pa kaming pictures, heto o!" puno ng pagmamalaki na sagot ni Nicky sa kasama. Inabot pa niya ang phone niya at kitang-kita ko ang gulat at inggit sa mata ng classmate namin.

Napa-iling nalang ako. Pinsan ko si Nicky at sakanila ako nakatira simula noong nine years old palang ako. Hindi nga lang talaga kami magkasundo. Sa tuwing nasa bahay ako ay nagkukulong lang ako sa kuwarto ko. Lumalabas lang talaga ako kapag kailangan—kailangang maghugas ng pinggan, magpakain ng aso, magluto, maglaba, at iba pang mala-Cinderella na trabaho. Yuck, hindi ako si Cinderella. Hindi ko trip magpaapi ano! Kailangan ko lang magtiis hanggang sa dumating ang oras na puwede na akong lumayo sa pamilya nila.

I will have my freedom sooner or later!

Pagdating ko sa classroom ay kumpulan na ang mga classmates naming babae sa upuan ni Nicky. Naririnig ko parin ang pagbanggit nila sa pangalan ni Drake Alyanez at ng Anarchs. Matunog talaga ang pangalan ng Anarchs sa school namin. Lagi ko rin kasing nadadaanan ang mga pangalan nila sa local blogs at SNS. Hindi ko nga lang maintindihan kung ano ang extraordinary sa mga grupo ng teenagers na iyon. Well, whatever.

Isinaksak ko ang earphones ko sa magkabilang tenga sabay yuko sa desk. Inaantok ako at mukhang wala pa silang balak simulan ang practice dahil sa tsismisan nila. Kung bakit ba naman kasi kailangang lahat kami ay kasama sa presentation ng closing ceremony.

"Ano ang gusto mong itawag natin sakanya, baby?" tanong ng isang malambing na boses. Sino itong nagsasalita? Bakit ang init sa pakiramdam? Bakit wala akong makitang mukha?

"Honeybear!" masayang sagot ko.

"That's a good name, baby!" sabi ng babae. Sino ka?

"Honey, parang ang tawag ni...." The voice faded.

May yumugyog sa balikat ko. Nakatulog pala ako. Umayos ako ng upo para harapin ang gumising sa akin. Ah, si Hannah, ang seatmate ko.

"Hello!" nakangiting sabi ni Hannah sa akin. Nakatayo siya sa may gilid ko.

"Bakit?" tanong ko agad.

"Uhm, mukhang hindi dito ang practice natin," sagot niya agad. Nilinga ko ang buong classroom at kaming dalawa nga talaga ang nandito. Wala narin ang bag ng mga classmates namin. Tiningnan ko rin ang relo ko. Pasado alas diyes na ng umaga!

"Saan naman daw?" Tumayo ako at binuhat ang bag ko. Gusto ko nang matapos ang practice na ito para makauwi na ako at makatulog ng maayos.

"Itinext sa akin ang address. Sabay na tayo ha?"

"Tara na," sagot ko agad. Tumango siya at parang sobrang excited. Sabay kaming umalis ng classroom. Nag-taxi narin kami papunta sa sinabing address. Hindi kami gaanong nag-usap dahil: A) Nag-uusap lang kami kapag naghihiraman kami ng eraser o 'di kaya'y naghihingian ng papel. B) Hindi kami magkaibigan. C) I don't like having friends.

That said, I prefer to be alone. I'm happy that way. Mas sasaya nga lang ako kapag nakaalis na talaga ako sa poder ng pamilya nina Nicky.

"Iidlip muna ako. Pagising nalang," sabi ko agad kay Hannah nang makasakay kami.  

"Sige," tipid na sagot niya. Siguro naman ay alam narin niyang wala din akong balak na makipagkuwentuhan sakanya.

Wala pa yatang ilang minuto ay nakatulog talaga ako.

***

"Dito?" hindi makapaniwalang sabi ko nang makita ko ang kinaroroonan namin. Isa itong open field. Guess what? It's something that's suitable for motocrossing!

"Hindi ka nakikinig sa akin kanina ano?" may bahid ng tampo sa boses ni Hannah.

"Baka nakatulog na ako," diretsong sagot ko.

"Ah. Baka nga. Nagtext sila sa akin na manonood daw muna sila ng laban ng Delkin at TC High. Hindi ba't kilala ang Delkin High dahil sa Anarchs?"

"Ewan ko. Nasaan ang practice? Kung wala din lang practice, uuwi na ako!" matigas na sagot ko. Nakakainis naman 'tong mga classmates ko!

"Pagkatapos daw ng laban e magprapractice tayo sa gym malapit dito." Itinuro ni Hannah ang isang building hindi kalayuan. Malaki 'yun at puwede ngang gym iyon.

"Tsk. Anong laban ba 'yan?" tanong ko nalang. Biglang may naghiyawan 'di kalayuan sa amin.

"Ewan ko rin e. Hindi naman kasi ako fan ng Anarchs. Naririnig ko lang din ang mga pangalan nila sa mga classmates natin. Kung gusto mo, mauna nalang tayo doon sa gym?" suhestiyon niya.

"Mabuti pa nga," sang-ayon ko.  Iyon nga ang ginawa namin. Maalikabok pa dito at malapit na talagang mabaklas ang takong ng sapatos ko!

"May CR kaya dito?" baling ni Hannah sa akin nang makapasok kami sa malaking closed gym. Mukhang private ito. Balak ba nilang sa labas kami mag-practice?!

"Nandiyan lang 'yan sa tabi-tabi."

"Samahan mo naman ako, Ardyne. Please?" makaawa niya.

"Ang tanda mo na para magpasama sa CR," biglang nasabi ko. Dapat ay biro ang labas nun pero seryoso kasi ang boses ko. Sumimangot tuloy siya.

"Ardyne, perhaps, ni minsan ay walang nagtawag sa'yo para magpasama sa CR or vice versa?" gulat na tanong niya.

"Wala."

"Oh, kaya pala. Ang comfort room ay parang isang secret place para sa mga girls. Other than a place to eliminate our wastes. We share our secrets there!"

"Sure. Halika na nga. Hanapin na natin ang CR," sagot ko nalang. I was honest nang sabihin kong wala pang nagpapasama sa akin sa comfort room or vice versa. Why should I? Hindi naman porket babae ako ako ay dapat sundin ko na ang mga stereotypes. I like who I am and I don't care if others don't.

May comfort room sa loob ng gym pero naka-lock iyon. Nang lumabas kami ay may nakita ulit kaming CR at thankfully, it's open.

Habang hinihintay ko si Hannah sa labas ng comfort room ay inilabas ko ang phone ko para makinig muna saglit ng music. Nagulat tuloy ako nang biglang may kumalabit sa akin!

My first instinct was to defend myself. Para saan pa na nag-aral ako ng taekwondo?

---

HEARTSTRUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon