ARDYNE IAN
Maaga akong lumabas para puntahan si Hannah. Habang naglalakad ako sa kalye ay pakiramdam ko, may sumusunod sa akin. Kapag lumilingon nga lang ako, wala akong nakikitang pamilyar na mukha. Ugh, napaparanoid lang siguro ako.
Sa coffee shop ng isang open open-air mall kami nagkita ni Hannah. I really need someone to talk to and she's the best that I have right now. I'm more than willing to admit that I already trust her. She's been really there for me without any questions—which kind of reminds me of Yeoji.
"Nagulat ako nung nagtext ka. May problema ba sa bagong tinitirhan mo?" tanong niya agad nang maupo ako sa harapan niya.
"Problems, yes. New place, nothing really," sagot ko. Ibinigay ko ang order ko sa waiter na lumapit bago kami nagpatuloy ni Hannah.
"Kailangan ko ng uhm...advice mo," mahinang sabi ko.
"Ng ano?" inilapit niya kaunti ang kanyang mukha.
"Advice...about things..." I can barely say the right words!
"Ah! Advice! Okay, go on Ardyne. I'm all ears!" masayang sagot niya. Tumingin ako sa paligid. Paano kung nagkalat pala dito ang Anarchs fangirls?
"Not here. I-take out nalang natin ang mga kape natin."
She agreed and we decided to walk to a nearby amusement park. Medyo maraming tao pero nakahanap kami ng puwesto na tahimik at walang masyadong dumadaan. Ugh, pero nandoon parin 'yung pakiramdam na parang may sumusunod o nanonood sa akin.
"Ardyne?" tawag pansin ni Hannah sa akin. Napansin niya yatang lingon ako nang lingon.
"Sorry. It's about my family and these boys..." I started. Sinimulan kong ikuwento ang lahat sa araw na una kong nakilala si Yeoji. Siyempre, naalala niya rin ang araw na 'yun dahil magkasama kaming pumunta sa motocross field ng Anarchs. Naging maingat ako noong una pero hindi ko namalayan ay naging mas specific ako ng specific pagdating sa Anarchs at Niners. Mabuti nga at 'di ko nabanggit ang issue ni Drake at Chloe. I talked a lot about my family problem too.
Nakinig siya sa kabuoan ng kuwento. Nagtatanong lang siya kapag nalilito siya sa mga pangalan nila.
I didn't know venting out on a comfortable environment and to a person is this great. Parang natanggalan ako ng tinik sa dibdib.
"First, thanks for sharing Ardyne. I'm really glad. Napansin ko na nahihirapan ka na and I wanted to ask you to rely on me more pero I didn't want to push you. I'm really glad I have you as a friend. Loner for a loner I guess!" unang komento niya. Pinapaypayan niya pa ang kanyang mga mata.
"Huy, huwag kang umiyak!" pigil ko sakanya. "Tsaka paano ka naging loner?"
"Oo nga at marami akong nakakausap na classmates natin pero siyempre, iba parin 'yung may mga nakakasama ka sa overnights, which we did already, heart to heart talks, we're doing it now, and or celebrate birthdays with them, you again," nakangising sagot niya.
BINABASA MO ANG
HEARTSTRUCK
Novela JuvenilDahil sa mga hindi inaasahang pangyayari ay napilitan si Ardyne na sumama sa Anarchs, isang motorcycle club na laging pinagkakamalang gang. Because of them, everything Ardyne believed in changed. And the worse part? She fell in love with one of them...