Chapter 31

5.8K 144 12
                                    

ARDYNE IAN

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ARDYNE IAN

"Sasabihan ko lang si Nicky," paalam ko kay Rence bago ako tumungo sa ramen shop. Kasama na niya si Hannah at komportable silang nagkukuwentuhan patungkol sa mga countries na gusto nilang mabisita.

I didn't really imagine that this day would come. Kaming tatlo ang magkasama kanina sa enrollment at nanood pa kami ng sine bago pumunta rito. Sa amin dumikit si Nicky dahil umiiwas siya sa mga classmates namin. Siya kasi ang pinag-uusapan nila dahil kay Drake.

I'm not sure if Nicky's always been this away. I have only minded my self before.

Naabutan kong naka-abang si Nicky sa may entrance ng ramen shop. Agad siyang tumakbo para lapitan ako. Hindi ko pa naipapaliwanag sakanya kung bakit naging ganito kakomplikado ang lahat. I need more time to prove that I can trust her as much as I do with Hannah right now.

"Nandito na ba si Hannah?" tanong ko sakanya.

"She's on her way. Hey, bakit ka kinausap ni Lawrence?" nag-aalalang tanong niya.

"I know him. May pupuntahan lang kami saglit ni Rence. Mauna na kayong kumain. Didiretso nalang ako sa boarding house if mapatagal kami," paliwanag ko.

"What?! No! There's bad blood between Anarchs and Niners. You will be Lawrence's pawn to get to Anarchs!" frustrated na sabi nito.

Natawa tuloy ako. Kung alam lang sana niya.

"Hey, anong nakakatawa?!" sigaw niya tuloy.

"Kilala ko si Rence since middle high."

"How so? Higher year kaya natin siya!"

"Basta. Saka ko na ipapaliwanag. He won't hurt me," kalmado kong sabi. I strongly believe that he won't. He sounded and looked sincere earlier. I want to end this too.

"How sure are you?"

"Don't worry, I can handle this," matigas na sagot ko. She stomped her feet on the ground.

"I know you can be really really tough but this... Ardyne naman!"

"Huwag mong tatawagan si Drake or Kendal. Alam kong katext mo si Kendal."

Agad na namula ang mga pisngi niya. Oh yeah, Kendal and Nicky? What a recipe for disaster!

Inabot ni Nicky ang bag ko. "Hihintayin kita sa boarding ninyo. If you're not back by nine, I'm calling Kendal. I want to talk to you about something."

"Okay."

Umalis ako at binalikan si Rence sa parking lot. Inabot at ipinasuot niya sa akin ang isang helmet. Inubos niya muna ang kanyang yosi bago kami umalis. I don't even know if to where.

Uhm, of course "ARDYNE, THIS IS REALLY STUPID" is resonating in my brain right now. For sure, kapag nalaman ito ng Anarchs, magagalit sila. I feel like they really want to protect me. But I'm doing this to protect them too. Lalo na para kay Yeoji.

HEARTSTRUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon