December 15, 2020
Dump Yuki
Just now · 🌏My Journey in Completing Simbang Gabi 2020!
A thread;
Epi Leigh and 3 others · 9 comments
Dump Yuki
First Day!Nakaka-overwhelm at the same time nakaka-relax ng pag-iisip ang mapasok sa simbahan! An' daming mga decorations for Christmas! Maraming pailaw-ilaw na parol, Christmas tree, siyempre hindi mawawala 'yung figure kung saan pinanganak si Jesus!
Pagpasok pa lang parang nare-relax katawan ko sa atmosphere! It's very warm! Kung sa iba, galing sa mainit 'tapos papasok sa sobrang lamig na aircon. Doon naman super lamig sa labas pero ang warm sa loob! Super relaxing!
'Yung mga sinabi ni Father, nakatatak sa isip ko until now! Keep it going, Yuki! >\\\\\\\\<
Dump Yuki
Second Day!Kasama ko ang dalawa kong pinsan ngayon! Sobrang tahimik nila sa mass at nakikinig! Very good sila sa akin kaya binilhan ko sila ng puto bumbong sa labas ng simbahan. Pag-uwi ay pinakain kami ni Mama ng lugaw! Super sarap! >\\\\\\\\< Ngayon na lang uli nagluto si Mama ng lugaw!
Dump Yuki
Third Day!Very nakaka-relate ako sa homily ni Father! >\\\\\\\\\<
'Wag raw akong malungkot kung hindi raw nasusuklian ang pagmamahal na ibinibigay ko sa ibang tao. Darating din naman raw ang biyaya at mas higit pa sa naibigay ko!
Hayaan mo, Father! Patuloy kong magiging crushiecakes si Yorme! Magiging kami rin, 'di ba? 🤞🏻 That's the spirit!
Dump Yuki
Fourth Day!Alam ko namang marami ang tao kapag Simbang Gabi pero super duper extra ang tao kanina! OMG! Muntik na ako mawalan ng balance no'ng mabangga ako no'ng isa. Please, 'wag naman po kayong tumakbo sa simbahan! T\\\\\\\\\T
Pero maganda pa rin ang misa ni Father, 'no! Lahat naaalala ko pa hanggang ngayon! I'll continue to hold onto it! >\\\\\\\\\< Life is life and I need God with me!
Dump Yuki
Fifth Day! with Mama!Yes! Sumama na sa akin si Mama! Maaga siyang nagising kaya naisipan niyang sumama sa akin magsimba! Let's go, Mama!
Very nadala si Mama sa homily at hanggang pag-uwi ay pinapangaralan ako kahit gets ko naman 'yung sinabi ni Father. Medyo matagal-tagal rin 'yon dahil namalengke pa kami. Hindi pa rin siya tapos!
Pero okay lang!
Dump Yuki
Sixth Day!Another episode of Yuki Completing the Simbang Gabi!
For this episode ay kasama ko ang aking mga kaibigan dito sa lugar namin! Sa kabuuan ay pito kami! Tatlong babae at apat na lalaki. Lahat ay harmless!
Bago nga magsimula ay medyo maingay pa sila pero hindi naman na sila nag-ingay no'ng nag-start na na kinapasalamat ko naman. Kahit papaano naman ay matino 'tong mga kaibigan ko kahit tarntado minsan! Minsan labg ay nakakalimutan ko dahil sa dami ng mga kagaguhan nila sa buhay.
Kumain kami ng lugaw bago umuwi! Napakaingay nila sa daan pero okay lang, at least hindi sa simbahan! 🤗
Dump Yuki
Seventh Day!Kasama ko ulit ang mga kaibigan ko! Sayang nga raw at hindi nila nasimulan kasi mukhang matatapos nila! HAHAHAHAHA. Si Jack naman nasimulan pero sa ibang simbahan. Counted pa rin naman! HAHAHA
Nagsindi pa kami ng kandila after ng misa. Nagdasal kami para extra extra na! An' dami ko ngang biniling kandila, e. For family, friends, wisdom, health, at love life! Kay Yorme na 'yon! Baka naman!
Dump Yuki
Eighth Day!Ang ganda ng feeling ko kanina sa simbahan. Legit 'to! Maganda naman pakiramdam ko palagi sa simbahan pero mas maganda ang pakiramdam ko kanina. Hindi ko alam kung bakit!
Dahil nga maganda ang pakiramdam ko, nag-aya uli ako magsindi ng kandila sa labas. Extra extra ulit 'to! Gano'n uli ajg binili kong mga kandila! Naghagis pa kami sa poon ni Mama Mary! May gate 'yon! Maghajagis ka ng barya 'tapos kapag umabot sa paa ni Mama Mary, pwede kang mag-wish! Nakapag-wish ako ng dalawang beses! Para na kay Yorme 'yung isa! An' dami ko ring nalagas na barya do'n pero okay lang!
Nagbigay pa ako sa pulubi kanina ng pera. Ang gaan talaga ng loob ko ngayong araw, hindi ko alam! Anong holy spirit ang nakasunod sa akin? >\\\\\\\\\\\\<
Dump Yuki
Last Day!OMG! Nakumpleto ko ang Sinbang Gabi! Woooh!
Kasama ko ulit 'yung mga kaibigan ko kanina! Napakasaya nga namin ni Jack kasi natapos namin nakapag-wish tuloy kami no'ng nagpa-fireworks na! Nakanguso nga 'yung iba dahil 'di nila nakumpleto pero nagsindi naman kami uli ng kandila para ulit sa extra extra!
Sana marinig na ni Lord ang aking mga panalangin! 🤞🏻
Dump Yuki
Pasko na bukas! Advance Merry Christmas sa lahat! Sana may shanghai ang lahat! 🤗
BINABASA MO ANG
folded papers from far away
RomanceAng Unang Paglalayag · 05:00 - 07:00 With the family he created, Damon found himself in the fake world of RPW in the desire to escape. Unknown to him, messages anonymously sent will force him to fold papers in hopes to reach the goddess in the spa...