YEOJI DALE
Nilapitan agad ako ni Drake nang makita niya akong nagpaparada ng motor. Ngayon palang kami magkikita at 'di kagaya nina Chris, Sen at Dylan, hindi siya dumaan sa apartment ko para tingnan kung napuruhan nga ako.
"Gusto mo rin bang bawian sina Lawrence kagaya ng nasa isip ng tatlong 'yun?" simula niya. Halos sabay kaming nagsindi ng yosi.
"Oo, pero sa ibang paraan," sagot ko. Kumunot ang noo niya.
"Sa hindi pisikal na paraan ang ibig mong sabihin? Ah, so he said something stupid again," aniya. Bumalik tuloy sa isip ko ang tanginang pagmumukha ni Lawrence habang sinasabi niya ang mga bagay na 'yun kay Ardyne.
Now that I think about it...
"He crossed a line he shouldn't have. Mukhang alam ko na kung paano siya babawian."
Nagulat si Drake sa sinabi ko. Ha! Mukhang alam nanaman niya kung ano ang nasa isip ko. Sa ngayon, kahit alam kong may pagtingin si Drake kay Ardyne, mas nangingibabaw talaga ang kagustuhan ko na bawian si Lawrence.
"I had a thing in mind too," aniya saka naunang naglakad papunta sa loft. Sumunod din naman ako agad. Nadatnan namin ang tatlo na nag-uusap sa kung paano namin mababawian ang Niners.
"Lima lang tayo pero kumpara sa kaya nating gawin, walang-wala sila," mapagmalaking pahayag ni Sen nang makita niya kami ni Drake.
"Stop making lists," bumuntonghininga si Drake.
"Tatlong araw na ang nakakaraan, Yeoj. May plano ka na ba?" sabi naman ni Dylan.
Bago pa ako makapagsalita ay tumunog ang phone ko. Hindi ko sana ito papansinin kaso lang nang makita ko ang pangalan ni Ardyne sa display, agad akong gumilid para sagutin ito.
"Buhay ka pa pala," sabi ko agad.
"Nandito ako sa restaurant sa may complex ninyo. Hihintayin kita," sabi niya at ibinaba na ang tawag. What the heck!
Binalikan ko ang apat at hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila parang sobrang hyper ni Sen. "Anong nangyari? Saglit lang ako nawala," sabi ko sa kanila.
"We're recruiting girls, men!" bulyaw ni Chris. Nakangisi si Drake sa gilid habang nakahawak ng isang bote ng beer samantalang umiiling-iling naman si Dylan sa tabi (pero halata namang masaya rin).
"Muse. Just one," baling ni Drake sa akin. Anong nasa isip niya? Teka, pareho kami ng iniisip na paraan para mabawian ang Niners. Iyon nga lang ay sa magkaibang paraan. Kapag naging 'old lady' ng grupo si Ardyne, ibig sabihin ay dapat namin siyang protektahan. Using Ardyne against Lawrence isn't technically protecting her.
Kadalasan sa isang motorcycle club, 'old lady' ang tawag nila sa mga girlfriends or asawa ng miyembre. It's almost translated as 'property of' pero kahit na ganoon, miyembro at isa parin siya sa club members. She should be someone we trust.
BINABASA MO ANG
HEARTSTRUCK
Teen FictionDahil sa mga hindi inaasahang pangyayari ay napilitan si Ardyne na sumama sa Anarchs, isang motorcycle club na laging pinagkakamalang gang. Because of them, everything Ardyne believed in changed. And the worse part? She fell in love with one of them...