TIG?: Chapter 14

9 6 0
                                    

[Zaina's POV]

"Magbanlaw na kayo. Diyan sa shower room." pagkasabi ni Terrence nun ay hinila ako ni Andrew papunta sa tapat ng shower room walang cubicle sa loob. Hala!

"Hubarin mo na yan black coat mo tapos dun ka na lang mag-ayos sa loob. Tsaka may cubicle dito sa kabila dito ka magbihis mamaya." paliwanag sa akin ni Andrew. "Dalian mo na. Parang di ka sanay sa babaran kanina, kaya banlaw na okey. Ayaw kong nagkakasakit kayo." dugtong pa niya.

"Opo" at pumasok na lang ako sa shower walang lock yung pinto pero dalawa yung daanan, magkabilang dulo ng shower room. Yung isa sa dinaanan ko tapos yung isa pabalik papuntang pool.

Sinabit ko muna yung twalya  malapit sa bintana tapos naghubad na ako ng pantaas ko kasi ako lang naman mag-isa dito kaya bibilisan ko na lang.

Luluwagan ko na sana yung pinang-iipit ko sa dibdib ko kaso may narinig akong lalaki na staff ata.

"Sabi ni Direk pwede rin daw tayong maligo kaso shower lang." staff1

"Okey na yun! Basta fresh tayo!" staff2

"Tara na!" staff1

Na-alerto ako. Di nila ako pwede makita ng ganto. Dumiretso agad ako yung pabalik sa pool.

Nakalimutan ko na may twalya pala ako! Nakakainis.

Yinakap ko yung sarili ko para matakpan pa ako ng mga braso kahit payat tsaka para di matanggal yung ipit.

Pagkapunta ko dun sa may pool area, wala ng tao. Nakita ko naman yung anino sa likod ko na papalapit sa pwesto ko kaya huminga ako ng malalim at tumalon ako sa pool para makapagtago.

[Erick's POV]

Nakita kong tumalon si Zach sa pool pero di ko muna siya nilapitan.

"Maligo na kayo."staff.

'Ha? Kayo?' napaisip ako sa KAYO

"Susunod!" sigaw ni Brenz at umalis na yung staff.

Nakita ko namang lumapit si Brenz malapit dun sa pool at patingin-tingin sa oras.

Tatakbo na sana ako para i-ahon si Zach dahil halos mag-iisang minuto na si Zach sa ilalim ng tubig kaso naunahan ako.

Bigla namang dumating si Richard at Irene kaya pumunta na ako sa shower. Sa tingin ko nakita na nila Richard si Brenz kaya panigurado magtataka yun.

[Brenz' POV]

'Bakit tumalon yun?' tanong ko sa sarili ko nung nakita ko si Zach na naka-naked pero tago paron yung ano! Yung hinaharap!

"Maligo na kayo." staff.

'Anong kayo?' tanong ko ulit sa sarili ko pero sinagot ko na lang yung staff at lumapit na agad sa pool.

The Impostor Guy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon