Paglalayag - XXXIV

28 4 0
                                    

November 3, 2021

Say Out

[95] Yung last part! 😭 Another unexpected ending. Akala ko naman ano. Wala na. Wala na naman akong masabi sa ending ngayon. Ano na naman 'to, Damon? Bakit naman gano'n? Si Sin... 😭 Wala akong masabi! Putek. Akala ko talaga... Grabe pa naman galit ko do'n. 'Tapos gano'n pala.


[96] Mayroon ka na namang kinawawang character. Grabe akala ko talaga mamamatay si Felicity do'n! Putsa. Akala ko siya! Grabe! All claps are on you talaga! A whole round of applause. 👏🏻 Feeling ko need ko sabihin 'to sa 'yo ngayon tuloy. Kagabi ko lang naisip.

[97] Tuwing binabasa ko 'yung mga gawa mo ngayon, hindi ko na maiwasang ma-amaze sa 'yo palagi. Going back doon sa mga convo stories era mo, doon pa lang na-hook mo na ako. Hindi naman kasi talaga ganoon kataas ang standards ko sa mga stories noon pero nakuha mo pa rin ako dahil sa mga relatable na memes at jokes. Lahat ng characters sa mga convo stories mo grabe 'yung impact sa akin. Hindi ko nga akalaing magiging fave writer kita up until now, e. Akalain mo 'yon? Nandito pa rin ako. HAHAHAHA.

[98] Pero wrapping all up, napakagaling mo! Wala akong masabi dahil grabe 'yung mga improvements mo. Kapag naglalabas ka ng new story, napapahanga mo 'yung mga readers mo. Kahit na madalas hindi namin ine-expect 'yung ending (pwede ko ring sabihin na palagi), napakaganda pa rin ng plot. Hindi nawala sa 'yo 'yung salitang improvement. Sabi nga nila, the only thing that's constant in life is change. Nagbabago ka man pero for the better. Kaya favorite na favorite kita, e. You're the best writer for me.

[99] Gusto ko ring sabihin na sobra akong proud sa 'yo. Nakita ko kung paano ka magsimula sa journey mo in writing at kung paano ka nag-improve. Mas nadadala ako ngayon. I'm sure na gano'n din ang naramdaman ng mga bago mong mambabasa. Nakikita ko na hindi sila nadi-disappoint sa mga gawa mo kasi kung magaling ka na dati, mas gumaling ka pa ngayon. Dati nagp-promote ka pa, ngayon sila na ang kusang lumalapit. Congratulations, Damon! You've been this far because of your amazing talent!

[100] Don't worry 'di naman ako magpapaalam. Lagi pa rin akong magbabasa ng mga gawa mo kahit na may pag-asang 'di mo na ako maalala o hindi mo man nababasa 'yung mga message ko para sa 'yo. Proud ako sa narating mo ngayon (an' dami mo nang readers, nakakaiyak!) kahit isa ka lang sa maraming writer sa FB. Give yourself a tap. Padayon!

folded papers from far awayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon