ARDYNE IAN
Akala ko'y kami lang ni Tito ang mag-uusap ngayong umaga. Hindi ko inasahan na kasama namin si Tita Margaret at Nicky. Mula sa labas ng restaurant ay tanaw ko silang tatlo na masayang nagtatawanan habang kumakain ng pancakes.
Nag-alangan akong pumasok pero gusto kong matapos na ito. Isa pa, baka kung anu-ano na ang sinabi nila kay Tito Samuel patungkol sa nangyari.
"Good morning," pilit na bati ko sa lahat nang makatapat ako sakanila. Namutla agad ang mukha ni Nicky. Tita looked irritated—really not surprising.
"Upo ka hija. Kumain ka na ba?" sabi ni Tito. Ang bakanteng upuan lang ay ang sa tabi ni Nicky kaya doon ako umupo.
"Samuel, bakit naman nandito ang batang ito?" hindi napigilang sabihin ni Tita Margaret.
"Hon naman, gusto ko lang malaman kung ano ba ang talagang nangyari at naglayas itong si Ardyne. Isa tayong pamilya kaya't dapat ay sama-sama nating nilulutas ang problema," kalmadong sabi ni Tito.
Ano daw? Naglayas ako? Sabi na e, iba nanaman ang pinalabas nila.
"P-Papa, naglayas si Ardyne dahil sinuntok niya ako sa school. Sinabi ko naman sa'yo 'di ba? Ayaw na ayaw sa akin ni Ardyne?" mangiyak-iyak na sabi ni Nicky sa tabi ko.
Oh. My. God.
"Tito, puwede bang tayo muna ang mag-usap," singit ko bago pa mapatungan nang mapatungan ang mga kasinungalingan nila.
"Hindi. Kami muna ni Samuel ang mag-uusap," pagalit na sabi ni Tita. Walang nagawa si Tito kundi sundan si Tita na padabog na nagmamartsa papunta sa office.
"Bakit ka pa bumalik?" sabi agad ni Nicky sa akin nang kami nalang ang naiwan.
"Wala akong balak na kunin ang simpatya ni Tito—di kagaya mo na kailangan pang magsinungaling para lang maisalba mo 'yang pride mo." Diretso ko siyang tiningnan. Kailangan kong pigilan ang urge na suntukin siya!
"Right. So, nandito ka para? Let me guess, humingi ng pera? Hindi porket napunta kay Papa itong business ng mga magulang mo ay may karapatan ka nang manghingi ng pera. Sapat naman na siguro ang halos sampung taon para mabayaran nina Papa ang utang na loob nila sa'yo," walang tigil na sabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?" I demanded. She's not making any sense to me pero parang siguradong-sigurado siya sa sinasabi niya.
"W-wala. Pupunta lang ako sa...comfort room..." dali-dali siyang tumayo at umalis.
What did Nicky mean? My parents? What about them? Wala akong maalala ni isa patungkol sakanila—just some weird dreams and shadows. I don't even remember myself asking about them.
Bakit nga ba?
"Ardyne," tawag ni Tito sa akin. Hindi ko namalayan na nakayo na silang dalawa ni Tita Margaret sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
HEARTSTRUCK
Novela JuvenilDahil sa mga hindi inaasahang pangyayari ay napilitan si Ardyne na sumama sa Anarchs, isang motorcycle club na laging pinagkakamalang gang. Because of them, everything Ardyne believed in changed. And the worse part? She fell in love with one of them...