Pasangit

26 4 0
                                    

Naapakan ko ang preno ng kotse nang makita si Vesta sa gilid ng kalsada. Malapit na sana ako sa bahay nila pero nakita ko siyang nakaupo sa isang bench. 

Itinabi ko ang kotse mula sa gitna ng daan at saka ibinaba ang bintana. "Hey, Vest!"

Nakayuko lang ito sa cellphone niya ngunit agad na tumingala nang marinig ako. She immediately stood up when she saw me. 

"Kuya!"

A smile curved in my lips. She's so cute like her sister. 

I removed my seatbelt and opened the door beside me to go outside. "Why are you here?"

"Hinihintay po kita! Sabi po ni Mama abangan kita rito kasi po bawal nga po malaman ni Ate na darating ka. Balak pa nga po akong samahan ni Ate kanina buti na lang po inutusan na lang siya ni Mama. Muntik na po tayo!" 

Napagiti ako sa kaniya. She's really hyped up everytime. Hindi sila nagkakalayo ni Venus. Magkapatid na magkapatid. 

"What are we gonna do now?" tanong ko rito. 

"Sabi po ni Mama, nakausap niya naman na raw po ang school! Dito na lang raw po! Wala naman po silang pasok!"

Napatingin ako nang ituro niya ang eskwelahan sa tapat namin. Well, if they said that they already settled it then alright.

"Dito po ang school ni Ate!" she added and gave me a wide smile. Napangiti rin tuloy ako. 

"I'll just park my car. Stay here," I reminded her. Mahirap na.

Nang mai-park ko ang sasakyan ay agad na rin kaming pumunta sa bahay nila. Nilakad lang namin dahil malapit na lang din naman. 

Hindi ko nga maiwasang mamangha sa view ng nilalakaran namin. Sementado naman ang daan ngunit ang mga nasa gilid ay kadalasang palayan. 

It's so wide and it's actually relaxing to see something like this. Hindi pa 'yon tuluyang nagiging ginto dahil Abril pa lang pero maganda pa rin sa paningin. 

You won't see anything like this in my region since it's mostly civilised already. I have been here many times already but I can't help but be amazed. 

When we finally arrived at their house, they needed to hide me somewhere. Hindi pa nga namin alam kung saan ako magtatago dahil maliit lang ang bahay nila at exposed talaga ang lahat. 

Pagpasok mo sa bahay nila ay sala. Sa kanang bahagi ay ang kwarto ng nanay at tatay niya. May bintana iyon at kitang-kita mula sa labas kung hindi ilaladlad ang kurtina dahil iyon ang harap ng bahay kaya hindi pwede.

If you walk straight through the door in the front from the main door, you'll be directed to their room. It is composed of two double decks. There are no divisions that part the room. 

'Yung double deck sa dulo ay sa magkapatid. Vesta's the one above and Venus is the one who sleeps below. May kurtina naman ang higaan ni Vesta kaya rito nila ako nilagay. 

The other double deck is used by their cousins who also live here. Wala lang dahil naka-dorm sila malapit sa university na pinapasukan.

Vesta made sure na hindi ako maiinitan rito sa higaan niya. Binuksan niya ang isang electric fan at naka-three pa 'yon. Para nga akong hinahangin kaya hininaan ko na lang. Medyo sayang rin sa kuryente nila. I don't want to be a prince here.

Honestly, I don't know what we will do here. Sabi nila mag-puff lang ako ng balloons rito. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa dahil baka mapuno na ng lobo ang higaan ni Vesta. Maliit pa naman ang space. 

I tried my best not to make any loud noise while I am here filling the balloons, though it was really hard for me to. Tumutunog kasi 'yung pambomba every time. 

Hindi naman yata narinig ni Venus so I think it's fine. Vesta also said she will do her best to stop Venus from going here often. Maging alerto na lang daw ako if ever she slipped away. 

Kausap ko siya through Messenger and she's updating me always. Nagse-send nga rin siya ng mga stolen pictures ni Venus which I loved. 

Isini-save ko kaagad. Why? Because she's so cute and pretty. 'Yung isa doon in-edit ko na at ginawang wallpaper. Kung makasalanan lang ang pagiging maganda at cute, magkasama kaming magiging makasalanan.

Naghintay pa ako ng ilang oras pa bago dumating si Vesta at pababain ako. Thank you, Lord.

"Where's Ven?" I asked while roaming around my gaze. Wala nang nasa kusina. Siguro pinalayo na nila si Ven that's why tinawag na ako. 

It's the time for surprise! 

"Wait, how about the balloons?" I stopped. 

"Hala! Oo nga!" Halata ang pag-aalala sa mukha niya. "Parating na si Ate! Ikalat na lang natin!" Agad siyang lumundag at isa-isang kinuha ang mga lobo. Halos lahat yata ay ako ang nagdala. 

"Tara na, Kuya!"

Binilisan ko ang paglalakad habang hawak pa rin ang mga lobo. Iniingatan kong mahulog lahat 'yon habang mabilis na papalabas—

"SURPRISE!"

I was shocked by a loud popping sound that I gripped my hand too tight to the balloons that I was holding. Mas nagulat pa ako no'ng pumutok 'yung mga 'yon.

What is happening?

"Surprise, Kuya!" nakangiti ngayon at nagtatatalon-talon si Vesta sa akin. 

I looked around the place and they were there. All of them. Including Venus who's smiling at me. 

The place is filled with decorations and the foods are all there. Para talagang may handaan.

I looked at her with a confused face asking what is this all about? It is not my birthday yet!

Nang lumapit siya sa akin ay bahagya niyang ginulo ang buhok ko. "Surprise!"

"Ako?" Tinanguan niya naman ako. "Why me? Isn't it your birthday?"

"Hindi, a!" nakangiti niyang sagot. "You forgot?"

Napakunot naman ako sa noo. Shit! Sinabi niya na ba sa akin ang birthday niya? Wait! Wala akong maalala! Fuck! Paano 'to? Minus points na ba ako? Ang alam ko talaga wala pa siyang sinasabi! 

I was pulled out from my thoughts when she looked at my back. Para niyang sinasabi na mayroong nasa likuran ko. 

Agad naman akong napalingon sa likuran ko. My eyes widened when I saw Apollo holding a cake. Why is he here? He's not invited!

Nang mapansin ang nasa likuran niya ay mas lalo akong nagulat. Those are my friends! Bakit sila nandito? May nakakalimutan ba ako?

"It's your day, handsome. You forgot," Venus whispered before smiling at me once again.

aribahaghari
folded papers from far away

folded papers from far awayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon