Henrietta Agnes Laurel's POV
Napaangat ang tingin ko sa matayog na building ng eskwelahan. Nakakamangha ang taas at ang desenyo nitong may pagka medieval times. Tapos ang lawak ng hardin, at may mga naglalakihang puno sa daan habangleft at right naman ang hardin nila na may mga fountains, tapos napapalibutan ng puno ang likod ng building.
"Welcome to olympus, ms.laurel" bati ni nanang Vina sakin saka naunang maglakad sakin papunta sa eskwelahan. May mga nakikita narin akong mga estudyante na pakalat-kalat at hindi ko maiwasang mapangiti tuwing mapapatingin sila sakin, tila naging habit ko narin ang pagngiti tuwing may nakakakita sakin kahit kasalungat nito ang nararamdaman ko.
Habang dito sa olympus, pakiramdam ko, hindi ako nagiisa. Napakaganda ng paligid at ang presensya nito.
Pagkapasok namin sa malaking pintuan ng olympus, mas maraming mga mata ang napatingin sakin at nginingitian ko lamang sila. Mapabata at matanda ay napatingin sakin habang kami ni nanang vina ay naglalakad tungo sa grand staircase.
Kahit ang inner design ng eskwelahan ay napakaganda, mala enchanted kingdom ang design. Napakalawak rin nito at napakaliwanag, may mga nakikita rin akong estudyante sa itaas habang papaakyat na kami ni nanang vina sa hagdan.
Lumiko kami sa kanang bahagi saka huminto si nanang vina sa harap ng isang pinto. Pumasok sya roon kaya sumunod ako sa kanya at bumungad sakin ang isang silid na maraming mga libro, nakita ko ang isang lalake na may katandaan na nakaupo kaharap ang napakalaking mesa na may maraming nakakalat na papel.
"Professor, nandito na po si ms.laurel" paunang salita ni nanang vina, saka naman kami binalingan ng lalaki. Tumingin sya sakin at saglit na natigilan kaya ngumiti nalang ako.
"Iwan mo na kami Vina, salamat" nagsalita narin sya gamit ang baritino nitong boses. Tumango naman si nanang vina saka lumabas ng silid, naiwan naman akong nakatayo at hindi alam kung anong gagawin.
"It took you so long to accept our request, ms. Laurel. Come and have a sit for a while" salita nitong muli sakin at sumenyas sa nakalaan na upuan sa harapan nya. Ngumiti ako at pinwesto ng maayos ang maleta ko sa tabi saka naupo sa upuan.
"Did your parents already told you about who you are and this school?" Tanong nya.
"Yes po" sagot ko. Tumango sya at may kinuhang libro, susi at pin pati I.D sa tabi nya at nilapag nya ito sa harapan ko.
"A book that might help you through the years, A duplicate key to your house, a pin as sign that you are and Olympian and a symbol to have you V.I.P access in any room in this academy so you have to wear it anytime, and your I.D" salita nya. Kinuha ko naman ang libro at binulsa ang susi at pin, saka naman ako napatingin sa I.D, nakakamangha na nakuha na sila ng litrato ko pero nang tingnan ko ang name 'Aphrodite' .
"Teka po, bakit Aphrodite ang pangalan ko?" Agad kong tanong. Bahagyang tumaas ang kanang kilay nya na tila hindi inasahan ang sinabi ko.
"Bakit? Ayaw mo ba?" Tanong nya. Napakurap ako at maang na ngumiti.
"Hindi naman po sa ganun. Pero kasi....pwede po bang Agnes nalang ang ilagay nyo?" Sagot ko at nagbakasali na. Hindi kasi ako sanay at baka tawagin nila akong Aphrodite.
Manghang ngumiti ang lalake saka tumango tango.
"Akin na" hingi nya sa I.D ko kaya agad ko itong binigay sa kanya at napangiti ng malawak. Mas mabuti naring agnes ang itawag sakin at wag nang hetta. Mas naiisip ko lang ang mundong iniwan ko.
Ilang minuto nya itong hawak saka binigay sakin at nabasa ko ang 'Agnes' na nakalagay, binulsa ko narin ito.
"Salamat po" masaya kong salita. Hindi ko sya kilala pero mukhang mataas ang ranggo nya sa eskwelahan.
BINABASA MO ANG
Reincarnation of goddess Aphrodite✓
FantasiaHighest rating: #1 in Kindness, #1 in Greeks. #1 in Mystery. #1 in Aphrodite. #1 in Deities. They say she's the most beautiful women in the world, the typical woman who makes every man drool. Some says she's a total bitch and slut. But they forgot o...