Azra's POV
Napatingin ako kay Harris ng gumalaw ito. Nagpatuloy pa ako sa pagbalat ng mansanas hanggang sa tuluyan na syang nagising at dumilat na ang mga mata nya.
Una nyang ginalaw ang kamay at paa nya saka sya dahan dahang tumayo mula sa higaan nya rito sa ospital ng academy. Nagpalinga-linga sya hanggang sa dumako sakin ang tingin nya, natigilan sya kaya tinaasan ko sya ng kilay. Bigla naman syang tumawa at tuluyang sumandal sa headrest ng higaan nya.
"Akala ko nananaginip ako. Hindi mo kasi ugaling magbantay ng pasyente." Salita nya. Umirap ako at nilahad sa kanya ang kakabalat lang na mansanas. Tinanggap naman nya ito.
Bumuntong hininga ako at kumuha ng tubig saka binigay rin sa kanya. Tuluyan na syang natawa at tinignan ako na parang ang weird ko. Mas weird sya!
"Pinagbantaan ka ni Zach no?" Tanong nya habang hindi nawawala ang ngiti sa labi nya. Inis ko syang tinignan.
"They can't scare me." Sagot ko. Tumango tango sya habang kumakain ng mansanas. Tinignan ko lang sya.
"So bakit ikaw nagbabantay sakin?" Tanong nya. Bumuntong hininga ako at umiwas ng tingin.
"Wag na kayong mawawala ulit ng bigla bigla. Everyone's losing their shit." Sa halip ay naging sagot ko saka tumayo para lumabas ng cubicle nya.
Nadatnan ko naman sila Helena, Zach, Hiro, Akira, Petter, Flynn, Sebastian at Heidi na saktong paparating na.
"He's awake." Salita ko. Tumango sila at tuluyan nang pumasok sa cubicle. Sumunod narin agad ako.
"How are you feeling?" Tanong ni Flynn na naupo sa stall na kinauupuan ko kanina. Pumwesto naman ako sa pader kaharap ng kama ni Harris.
"Better. Teka, ilang araw na ba akong nandito? Si Prea kamusta?" Sagot nya at sinunod ang tanong.
"3 days na. And Prea is still not awake." Sagot ni Hiro. Nanlambot si Harris sa narinig.
"Sorry. Hindi ko sya naalagaan ng maayos." Salita nya at hindi makatingin kay Hiro.
"It's okay Harris, they are fine now." Sagot ni Helena kay Harris.
"Pwede bang ikwento mo na samin ngayon kung anong nangyari?" Tanong ni Akira. Tumango naman si Harris at uminom muna ng tubig saka umayos ng upo.
"Nung araw na papunta na kami ni Prea sa gateway. Hindi kami nakarating, hinarang kami ng isang nilalang. Nakapula syang cloak at tingin ko ay babae sya. Bigla nyang aatakihin si Prea kaya humarang ako at nakipaglaban sa kanya, nung oras na yun, natanggal ang hood nya kaya nakita ko ang mukha nya. Tapos bigla syang nagalit at mas lalo syang naging mabagsik kaya kinarga ko na si Prea at tumakbo ng mabilis pero heck! Kaya nyang makipagsabayan sa bilis ko! Inaatake nya kami ng apoy habang tumatakbo kaya na out balance ako at natumba kami ni Prea." Huminto muna sya at humugot ng hininga. Laha naman kami ay nakinig sa kanya ng maigi. "Tapos inatake nya na naman si Prea kaya sinubukan ko syang protektahan pero nawalan ako ng malay at paggising ko, nakagapos na kami ni Prea sa isang abandonadong kwarto. Hindi ko alam kung saan yun. Tapos pumasok yung babae at binigyan kami ng makakain. Pero nung titigan ko sya ng maigi, nagiba na ang kulag ng mata nya kumpara nung una ko syang makita. Patingin tingin rin sya kay Prea pero umaalis rin naman agad sya." Dagdag nya at kumunot ang noo tila inaalala ang buong pangyayari sa loob ng ilang araw nilang pagkawala.
"Sumunod na araw tinanong sya ni Prea kung anong kailangan nya samin. Ang tanging sagot ng babae, malakas ang enerhiya ni Prea, kailangan nya ito. Hanggang sa sumunod na araw, lumitaw nalang bigla ang apat na taong nakacloak sa harapan namin at bigla kaming kinalagan. Pero dumating ang babaeng nakapula at nakipaglaban ang apat na taong yun sa kanya hanggang sa ang isa ay tuluyan kaming pinakawalan at agad kaming nagteleport at nakarating kami sa isang gubat. Nung una hindi ko makilala ang may hawak samin ni Prea pero nang marinig ko ang boses nya, alam kong si Agnes yun. Tapos dumating na naman yung babae at agad kaming inatake kaya inutusan ako ni Agnes na kargahin si Prea at sabay kaming tumakbo kasama ang isa pang naka cloak habang ang dalawa ay naiwan para makipaglaban sa dalawa." Kwento nya pa at muling humugot ng hininga. "Nung akala namin ligtas na kami, biglang dumating yung nakapula at inatake na naman kami kaya walang nagawa sila Agnes at nakipaglaban sa nakapula. Pero sadyang malakas ang nakapula, tila mas malakas na ito kesa noong nakalaban ko ito. Kaya halos mapatumba na nito sila Agnes, sinubukan kong itakbo si Prea pero nahuli na kami at sinakal nya kami ni Prea. Hindi ko alam kung ano, pero naramdaman kong hinigop nya ang enerhiya namin. Kaya nawalan kami ng lakas ni Prea, nakabawi naman si Agnes at agad syang inatake pero napatumba rin agad sya, nakipaglaban kami ni Prea pero ang resulta ay parang tila hinihigop nya ang enerhiya namin. Nakabawi ang kasama ni Agnes at sya ang nakipaglaban, dumating din yung dalawang naiwan kaya nakatakbo kami ni Prea kasama si Agnes hanggang sa dumating kami sa isang peach tree at napaupo kami ni Prea sa pagod. Ang sabi ni Agnes, dadating kayo at magiging ligtas rin kami. At dadating rin ang araw na babalik rin sila. Hindi na ako nakapagtanong sa kanya sa pagod hanggang sa nawalan ako ng malay at dumating kayo." Dagdag nya. Ilang minuto kaming natahimik hanggang sa nakapawi na si Zach.
"Clearly kailangan nya si Prea dahil nagdadalang tao sya. Dalawang soul ang makukuha nya sa kanya." Salita nya.
"Teka. Alam nyo na ba kung sino yung babae?" Tanong ni Harris.
"Oo pero hindi pa namin alam ang pangalan at itsura nya." Sagot ni Helena at naupo sa paanan ni Harris. "Recently, kinukuha nya ang mga estudyante at hinihigop ang mga kaluluwa ng mga gods." Dagdag ni Helena. Kumunot ang noo ni Harris.
"Ibig sabihin, muntik nang makuha ang kaluluwa nyo ni Prea." Inis kong paliwanag. Dahan dahan namang tumango si Harris.
"So anong plano ngayon?" Tanong nya.
"Kailangan namin makita ang mukha ng babae tyaka lang tayo makakakilos ng maluwag. Habang si Akira at Flynn na ang bahala sa pagaalyansa sa Coordinates." Sagot ni Petter.
"Apat."
Napatingin kami kay Flynn nang magsalita sya. Ngayon lang ata sya nagsalita mula kanina ng dumating sila.
"Sabi mo apat ang dumating nalang bigla sa silid na pinagkulungan sa inyo, isa doon si Agnes. Hindi kaya ang dalawa sa tatlong kasama nya ay sina Apollo at Ares?" Tanong nya at taimtim na nakatingin kay Harris. "pero sino ang ikaapat?" Huling tanong nya.
"Hindi kaya si Arche yun?" Tanong ni Petter. Doon ko naalala ang binanggit ni Terra.
"Yung binanggit ni Terra?" Tanong ko. "Na kumuha sa kanila? At bakit naman sila tutulungan nun?" Tanong ko pa.
"Hindi sya totoong kalaban. Dahil kung kalaban sya, hindi nya tayo tutulungan. Hindi kaya sya ang dahilan kung bakit hindi pa bumabalik sina Agnes?" Salita ni Flynn. Tumango tango kami bilang sangayon.
Nakita ko si Hiro na papalabas ng kwarto, alam kong kay Prea sya pupunta kaya sumunod ako sa kanya.
Dumating naman kami sa kwarto ni Prea at nadatnan syang tulog. Naupo ako sa sofa, saka pinikit ang mga mata at tahimik parin ang silid. Ito ang maganda kapagmakakasama mo si Hiro sa iisang kwarto, tahimik, walang sakit sa ulo.
"What do you think the reason why the Rebellion is silent right now?" Biglang nagsalita si Hiro. For a second i thought gising na si Prea or may iba pa kaming kasama but then i knew it was me he's talking to.
"Maybe because of that redhood woman. Rebels are also reincarnated family of gods, maybe they are against each other. Tingin ko rin ay nagiingat sila na hindi magkabungguan." Sagot ko. For some thought, nakikita ko lang na sa dalawang kalaban namin ngayon, hindi ko sila napansing nagkaisa man lang.
"You think the rebels hates that woman?" Tanong nya.
"Yeah. Pero ang mas pagtuunan natin ngayon ng pansin, ay kung sino ang babaeng yun." Salita ko.
At kapag nakita ko talaga ang redhood woman na yan, sasabunutan ko sya sa perwisyong ginagawa nya sakin! Tsk. Makakaganti rin ako sa kanya.
And that rebels, they always live in the past not in the present! Why don't they just treasure the moment?
Napahinto ako at biglang napabangon.
"Past. Live in the past." Sambit ko.
"What are you thinking?" Tanong ni Hiro kaya napatingin ako sa kanya at kitang kita kong naweirdohan sya sakin.
"Just a mere thought, not so sure but, why don't we put the rebels in the past forever? Like locking them?" Sagot ko. Kumunot ang noo nya at nagkatitigan kami. "They always dwell in the past not in the present, like they still live in Olympian war." Dagdag ko. Tila nakuha naman nya ang ibig sabihin ko.
"Pwede. Pero sino ang gagawa nun?" Sagot nya. Napairap ako at ngumisi.
"Like duhh anong silbi ni Mnemosyne---i mean Lucille rito?" Sarkastiko kong sagot. Tumango sya bilang sangayon.
"You think she's strong enough to lock them all?" Tanong nya. Kumibit balikat ako. Sabi ko nga hindi ako ganun ka sigurado.
Prim_rose7
A/N: We're almost at the end of the story, sorry for the long wait! But the good news, we're almost done. Please HIT THE STAR! or just follow me ^_^ and then leave a comment! Lovelots!
BINABASA MO ANG
Reincarnation of goddess Aphrodite✓
FantasyHighest rating: #1 in Kindness, #1 in Greeks. #1 in Mystery. #1 in Aphrodite. #1 in Deities. They say she's the most beautiful women in the world, the typical woman who makes every man drool. Some says she's a total bitch and slut. But they forgot o...