DRAKE
"Kailangan ba talaga natin 'to?" tanong ni Dylan habang inaabot niya sa akin ang isang USB. Pina-background check ko kasi si Ardyne. I'd do it myself but I'm not that of a 'hacker' like Dylan.
"For safety," sagot ko.
"It's not like we're hiring a secret agent," mahinang sabi niya. Personal niyang dila ang USB dito sa hotel na tinitirhan ko. Sinabi ko sakanya na dapat ay hindi niya ito banggitin sa iba. I'm the pres technically so I kind of have the right.
Nah, those are just reasons. Somehow, I'd like to get closer to her even if it means using some inside information.
"It's fucking invading her privacy. Hindi ko rin nagustuhan ang ilan sa mga nalaman ko. Sa tingin ko ay may mga bagay sa buhay natin na dapat nating itago sa sarili natin," seryosong sagot niya. Mas lalo tuloy akong nacurious.
"Para rin ito sakanya," simpleng sabi ko.
"Sure," tipid na sagot niya. Halatang hindi siya kumbinsido. Inibos niya ang lamang juice ng baso niya saka siya tumayo.
"Bago ka umalis, gusto ko lang itanong. Ikaw ba ang nagrereport kay Kendal sa mga nangyayari sa club?" tanong ko. Hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha niya.
"Yeah. Para sa atin," sagot niya bago tuluyang naglakad at umalis. Not so much of any other explanations, just that.
Alam kong hindi lang simple ang rason kung bakit bumalik si Kendal. Para sa aming lahat ay importante ang club. Dito namin nabuo ang samahan namin. We've been there through thick or thin. We've been each other's wall when no one would so it's not that easy to just watch it fall apart.
We're like a ticking time bomb and we just need someone to turn off the switch safely. If that's even possible. Alam ko naman kung bakit talagang nag-aalala si Dylan at kinailangan pa niyang tawagin si Kendal.
Nagdesisiyon akong buksan ang USB. Iisang file lang ang laman nito. Ang unang pahina ng PDF file ay ang personal bio ni Ardyne na mukhang galing sa file ng Sta. Caterina. I see, hindi pala ang mga magulang niya ang kanyang guardian—which matches Nicky's statement that day at the mall. I scrolled past it.
Ang mga sumunod na pahina ay patungkol sa phone number, e-mail address, social networking site profiles at current address niya. Siyempre, hindi na ako nagulat na address ni Yeoji ang nandoon. Kaso lang, ibig sabihin nito ay alam narin ni Dylan na doon nakatira si Ardyne. Ang pinaka-nagulat ako ay sa huling parte ng file. Mga medical records ito: one a death certificate for her dad and the other was her for her mom who's in a mental facility for years now.
Ano nga ba ang kuwento ng buhay niya? I want to know.
Kinuha ko ang susi ng motor ko at agad na bumaba sa parking lot. In an hour or so, nasa malapit na ako sa complex nina Yeoji. Hindi ako pumasok doon. Instead, I dialed her number.
BINABASA MO ANG
HEARTSTRUCK
Novela JuvenilDahil sa mga hindi inaasahang pangyayari ay napilitan si Ardyne na sumama sa Anarchs, isang motorcycle club na laging pinagkakamalang gang. Because of them, everything Ardyne believed in changed. And the worse part? She fell in love with one of them...