Prologue

3.3K 151 249
                                    

This is just a Normal day to us Wattpadians and I'm currently sitting in one of benches in the garden.

I giggled when I read the ending lines of this story. I hope I have a happy ending too.

Impossible. You're too obsessed with Fictional Characters.

"Hoy, kanina ka pa ata nandyan sa bench! Magti-time na!" Napaangat agad ang tingin ko at mabilis na sumimangot ng makita ang boybestfriend kong sabog palagi.

"Pwede ba, Fred! Sinisira mo ang magandang ending na kakabasa ko lang!" asik ko at umerap sa 'kanya bago tumayo at ipasok ang phone ko sa bulsa ng palda.

"Aba'y kung gusto mo bumagsak bilang Dean's lister ay hindi na kita papaekelaman pa!" asik nya na parang magulang ko at inirapan din ako.

Napanguso ako at ilang beses syang gusto sunugin sa panaginip ko.

Napaangat ang tingin ko pero kalaunan ay natawa rin ng makitang tumama sa 'kanya ang ginagamit na bola sa basebell. Maliit man 'yon pero masakit pa din. Masakit pa din talaga ang hindi magbasa ng Wattpad!

Kung pwede lang ako mag stay sa kwarto ko at magbasa ng maraming storya sa isang araw lang ay ayos na ako! Bakit kasi kailangan mag aral pa, eh, mamatay naman!

Okay, back to the situation.

Mabilis akong napahawak sa tiyan ko habang tumatawa ng malakas. Napahawak si Fred sa mukha nya at ilang beses na napamura na tila akala mo ay curse machine.

"Pasensya na po!" Mabilis na ngumiti si Fred sa lalaking may hawak ng baseball bat.

"It's okay! Scratch lang naman!" mabait n'yang wika sa lalaki at ilang beses pang tinapik ang ulo nito na para itong nakakabatang kapatid nya. Inabot nya pa doon sa lalaki ang bola.

"Maraming Salamat!" Ilang beses pang nag bow ang lalaki bago tumalikod kay Fred at umalis para sa practice nito.

"Plastic!" Pang iinis ko sa 'kanya pero umerap lang sya at ilang beses na napahawak sa pisngi nya na namumula.

"Wait, patingin ako," I said. Inilagay ko ang kamay ko sa pisngi at tiningnan 'yon. Nakatingin lang sa mata ko si Fred habang hinihimas ko ang pisngi nya.

"Aray! Putangina!" Napamura kaagad siya ng bigla kong sampalin ang namumula nyang pisngi. Napabitaw ako at mabilis na tumakbo palayo sa lalaking 'to.

Nang makapasok sa Classroom ay agad hinanap ng Mata ko si Yasmin.

Inayos pa nito ang Salamin niya at mabilis na tiningnan ang phone n'ya na akala mo ay nanood ng R18 na palabas.

"Boo!" Panggugulat ko sa 'kanya pero tumingin lang sya sa 'kin na tila ay bored na bored sa buhay kaya naupo na lang ako katabi n'ya.

"Manahimik ka dyan. Kakapanood ko lang ng Yarichin B Club," wika n'ya at tinago ang phone nya sa Bag pero kumunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Ano 'yon? Barilan?"

"Hindi, Bold."

Lumawak kaagad ang mata ko ng marinig 'yon at ilang beses nag pray dahil nasa Eskwelahan kami pero nagawa nya pa din manood non!

"Akala mo naman ay hindi nagbabasa ng R18 dito. Marami kang binasang R18 dyan sa Wattpad mo," Balik niya sa 'kin kaya napanguso ako dahil totoo naman.

"Hayop ka talaga, Nashira Mabel!" Napaangat ang tingin ko ng makita si Fred na may benda sa pisngi kaya natawa agad ako ng malakas.

"Ano 'yang nasa pisngi mo? Props lang din ba 'yan?" tanong ni Yasmin kay Fred na akala mo ay hindi ito sikat sa school.

"No! Natamaan ako ng bola at kamay ni Nashira!" asik nito at mabilis na ngumuso kay Yasmin.

"Ah, nung nakaraan kasi may benda ka din sa braso tapos sabi mo props lang 'yon dahil hindi ka nakapasok ng isang lingg--," Natawa kaagad ako ng takpan ni Fred ang bibig ni Yasmin at tiningnan ito ng masama.

Hindi kasi pumasok si Fred nung nakaraan week at buong week pa ang kinuha n'ya kaya nagkunware syang na-ospital na lamang para may excuse.

"Okay, Class settle down," wika ng Professor kaya natahimik agad ako at umupo ng maayos.

Nagsimulang mag discuss ang teacher tungkol sa course namin. Kahit hindi naman ako nakikinig ay naiintindihan naman ni Yasmin kaya okay lang.

Sa 'kanya lang naman ako nangongopya. Syempre joke lang 'yon. Dean's lister ako! Isa sa meron na mataas na grade!

Oh, 'di ba? At least kahit nagbabasa ako ng Wattpad at nagpupuyat don, at least mataas ang grades ko.

Hindi katulad ng iba dyan.

"I hope you learn a lot in my discussion. Class dismissed," Napaigtad ako ng marinig kaagad 'yon. Ang bilis naman ata? Iniisip ko lang kung sino ang pipiliin ko sa daan daan na asawa ko sa Wattpad.

"Hindi ka na naman nakikinig, tsk," asik ni Yasmin sa 'kin kaya napanguso kaagad ako.

"Sa tingin mo sino mapapangasawa ko kay Ace craige at Jeydon lopez?" tanong ko ng makatayo sa upuan. Mabilis na umerap si Yasmin.

"Wala, Hindi naman sila totoo," sagot nito kaya kunware ay nasaktan ako at tumakbo palayo sa kanya.

"You hurt my feelings!" I shout as I ran away from her.

I went to the bench again to start reading another story but I stopped in the midway when I see a two choices appeared in front of me.

My eyes widened when I read the context of question.

"H-hindi naman 'to joke 'di ba?" I asked while looking around but to magic, there's no students here.

"Will you enter the Wattpad World? Accept or Decline?"


I gulp while looking at the question. Is this my chance to see my husbands? Pero paano kapag napasok ako sa mga kalaban at isa ako sa mga boss nila at kailangan akong patayin nina Aemie or Zeke o ni Bullet, ni Knight or ni Sweet Monday? I quickly shake the thoughts in my head before reaching the right answer.

Accept.

Biglang lumiwanag kaya agad akong nagulat, kaunti unti nagbabago ang paligid at napapalitan ito ng kulay puting ilaw na akala mo ay kukuhanin na ako ng Dyos. Kalaunan ay nawalan ako ng malay.

Nang magising ay nakahiga ang ulo ko sa desk habang bukas ang vanity lamp.

Kinusot ko ang mga mata ko habang tumingin tingin sa paligid.

It just normal room. Is this a Condo or Apartment? Where am I?

My eyes darted again to the table and I stop before grabbing the card saying.

"Welcome to the Wattpad world, Ms. Nashira Mabel."

Entering The Wattpad WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon