Chapter 42

3.7K 107 6
                                    

ARDYNE IAN

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ARDYNE IAN

"Yup, promise, pupunta ako," pang-ilang ulit ko nang sabi kay Nicky. Bukas na kasi ang engagement party nila ni Kendal. Hanggang ngayon nga ay hindi parin ako makapaniwala!

'Sabi mo 'yan ha? Kapag di ka nagpakita, hindi kita ipapakilala sa baby namin,' aniya.

"Opo. I have already booked my flight and filed for leave. Three days pa. See?" natatawang sagot ko.

'Good, I'll see you then. Tawagin mo rin si Ate Cad if available siya.'

"I'll try," sagot ko. Nagpaalam na kami sa isa't-isa dahil marami pa raw silang aayusin doon.

After I finished my Flight Attendant Training, I got a decent job. Sa isang commercial airway ako nagsimula for three months. I got to travel around the country! Doon ko nakilala si Ate Cad. Mas matanda siya ng tatlong taon sa akin. At that time, nag-quit siya sa airway dahil natanggap siya bilang stewardess ng isang private jet company.

Nang minsan na kinakilangan ni Ate Cad ng kasama sa flight dahil bigla nalang nag-quit ang kasama niya, ako ang tinawag niya. The company liked me that's why after finishing my six month contract with the commercial airway, sumama ako kay Ate Cad. And oh my God, I got to see the most beautiful cities I have dreamed off! Isa pa, ang ganda rin ng benefits!

I made it, you know? I became a better person. Napadalang nang napadalang ang pagkikita namin nina Polly at Hannah, kasama narin ang Anarchs boys. Even if they're not obligated, they felt embarassed that they don't know anything about what happened to Yeoji. The internet didn't serve me well too. May ilang articles akong nakita patungkol sa Dad ni Yeoji pero 'yun na 'yun.

Pero sigurado akong may alam sila. Dahil napagod na ako sa kakahintay at kakatanong, I just let go. But from time to time, it still bothers me.

I still wear the sweatshirt he gave that one summer in high school.

Nawala ako sa pagmumuni-muni nang kantang nag-play mula sa likuran ko.

And it's hard to love again,
When the only way it's been,
When the only love you knew,
Just walked away...

Nilingon ko si Ate Cad. Nakangisi siya habang pinagamasdan ang reaksyon ko. Dito muna natutulog si Ate Cad ngayong gabi dahil hindi na niya kinayang umuwi kahapon dahil sa sobrang pagod at jet lag. Kahit ako, medyo masakit parin ang ulo. We just had a round trip flight to New Zealand the other day.

"What's with that song?" medyo iritadong sagot ko. Uhm, the lyrics was kind of spot on. Kind of. I mean..I haven't been in love since Yeoji.

"Napakinggan ko kasi kanina sa radyo at ikaw agad ang naalala ko!" masayang sabi niya. Nagsalin siya ng gatas sa dalawang baso. Tumayo ako mula sa kitchen island stool at pumunta sa veranda para mag-yosi.

"Bakit naman?" tanong ko mula sa labas.

"Hello? Obviously?"

"Ano nga?"

HEARTSTRUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon