ROGA³²

1.3K 43 0
                                    

Helena's POV

"Hey why are you crying?" tanong ni Heidi sakin at lumapit kay Agnes. "Let's not pretend she's dead, she's just.....sleeping." dagdag nya.

And there, i had time to finally see what Heidi feels, i have time to finally see how's Prea. Namumugto ang mga mata ni Prea na umupo sa tabi ko, tapos na akong gamuting ng mga healers pero nakasandal parin ako sa puno dahil hindi pa bumabalik ang lakas ko.

"She can't accept her death. She must be confused inside, they are the closest after all." salita ni Prea habang nakatingin kay Heidi na sinusuklay ang alon alon na buhok ni Agnes.

Nasaktan ako sa katutuhanang, mas masakit ang nararamdaman nila kesa samin.

"She's not losing hope. Sabi nya ay magtiwala tayo kay Agnes, hindi nya tayo basta bastang iiwan." dagdag ni Prea. Napaiwas ako at pilit na pinigilan ang luha na nagbabadya na namang tumulo.

"There's no other way to revive her right?" tanong ni Prea at tumingin sakin. Napailing naman ako.

"Hindi ko alam." sagot ko, and that's a fact. Wala akong alam kung paano sya ibalik, kung paano sya buhayin.

"They found us!"

Napatayo kami pareho ni Prea nang may sumigaw sa bukana ng tagong parte ng gubat na ito. Napakurap ako sa gulat.

"Shoot! Protect each other!" sigaw ng kasama namin.

Agad akong pumunta sa harapan ng tanging daanan rito. Naramdaman ko si Prea sa tabi ko kaya agad ko syang hinarap at hinawakan sa balikat.

"Gather with the others. Do not come near here." salita ko. Nag-aalalangan man sya ay sinunod nya ang sinabi ko, nakisama sya sa mga hindi na makatayo at tumingin naman ako kay Sebastian na naglalakad pa tungo sakin. Si Heidi naman ay nanatili kay Agnes.

Muli akong tumingin sa harapan ko ng makarinig ng yapak. Ilang minuto lang ay nakita ko ang isang Rebel na nakangisi ng makita ako.

Kalmado lang ang mukha nito na nakatingin samin.

"You can't hide from us. It's the end of you demigods." salita nya at ilang sigundo lang lumabas ang mga bampira na kasama nya. Damn. Tell me how will we get this thing over?

"Ahh!" nanlaki ang mga mata ko at ganun nalang ang kaba sa dibdib ko ng marinig ang daing ni Heidi, kasabay nun ang sigawan ng mga estudyanteng sugatan at nagsimula nang umatake ang mga bampira.

Agad kong sinugod ang Rebel sa harapan ko at buong lakas syang inaatake. Umalingawngaw ang tawa nya na tila natutuwa sa paghihirap namin. Baliw. Baliw na sya.

Ginamit ko ang gravity para hindi sya makagalaw at pinabigtan sya pero agad nya rin itong narepell. Napaatras ako ng hinataw nya ang hawak nyang sandata sakin at mabilis na sinangga ito gamit ang weapon ko. Hinataw ko sya ulit at malakas na sinipa ang sikmura nya.

Nang matumba sya ay agad ko syang pinabigatan ng gravity saka sya pinakain sa lupa. And yes, i just killed her.

"Heidi!" rinig kong sigaw ni Prea kaya agad akong lumingon sa direksyon nila at halos mapanghinaan ng loob ng makita ang duguang si Heidi na nakahandusay sa tabi ng higaan ni Agnes, pero parang may mali.

Agad akong lumapit sa kanila at pilit na ginising si Heidi.

"Hey..wake up!" naiinis na ako sa lahat kaya hindi ko na napigilan ang sariling sigawan sya. Nabuhayan ako ng magising sya.

"A-ag-nes." mahinang sabi nya at kinailangan ko pang ilapit sa kanya ang tenga ko.

"B-bites..v-vam---pir--e..." Nahihirapan nyang salita. Agad akong napatingin kay Agnes ng maintindihan ang sinabi ni Heidi.

Reincarnation of goddess Aphrodite✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon