A/N: Pasensya na sa tagal ng update. 。◕‿◕。 Keep reading po!(ʘᴗʘ✿)
Agnes's POV
The meeting was done accordingly. It's been a day, and now was the second time they went here. And for now, pupunta muna ako sa kusina para tignan kung may makakain ba kami ngayong gabi, nandito parin sina Harriet at inaya ko silang dito na kumain, wala namang umangal sa desisyon ko.
Pagdating ko sa kusina ay hindi ko inasahan na makita sina Sebastian at Anthony na nakasuot ng apron at s'yang nagluluto.
"Inunahan nyo na pala ako" salita ko at lumapit sa kanila para tumingin sa niluluto nila. Napatingin sila pareho sakin ng ilang segundo.
"Well, we have visitors. Kailangan damihan ang pagkain" sagot ni Anthony.
"Right. Para wala silang masabi sa hospitality natin" natatawang gatong ni Sebastian. Naningkit ang mga mata ko sa kanya at may naalala.
"Hindi ka dapat nagluluto Sebastian" salita ko kaya napatingin sya sakin. Tumalim ang tingin ko sa kanya saka sya pinabitaw sa hawak nyang kutsilyo dahil sya ang naghihiwa ng sangkap. Hinila ko sya malapit sa mesa at pinaupo roon. Iimik na sana sya pero uunahan ko na sya. "Galing kapa sa workshop. At ramdam kong pagod ka kakagawa ng armas, you shouldn't exhaust your body too much. Sino nalang ang gagawa ng armas namin?" Pananalita ko at nagbiro pa. Napangiti nalang si Sebastian habang nakatingin sakin na nakapamewang sa harapan nya. Kaunti akong nahiya kaya umayos ako at awkward na kumuha ng apron at sinuot ito.
"Ako na ang tutulong kay Anthony. Kung gusto mo talagang tumulong, ikaw ang magiging human tester namin. Not the scientific manner ha" salita ko pa. Napamaang sya at hindi mawala ang ngiti.
"Okay okay ma'am. Kuha ko na" pagsuko nya kaya lumambot ang ekspresyon ko saka ngumiti at nagtungo kay Anthony para ipagpatuloy ang ginagawa ni Sebastian kanina.
"Sa armas ka ba concerned o sa kanya?" Bulong na hirit ni Anthony at narinig ko syang humagikik. Sinamaan ko sya ng tingin at mahinang sinapak sa braso.
"Shut up" sagot ko at napatawa narin ako. Ewan, kahit ako di ko alam. Saan nga ba ako concerned? WAIT. Napailing ako.
"Akala ko ba nakakaiyak ang sibuyas? Nakakabaliw din pala?" Tanong ni Anthony at napatawa na naman. Napasimangot ako at malakas na syang sinapak sa braso. Pinagtitripan ako ng lalakeng to ah!
"Hindi ako baliw, tanga!" Asik ko sa kanya at inirapan sya.
"At mas lalo namang hindi ako tanga, baliw!" Sagot nya at binalik ang masamang tingin sakin pero kalaunan ay napahagikhik nalang kaming dalawa.
"Pareho kayong baliw....at tanga." Napatahimik kami ng marinig namin si Sebastian na magsalita kaya napalingon kami sa kanya na nakacross arms at nakangisi samin. Dumapo sa niluluto ni Anthony ang tingin nya, "Nasa kabilang drawer ang soy sauce at iba ang nailagay mo sa niluluto mo." He spat out and then look at me. "Marami na ang sibuyas kaya bakit kapa nagdadagdag?" Napatingin ako sa ginagawa ko dahil sa sinabi nya. Again. He spat out the facts. Napangiwi ako.
"Oops?" Patanong kong sagot sa sinabi nya at agad tumalikod para ihiwalay ang sibuyas na sumobra.
Tahimik na ulit kaming nagluluto habang pinapanood ko naman si Anthony na syang naghahalo at nagluluto ng mga hinihiwa ko.
I went closer to him ng tikman nya ito. I watch his reaction pero napangiwi sya kaya kinabahan akong baka panget ang lasa.
"Bakit?" Tanong ko sa naging reaksyon nya. Tumingin sya sakin at kumuha ulit ng isang kutsarang sabaw. Hinarap nya ito sakin.
BINABASA MO ANG
Reincarnation of goddess Aphrodite✓
FantasyHighest rating: #1 in Kindness, #1 in Greeks. #1 in Mystery. #1 in Aphrodite. #1 in Deities. They say she's the most beautiful women in the world, the typical woman who makes every man drool. Some says she's a total bitch and slut. But they forgot o...