Pahina I

26 4 0
                                    

· · · · ·

Pagtatapos ni Venus sa High School
karagdagang pahina

Humarap ako sa salamin at saka inayos ang butones ng polong suot-suot. 

"Naks naman, sa'n lakad natin?" 

Napatingin ako sa repleksyon ng lalaking nagsalita sa salamin bago ngumiti rito at magpatuloy sa pag-aayos.

"Graduation," simple kong sagot dito bago talikuran ang salamin.

"Sino'ng kasama mo? Wala sila tita at tito, ah," nakakunot ang noong tanong ulit ni Apollo na kakamot-kamot pa sa ulunan nito. Paano'y nang gumising ako ay sumunod na rin sa akin kahit na alas tres pa lang.

Natawa ako sa sinabi nya bago napailing-iling. "Graduation ni Ven, hindi akin."

Nakaawang ang mga bibig syang tumangu-tango sa akin. "Saan ba 'yun? Baka hanapin ka sa'kin."

"Don't worry, nagpaalam na ako kagabi."

Tiningnan lamang nya ako ng mariin bago ibinalik ang atensyon sa cellphone nito.

Kinuha ko ang bag ko sa may sofa at saka iyon isinukbit sa aking likuran. Tinapik ko ang balikat ni Apollo upang makuha ang atensyon nito bago ako sumenyas na aalis na ako.

Ngayon ang graduation ni Ven at proud na proud ako sa kanya. Ngayon lang magkakaroon ng ganitong face to face graduation sa eskwelahan nila magmula nang magsimula ang COVID kaya naman nangako ako na pupunta ako kahit na ano'ng mangyari.

Maaga kong inasikaso ang mga requirements ko at mga deadlines nang maaga para lang makapaghanda sa graduation nya. I don't want to just make excuses to go to her graduation. Masyado kasi syang mahalungkat, malalaman at malalaman nya pa rin. Mapapagalitan na naman ako.

Up until now, I am still courting her at wala akong reklamo kahit na matagal na. Hihintayin ko sya kahit ano pang mangyari. 

Sabi sa akin ni ate na 'wag daw akong masyadong umasa dahil pwede pa rin daw akong i-reject ni Ven kahit ilang buwan at taon akong nanligaw. Wala naman akong angal doon. Si Ven naman talaga ang magdedesisyon kung sasagutin nya ako o hindi.

Pero syempre, hindi ko rin naman mapipigilan ang sarili kong umasa. 

Malayo ang bahay nila Ven sa amin. I am currently living in Marikina with my parents while she's living in Gapan City sa Neuva Ecija.

Kaya nga maaga akong umalis sa bahay ngayon dahil gusto kong makita syang umakyat sa stage nila at kunin ang medalyang pinaghirapan nya. I want to capture that very special moment. 

Umabot ng halos tatlong oras ang byahe ko gamit ang kotseng hiniram ko kay dad. Mabuti na lang talaga at may lisensya na ako. Kung hindi ay hassle.

Alas syete na ako dumating sa eskwelahan nila at dahil nga hindi pa ako pamilyar sa lugar ay nahirapan akong hanapin sya. 

Gusto ko syang sorpresahin na narito na ako kaya hindi ko sya matawagan. An' dami kong pinagtanungan na mga estudyante rin kung kilala ba nila si Ven pero wala ni isa sa kanila ang nakakakilala sa kanya.

Is this for real? Bakit walang nakakakilala sa kanya dito? Dito ba talaga sya nag-aaral?

Tila binulabog ng kaba ang dibdib ko at nagsimula ang pagtatambol noon. 

folded papers from far awayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon