takipsilim
- park seonghwa au
(israel x laya)
Inabot ko ang salakot na nakasabit sa dingding bago tumayo sa harapan ng isang maliit na salamin ng aming tahanan. Inayos ang pagkakaladlad ng aking damit at dahan-dahang sinuklay muli ang aking buhok gamit lamang ang aking mga kamay.Nang makuntento ay isang ngiti ang sumilay sa aking labi bago isinuot ang aking salakot at patagong lumisan ng aming bahay.
Malalim na ang gabi at mabibilang na lamang ang mga gaserang may apoy. Habang papalapit sa ilog bago pumasok ng kagubatan ay palamig na rin nang palamig ang simoy ng hangin. Mauulinigan na rin ang lagaslas ng tubig na animo'y sumasayaw sa ilalim ng liwanag ng buwan.
Aking iniligid ang aking paningin sa kabuuan ng lugar upang siguraduhing walang sinumang nakasunod sa akin. Sa sandaling makasigurado ay naupo ako sa ibabaw ng malaking bato sa gilid ng ilog.
Inilapag ko ang salakot sa aking tabi bago idinantay ang braso upang silayan ang hugis ng buwan.
Tunay na kay ganda ng sinag ng buwan. Hindi man nasasaksihan ng karamihan, sa ilalim nito ay maraming puso ang napapalagay, maraming luha ang kumakawala, at maraming katauhan ang lumalaya.
Madalas mang nabubulag ang mga tao sa liwanag ng haring araw, umaasa sa panibagong simula at isa pang pagkakataon, ang manananggol na buwan naman ang nagtatakip ng ating mga kahinaan at ang nagiging sandalan para sa kapayapaan.
Natigilan ako nang may tumakip sa aking mga mata dahilan upang mas sakupin pa ng kadiliman ang paligid.
Isang kurba ang sumilay sa aking mga labi nang mapagtanto ang nangyayari. "Laya, aking mahal," sambit ko sa kaniyang ngalan.
Ilang segundo lamang ang lumipas at nakarinig na ako ng mahinang pagtawa. Inabot ang kaniyang kamay na nakaharang sa aking mga mata bago iyon unti-unting ibinaba.
Bahagya akong gumilid upang makita ko si Laya. Nakasuot siya ng isang magandang saya at nakatalukbong ng isang belo upang itago ang kaniyang mukha ngunit kitang-kita ko pa rin ang kaniyang kagandahan.
Habang inaayos ang kaniyang pagkakaupo ay bahagya pa rin siyang tumatawa. Wala sa sariling napangiti rin ako dahil sa kaniyang mga tawang mahinhin man ngunit tila isang nakahahalinang musika sa aking mga pandinig.
Tipikal na mahinhin si Laya ngunit mapaglaro at masiyahin siya. Busilak at puro rin ang kaniyang kalooban-bagay na aking naibigan.
Ipinatong niya ang dalawang kamay sa kaniyang mga hita bago ako tapunan ng tingin. Ginawaran ko naman siya ng isang ngiti. Ngiting aking ipinapakita sa kaniya upang malaman niyang kahit na anong mangyari ay narito lamang ako at hindi kailanman lilisan.
"Nitong hapon ay nagtungo kami sa bayan," kaniyang panimula. "Nakita mo na ba ang mga dekorasyong para sa nalalapit na pista?"
Ang kaniyang mga mata ay nagniningning at isinisigaw ang repleksyon ng liwanag galing sa buwan. Malaki ang kaniyang mga ngiti sa akin na para bang nasasabik na ako ay magpakuwento pa.
BINABASA MO ANG
folded papers from far away
RomanceAng Unang Paglalayag · 05:00 - 07:00 With the family he created, Damon found himself in the fake world of RPW in the desire to escape. Unknown to him, messages anonymously sent will force him to fold papers in hopes to reach the goddess in the spa...