ROGA¹³

3.1K 102 4
                                    

Agnes's POV

Ito na nga ba ang kinatatakot ko. Hindi ko alam kung bakit pero masama ang pakiramdam ko sa mga sinasabi ng mga estudyante. Kung tama ba ito o mali, wala pang nakakaalam. Wala pang official statement ang mga instructors samin.

"May gathering mamaya bago magtanghalian" pahayag ni Akira.

"It's about the upcoming tournament huh?" Komento ni Azra. Tumango naman si Akira.

"Siguradong tataas ang tensyon sa buong academy sa tournament na yan" salita naman ni Prea. Kung ganun ganun nalang sana ka simple ang tournament na sinasabi nila, edi dapat hindi ako kinakabahan ng ganito.

Dumaan na nga ang oras at natapos narin ang una naming klase. Papunta na kami sa Arena kung saan magaganap ang gathering. Lahat ng estudyante ay pupunta dahil lahat ay interesado sa kung ano mang sasabihin ng mga instructors.

"Hey, kumalma ka nga" bulong ni Heidi. Napatingin ako sa kanya na nginitian ako. Tumango ako at humugot ng hininga. Alam kong nararamdaman nya ang tibok ng dibdib ko, of course dahil gaya ko ay may ganun rin syang kakayahan.

Pumwesto kami sa may harap ng Arena kung saan may malaking entablado para sa kung sino man ang may pakana ng gathering na ito.

"The President of this school must be the one to announce right? Dahil bigatin ang tournament" bulong ni Prea sa kanan ko, habang sa kaliwa ko naman si Heidi.

"Shhh. Let's hear them out" suway ni Helena samin. Tumahimik naman kami at hindi na nagbulungan pa.

Maya maya lang ay nagpakita ang Professor ng eskwelahan matapos mag Opening remarks ang isa sa instructors. Ang nag-iisang professor ng lahat ng mga instructors. Basi sa nalaman ko, sya ang secretary ng Presidente. Sya yung nagadmit sakin nung unang pasok ko rito sa Academy.

"Good Morning everyone! I would like to announce to all of you that we will be having a Tournament for the Crown of Olympus. This is verified by the high officials, this is to start our new era, the rebirth of the Twelve Olympians who will be leading us and rule over us. This is for the future of Demigods and Reincarnated gods. So please, if you want to be on the throne with the new set of Olympians, you must have the whole requirements in order to succeed. Please fill up in the form that will be distributed by class. If you think your worthier to rule and lead the Demigods era, then show us." Mahabang anunsyo nya ng puno ng kaseryosohan at walang paligoy-ligoy. "The application is available only this week and next week on monday will be the opening of the tournament. More informations will be announced by your class Instructors" dagdag nya.

Namayani ang bulungan at mga komrnto ng mga estudyante dahil sa naging pahayag nito at naging maingay ang buong arena.

A tournament for the Crown of Olympus, yun ang bagong usap usapan sa buong academy simula ng tumuntong kamk dito kaninang umaga. Yan din ang dahilan ng kaba ko. Dahil sa pamamagitan nito, magiging tensyunado ang mga susunod na araw namin. Dahil lahat, interesado sa korona. Sino nga bang hindi? Kung panahon mo na para pamunuan ang buong era, o ang buong mundo ng mga semideus at reincarnated gods? Magiging desisyon na ng mundo ang desisyon mo. Magkakaroon ka na ng karapatang baguhin ang pamamalakad at ang batas. Kung noong panahon ni Zeus ay sa kanya nakapatong ang lahat ng responsibilidad ng mundo ng mga tao at imortal, ngayon naman sa panahon namin ng Semideus at reincarnated gods ay babaguhin na nila ang pamamaraan. Hindi na kung sino ang Rebirth ni Zeus at Hera ang automatically mamumuno at aangkin ng trono, kundi bagong grupo ng Semideus at Reincarnated gods.

This will be the biggest, tournament of all. Kailangan nasa sayo ang buong character ng isang hari at reyna. Nasa klase ng pananaw at paniniwala mo ang magiging basihan kung karapat dapat ka bang maging hari at reyna ng Olympus at maging isa ring Olympians na pinagkakatiwalaan ng hari at reyna.

Reincarnation of goddess Aphrodite✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon