stigma
- choi san au
(hades x calista)· · · · ·
part one
"Ate, pwede ba akong humingi ng isang tulips?"
"Cara, paninda natin ang mga bulaklak na narito. Wala na tayong maibebenta kung lagi ka na lang hihingi," paliwanag ko sa kapatid habang inaayos ang mga bulaklak sa mga kahon na lalagyan nito. "Mukhang maraming tao ngayon at pista. Kapag nakabenta tayo ng marami, iyong matitira ay ibibigay ko sa 'yo."
"Gusto ko po 'yung tulips, Ate," nguso pa nito.
Napa-buntonghininga ako sa sinabi ng kapatid. Kaya ko nga iyon sinabi dahil ayaw kong mangako na mabibigyan ko siya ng tulips. Marami kasi ang may gusto noon at palaging iyon ang nauunang maubos.
Pero makaka-hindi pa ba ako sa kapatid ko?
"Oo na, sige na. Kumuha ka na nga ng isa riyan. Wala na akong utang sa 'yo, a?"
Agad na nagliwanag ang kaniyang mga mata at pinagsalikop ang mga kamay. "Opo, Ate!" Agad siyang humugot ng isang tulips at tiningnan iyon na para bang may hawak siyang isang diyamante. "Thank you, Ate! Kaya love na love kita, e!"
Hindi ko naman napigilan ang pagngiti sa kasiglahan ng kapatid ko. Napailing na lamang ako at bumalik na sa ilalim ng tent para ayusin ang mga nakakalat na gamit sa pwesto namin. Mamaya ay dadagsa na ang mga tao.
"Miss."
Agad akong lumingon sa pinanggalingan ng boses. Nadatnan ko ang isang lalaking nakasuot ng long sleeves sweater polo at faded gray baggy pants. Lumapit ako kaagad sa harapan para ma-entertain ko.
"Ano po ang hanap niyo, Sir?"
Bubuka na sana ang bibig niya nang bahagya kaming magulat sa tahol ng isang aso. Agad akong napatingin kung saan galing ang tahol na 'yon.
"Cerbie, she's a friend," pagkausap nito sa aso na bahagya namang kumalma.
Dalawa ang aso niya. Parehas ng kulay at breed. Para ngang kambal pa. Mahigpit niyang hinawakan ang mga leash nito bago bumaling muli sa akin.
"Available ba 'yung mga flowers sa pink bouquet na 'yon?" tanong niya bago tumuro sa gawi ng mga gamit naming nakakalat pa. Naroon ang mga bouquet na hindi ko pa tapos ayusin.
Ang tinutukoy niya yata ay 'yung naiwan ong bouquet bago ko ayusin ang mga bulaklak na nasa labas. Mayroon iyong pink na cover at puro pink na tulips ang mga nakalagay.
"Hindi ko pa naayos nang maigi ang bouquet na 'yon pero binebenta namin siya," pagpapaliwanag ko. "Kung makakapaghintay ka ng kahit sandali lang, Sir, maayos ko rin naman kaagad."
Mahirap na baka humanap siya ng ibang bouquet sa ibang stall. Sayang ang customer!
"It's fine. I will wait. Wala rin akong makitang ibang bouquet tulad ng ganiyan sa ibang nadaanan ko, e," komento pa niya bago ako bigyan ng ngiti. Hala si Kuya, nag-flex pa ng dimples.
Marahan akong napatango. Baka hindi pa nailalabas ng iba 'yung bouquet nila. Swerte na 'to.
Iginiya ko papasok ng tent namin ang lalaki at pinaupo siya saglit sa isang monobloc para hindi naman siya mahirapang maghintay nang nakatayo habang inaayos ko ang bibilhin niya.
"Heto po." Inabot ko sa lalaki ang bouquet na hinihintay niya at nang maagaw ko ang pansin nito na nakikipaglaro pa sa mga aso niya.
Nagbayad na siya kaagad matapos kong sabihin kung magkano ang bouquet. Agad naman akong nagpasalamat sa kaniya. Flinex niya uli ang dimples niya at nag-thank you bago umalis.
BINABASA MO ANG
folded papers from far away
RomanceAng Unang Paglalayag · 05:00 - 07:00 With the family he created, Damon found himself in the fake world of RPW in the desire to escape. Unknown to him, messages anonymously sent will force him to fold papers in hopes to reach the goddess in the spa...