ROGA¹

12.7K 273 5
                                    

Henrietta Agnes Laurel's POV

'Waahh hetta is really beautiful'

'i wonder if she took a plastic surgery'

'she was really born beautiful'

'i wish to be her!!'

I just smiled sweetly. Sanay narin ako sa mga bulong bulongan nila at papuri sakin. Since birth na siguro nila akong pinupuri. I am on my way to the comfort room dahil syempre, gusto ko magbawas.

Nang makapasok ako sa cr ay nadatnan kong walang tao sa loob kaya napahinga ako ng maluwag.

Ako nga pala si Henrietta Agnes Laurel, 21 years old at kasalukuyang nasa kolehiyo, taking up my tourism course, huling taon ko narin ngayon kaya mas pinagiigihan kong mag-aral, hindi naman sa may pagpagkabobo ako, average lang HAHAHA.

Anyways, mabuti nalang at walang tao, humarap ako sa salamin at napatitig sa mukha ko saka bumuntong hininga. I myself can't explain why i had this overflowing beauty, though, maganda at gwapo ang mama at papa ko pero hindi yung sagad na maadik talaga ang lahat. Hayyst. When i turned 18, maraming magbago sakin na kami lang nila mama at papa ang may alam.

I wasn't born having a purple eyes, it started to appear when i turned 18. My hair was born brown and i took hair colour when i was 14 years old. The color was magenta with the combined of vivid yellow and olive tone.

Everyone thought that i took a contact lenses. At marami pang magiba sakin, my voice suddenly become soft and seductive naturally. I was born with pale skin but now, it looks like i was using glitters to make my skin shine.

Mas lalo ring kumulot ang buhok ko na para na itong lumulutang at kahit gaano pa kadami ang kainin ko, hindi ako tumataba, nananatili ang slim kong katawan na nasusukat ng 33-23-33, at syempre ang tangkad ko rin ay aabot ng 5'9.

And the most weird part happened to me is, i can talk to dove, swan and sparrow, dahil narin kasi sa trabaho ng magulang ko at sa pagmomodel ko, kung saan saang bansa narin ako nakarating. Tapos, nararamdaman ko rin ang nararamdaman ng iba and a lot of things unexplainable.

Pagkatapos kong magbawas at ayusin ang sarili ko ay lumabas na ako ng cr at muling sinalubong ang buhay na kinagisnan ko.

******

"Ma! Pa!" Nakangiti kong salubong sa mga magulang ko ng makarating ako sa mansyon namin. Bumeso naman ako sa kanila at ginawaran din nila ako ng ngiti.

"O kamusta ang school princess?" tanong ni Papa. Nakasimangot ako pero may ngiti parin sa labi.

"Pa naman, hindi na ako bata. And besides, kailan pa naging pangit ang araw ko." sagot ko at bahagyang tumawa. Napailing iling nalang si Papa. Napatingin naman ako sa hawak na envelope ni Mama.

"O ma, ano yan?" tanong ko. Bumakas ang lungkot sa mukha ni Mama nang mapatingin sa hawak nito at naramdaman ko ang kalungkutan na nararamdaman nya kaya bahagya akong nagtaka at nangamba sa naging reaksyon nito.

"Nak, may nagpadala samin nito. Siguro, panahon narin." sagot ni Mama at nilahad sakin ang envelope. Tumingin muna ako sa kanila ni Papa bago tinanggap ang envelope dahil sa kuryosidad.

Binuksan ko na ito at binasa ang nakasulat.

"Henrietta Agnes Laurel, you are invited to visit the Olympus Academy. Hence, to this request you are required to live here for 1 year and serve us for the whole vacation for it is your task. We are looking forward to your presence."

"Olympus academy? My task?" Sunod sunod kong naging tanong at tumingin kina Mama. Bakas pa din ang pangamba at pagkabahala sa mukha nila. I heard about the word 'olympus' but that was a fiction so what's this? The owner is a big fan of myths?

"Anak, pasensya ka na kung hindi namin agad nasabi sayo ng Mama mo. Pero hindi ka isang normal na tao Hetta." si Papa ang sumagot sakin. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"What?" tanong ko. Hindi ako normal na tao? Well, hindi naman talaga normal ang nangyayari sakin simula nung mag 18 ako.

"Totoo ang Olympus anak. Totoo ang mga gods and goddesses, ang mga olympian gods. Ang mga nasa mythology na tinuturo sa inyo simula highschool." salita ni mama at hinawakan ako sa kamay habang malumanay ang tingin sakin at taimtim lang akong nakikinig.

"Yun nga lang. Hindi na namumuhay ang mga Olympians sa panahong ito. Every 100 years, the gods are reincarnated. And one of the Olympians are you." dagdag ni Mama at hinawakan ako sa mukha. Hindi mahirap sakin ang tanggapin ang lahat, dahil ang mga nangyayari sakin ay isang ebidensya na tunay nga sila.

"Then who am i?" tanong ko. Ngumiti si Mama sakin.

"You are the Olympian goddess of beauty and love, Aphrodite. She choose you to be her and she had given you all her abilities, attitudes and powers. You have inherited all her belongings and personality." sagot ni Mama. Hinawakan naman ni papa ang kamay ko.

"Every year, you and the other Olympians are task to go to Olympus, to be trained and to do your job as an Olympian." salita ni Papa.

"Olympus academy is an academy for semideuses, for half gods and half human. They are the childrens of the gods from their reincarnated soul." dagdag ni Papa. Ngumiti ako at tumango tango. I'm happy and relieved that i wasn't the one who's weird. Who has difference in this world, that i wasn't alone.

"Do you want me to go?" tanong ko. Hindi ko rin kayang iwan sila kung ayaw nila. Naramdaman kong lumuwag ang nararamdaman nilang dalawa.

"Oo naman. It is the world where you truly belong, anak. Simula bata ka palang, tanggap na namin ang katauhan mo. Kaya gusto naming, pumunta ka anak, try to know the world where she belong." sagot ni Mama at ngumiti. Tumango ako at niyakap sila.

Maybe i have to try this one. Try another environment and try to understand the world she lives in.

Aphrodite is inside me, all along. The reason of every changes i have. Ang rason kung bakit nakakagawa ako ng kakaiba. Kung pupunta ako, kakailanganin kong pag-aralan ang mundong papasukin ko. Kailangan ko ng information tungkol sa kanila.

"Kapag handa kana anak, ihahatid kita sa kanila." salita ni Papa. Tumango ako at abot langit ang saya na nararamdaman.

"Salamat ma, Pa." sagot ko. I really love this two, sila yung tipo ng mga magulang na hindi strikto sakin at masyado rin namang protective. Mahal na mahal nila ako at ako rin sa kanila.

Prim_rose7

Reincarnation of goddess Aphrodite✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon