Agnes's POV
Samu't saring personalidad ang nakita ko sa kanila, tatlo sa pintong kalalakihan ang may seryoso at intimidating na personalidad. Habang dalawa sa apat na babae ang seryoso at intimidating rin, habang ang isang babae ay may pagkamaldita at ang isa ang syang mabilis na lumapit sakin.
"Hi agnes! I'm Hestia, pero Heidi ang totoong pangalan ko" pakilala nya at inabot ang kamay nya. Tinanggap ko naman ito at ngumiti narin.
"Well well, mabuti naman at naisipan mo nang magpakita"
Gumilid si heidi dahil sa isang babae na lumapit narin. Sya yung babaeng may pagka maldita. She looks definitely like a bitch you found in school.
"Pasensya na" paumanhin ko. It looks like theu really waited for me, and i feel guilty. Umirap lang sya sakin at umalis narin sa harapan ko at nagtungo sa isang pintuan.
"Sya nga pala si Artemis, azra ang totoong pangalan nya. Pasensyahan mo na ang ugali nya agnes" pagpapakilala ni prea sa babaeng kakaalis lang.
"Iyun naman si Akira bilang si Athena, at si helena bilang si Hera" pakilala nya naman sa dalawang babae na tahimik lang sa couch.
"Welcome home, Agnes. I'm Apollo, ace ang totoong pangalan ko" lumapit naman ang isang lalaking may malawak na ngiti at inabot ang kamay. Nakipagkamay naman ako.
"Nice meeting you, and salamat" sagot ko. Ngumisi lang sya at bumitaw rin agad ng may lumitaw na naman na lalake sa tabi nya.
"Hi! I'm hermis, Harris in real life" pakilala nito at inabot narin ang kamay nya, tinanggap ko naman ang kamay nya at nag-shake hands kami. Gumilid silang dalawa ni ace.
"Those three on the table are Zachary as Zeus, Hiro as hades, and petter as Poseidon. The big three Olympians" pagpapakilala ni harris sa tatlong lalakeng pinagkakaguluhan nila kanina. Tumango lang ang tinuro nyang si petter habang seryoso lang na tumingin ang dalawa.
"And that two is Anthony as Aris and Sebastian as Hephaestus, your two lovers" huling pinakilala ni harris ang dalawang lalaki na nakaupo na ngayon, iniwasan kong makatagpo ang tingin ng dalawang lalaki na parehong nakatingin sakin. Napangiwi ako sa huling sinabi ni harris at tumingin sa kanya na may ngisi sa labi at halatang inaasar ako.
"Oh shut up! Dude! Sige agnes, ilalayo ko na sayo ang isang 'to at baka kung ano pang sabihin" saway ni ace kay harris at mabilis silang nawala sa silid.
"Tara na agnes, gusto mo bang magpahinga muna?" Paanyaya ni Prea.
"Sige" agad kong pagsangayon. Tumingin ako kay heidi at ngumiti naman ito saka tumango kaya sumunod na ako kay prea na magtungo sa itaas.
Naninibago pa kasi ako ka kanila, lalo na sa dalawang lalakeng yun. Naiilang rin ako sa bawat galaw ko dahil pakiramdam ko laging may nakatingin sakin, na syang nakakapagtaka. Doon kasi sa mundong kinagisnan ko, hindi naman ako naiilang sa mga taong laging nakatingin sakin pero bakit sa dalawang iyun, naiilang ako? Dahil ba alam kong naging parte sila ng buhay ni Aphrodite?
Pag-akyat namin ng hagdan ay nagtungo kami sa left side saka nilagpasan ang isang pintuan. Kahit hanggang dito na nasa ikalawang palapag ako at naglalakad, ramdam ko parin ang tingin ng dalawa na nakakapagpabilis ng tibok ng dibdib ko. Kitang kita kasi mula sa kinatatayuan ko ang sala kung saan nandoon sila Zachary. Ang akala ko nga ay may katandaan ang sasaniban ni Zeus at hera bilang hari at reyna pero kasing edad ko lang pala kaya para lang kaming magkakapatid lahat.
Binuksan ni prea ang pinakagitnang pintuan saka pumasok kaya pumasok narin ako.
"Kasama mo si akira rito, okay lang naman sayo diba?" Salita nya at nilagay ang maleta ko sa bed side na nasa left side. Tumango ako at nilibot ang tingin sa buong silid.
"Nasa kanang kwarto lang ako at kasama ko ang asawa ko na si Hiro. Sa kaliwa naman ay si Ace at Azra, syempre kambal yung dalawa in real life o in Reincarnation kaya natural lang" salita na naman nya. Tumango ako. Dito pala sa left side ay may tatlong kwarto habang sa right side ng mansyon ay may apat na pintuan.
"Doon sa kabila, sina helena at Heidi sa pinakaunang pinto, ikalawang pinto ay kina Zach at Petter, ikatlong pinto ay kay harris at Sebastian, saka kay Anthony" dagdag nya habang tinuturo ang mga pinto.
"Sige, salamat prea" sagot ko. Ngumiti sya at tinapik ako sa balikat.
"Alis na ako at nang makapag beauty sleep ka na HAHAHA" salita nya at humalakhak pa. Napangiti nalang ako nang makalabas na sya ng kwarto. Nagtungo sa maleta ko at inayos muna ito sa loob ng ikalawang cabinet na nakita kong bakante pala. Kumuha narin ako ng tuwalya saka nagtungo sa banyo at naglinis na muna ng katawan.
*********
Napabalikwas ako ng bangon ng may kumakatok sa pinto. Tumingin ako sa orasan at nakitang 7 na pala ng hapon. Tumayo ako at kinapa muna ang mukha kung may panis na laway pero nang wala naman ay nagtungo na ako sa pinto saka binuksan ito. Si harris naman ang nadatnan ko at ngumiti sya sakin.
"Mabuti naman at gising ka na agnes, hali ka may pupuntahan tayo" salita nya at sumenyas palabas.
"Teka. Saan ba? Magbibihis muna ako" sagot ko at akmang tatalikod ng hawakan nya ako sa kamay.
"Wag na. Night swimming din naman ito eh" sagot nya at biglang gumalaw ang paligid ko ng kay bilis at ang malakas na paghampas ng hangin sa katawan ko na halos limang sigundo lang at huminto rin agad ang lahat pero nasa ibang lugar na ako.
Nagulat ako sa nasaharapan ko.
"Welcoming party namin para sayo" salita ni harris sa likuran ko at napunta rin agad sa pwesto ni Anthony at Sebastian na nagiihaw.
"Agnes!! Waaahhh kakagising mo lang ba? Ang ganda mo parin!!" Salubong ni prea at agad umangkla sa braso ko at hinila ako papalapit sa nakahandang mesa at may mga samu't saring pagkain doon.
"Agnes! Swimming tayo dali!" Napatingin ako sa ilog ng marinig ang boses ni Heidi at nakita ko sya roon na kasama si helena, azra at ace na nakasulong sa tubig at halatang naka two piece lang ang tatlo habang sa ilang destansya sa kanila ay ang tatlong lalake na naka-trunks lang. Hindi naman na bago sakin na makakita ng mga naka-trunks o naka two piece kaya napangiti ako, kaya ba sinabi ni harris na okay lang ang suot ko? Naka-shorts lang kasi ako at manipis na sando. Di tuloy ako nakapagjacket.
"Kain muna kami Heidi!" Si prea ang sumagot sa paanyaya ni Heidi at binigyan nya ako ng plato. Kumuha na sya ng pagkain kaya kumuha narin ako.
"Nasaan nga pala tayo, prea?" Tanong ko rito habang kumukuha kami ng pagkain.
Kahit na madilim na ang paligid namin, may mga lights naman na nakalutang bilang nagsisilbing ilaw sa paligid namin kahit nga sa may ilog na may waterfalls ay meron din.
"Nasa dulo lang tayo ng kagubatan, ilang metro lang ang layo sa bahay natin. Dito kasi kami pumunta nung ikatlong araw namin sa bahay at makilala ang isa't isa. Though hindi naman talaga namin kubusang kilala ang isa't isa" sagot nya. Tumango ako at naupo kami sa may malaking bato saka kumain, hindi nga pala ako nakakain ng dinner kaya gutom na gutom ako.
Prim_rose7
BINABASA MO ANG
Reincarnation of goddess Aphrodite✓
FantasiaHighest rating: #1 in Kindness, #1 in Greeks. #1 in Mystery. #1 in Aphrodite. #1 in Deities. They say she's the most beautiful women in the world, the typical woman who makes every man drool. Some says she's a total bitch and slut. But they forgot o...