Pagsisid

34 5 0
                                    

"Huy!"

Agad napawi ang mga isipin ko mula sa malayong pag-iisip nang makarinig ng boses mula sa gawi ng pinto ng kwarto ko.

Naroon ang pinsan kong hubad at tanging boxer lang ang suot. Nakatayo siya habang hawak-hawak ang doorknob. He uses his other arm for his support, leaning to the doorframe.

With his wrinkled forehead, he looked at me intently. "Ano bang p*rn video ang napanood mo't ganiyan ka makangiti diyan? Sabi na nga ba't nasa dilim ka, e," diretso nitong sabi.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Ano bang pinagsasasabi mo diyan? 'Di ako nanonood ng p*rn!" bulyaw ko rito.

Idadamay niya pa ako sa mga kagaguhan niya sa buhay.

"O, e, ano? May nagbigay sa 'yo ng n*des?" tanong niya bago kumawala sa pwesto niya at bitawan ang doorknob. Hinampas niya ang switch ng ilaw sa pader bago lumapit.

Bwisit! Sabing 'di sanay ang mata ko sa big lights. Ba't ba kailangang mambigla?

"Patingin nga!" He immediately sat on my bed, beside where I am.

Hahablutin na sana niya ang cellphone ko pero agad ko iyong naiiwas. Iniisip ba talaga nitong gagong 'to na nagpapa-send ako ng mga n*des?

"Ano ba?!" irita kong tanong sa kaniya. "Ano bang kailangan mo? Ba't ka ba nandito?"

Tinaasan niya ako ng kilay bago ako tingnan papunta sa cellphone ko nang paulit-ulit. "Ginatekeep pa talaga. 'Kala mo naman wala ako niyan. Ikaw pa bigyan ko, e."

Sumandal siya sa headboard ng kama at pinagkrus ang dalawang braso.

"Hindi 'to n*des, okay? Hindi rin 'to p*rn!" bulyaw ko rito.

Napahawak naman siya sa tenga niya. Bahagya pa siyang napalayo sa akin habang nakakunot ang noo. "Ba't ka ba masyadong guilty?"

"Hindi ako guilty!" Ano bang kailangan ng lalaking 'to?

"Oo na! Oo na!" pagsuko nito. He even put both of his hands in the air, signaling a surrender.

Mabuti naman dahil nauubusan na ako ng pasensya.

"Anong kailangan mo?" muli kong tanong. Pabawas na ng pabawas.

"Wala lang." Muli siyang sumandal at hinagis ang kumot para ma-cover-an ang mga binti nito.

"Pinaglololoko mo ba ako?" Inis akong humarap sa kaniya na ngayon ay inaayos na ang unan sa pwesto niya at handa na yata humiga.

"Apollo, lumabas ka na nga kung wala kang kailangan!" sambit ko pa uli.

Napahinto siya saglit at tumingin sa akin. "Alam mo? Kanina ka pa sigaw nang sigaw. Gabi na, o!" Itinuro niya ang bintana.

"Bakit ka ba nandito? Kung hindi lang din naman makatarungan ang sagot mo, umalis ka na," kunot pa rin ang noo pero sinubukan kong 'wag nang sumigaw.

Pasalamat ang taong 'to at mas may kontrol na ako ngayon sa sarili ko.

Hindi ko rin kasi talaga maintindihan ang isang 'to. Minsan hindi mo mahagilap dahil kung saan-saan nagpupunta at kung sino-sino ang nilalandi, minsan naman bigla-bigla na lang susulpot rito sa bahay namin at kung ano-anong kabalastugan ang gagawin.

"Wala ka bang babae ngayon at ako ang ginugulo mo?"

Pinatunog niya ng isang beses ang dila. "Kailan pa ako nawalan ng babae?" Ngumisi pa ang gago.

Napakababaero talaga. Hindi na nagtino.

"Ba't ka nandito? Ba't ako ang binubulabog mo?"

"Ba't ka ba galit? Lagi naman akong nandito, a?"

folded papers from far awayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon